Pinangarap Ko
Isa akong mambabasa.
Katha ng iba’y aking binabasa.
Mga gawa nila’y sobrang maganda,
ako’y talagang napahanga.Ako’y nanubok sumulat
upang damdamin ko’y mailahad.
Umaasang may makapansin nito
at sila’y maging mambabasa ko.Tunay na mga mambabasa ang inasam ko
na siyang susuportahan ako hanggang dulo
ngunit tila ako ay nabigo.
Unti-unti na silang naglalaho.Naglalaho nga ba talaga
O mula umpisa’y wala naman talaga?
Babalik na lang ako sa dating ako
na tagabasa sa katha ng mga iniidolo ko.Isa akong mambabasang sumubok sumulat
at pinangarap maging tanyag na manunulat,
manunulat na hinahangaan ng lahat
dahil sa galing niya sa pagsusulat.Sa larangang ito’y ‘di ako karapat-dapat,
pinangarap ko man maging sikat gaya ng iba.
Isa lang talaga akong mambabasa
kahit minsa’y naging manunulat.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoésieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.