Ayaw Ko Na
Hanggang kailan titiisin
itong sakit na nadarama?
Katawan ko’y nanlulupaypay na.
Di na ata kayang lumaban pa.
Ayaw ko na, pagod na ako.
Lagi na lang bang ako ang talo?
Kailan ko maipapanalo ang laban
na matagal ko nang nais magwakas?
Ayaw ko nang maranasan pa,
pero paulit-ulit kong nararanasan.
Ayaw ko nang madama pa,
pero lagi kong nadarama.
Maaari bang ako’y magpahinga na lang?
Pagod na akong tiisin itong pagdurusa.
Nais kong tapusin na itong buhay ko
sapagkat ayaw ko nang lumaban pa.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
