Pluma at Papel
Sa panahong nakararamdam ng pag-iisa,
Pluma’t papel ang aking kasama.
Sa mga tula’t istorya na lang idaraan
Ang mga gumugulo sa aking isipan.Ituturing ang sarili bilang magiting na manunulat.
Sa papel ay susubukan pa ring magsulat
Kahit maubusan ng tinta ang pluma,
Ito’y magsisilbi pa ring aking sandata.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.