Tamang Pagboto
Botante, maalam ka ba?
Sigurado ka na sa iboboto mo?
Ibobotong kandidato?
Kilala mo ba siya?Mamamayan, pag-aralan
ang mga programang pangkaunlaran
na nais ipatupad ng mga kandidato
na nangangarap maging opisyal.Buksan ang inyong mga mata
at tignan ang mga isyu sa bansa
upang mas masuri ang kandidatong iboboto
na may malalamin na kaalaman ukol sa isyu.Hindi porket pinsan mo siya,
iboboto mo na.
Alamin ang totoong pakay niya
baka pera mo’y kurakutin lang niya.Ang mga kandidato’y iba-iba,
iba-iba sa uri ng pamamalakad.
Buksan ang isipan at alaming husto
kung sino sa kanila ang mas may karanasan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoezjaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.