Pluma’t Papel
Sakit at lungkot na aking nadarama
ay nababawasan tuwing hawak ang pluma.
Problemang aking dinadala ay tila nawawala
kapag papel ay aking kaharap na.Papel at pluma, naging sandigan ko na
sa mga panahong kailangan ko ng kasama.
Pagsusulat ang naging libangan ko
hanggang ito’y napamahal na sa akin.May pagkakataong ninais kong sumuko
at bitawan na ang plumang hawak ko
ngunit hindi ko magawa, nahihirapan ako lalo.
Kaya pagsusulat na nakasanayan
ay laging binabalik-balikan ko.Pluma at papel ang naging kasakasama ko
sa mga panahong ramdam kong mag-isa talaga ako.
Pagsusulat ay naging kasiyahan ko na
sapagkat nakakatulong ito nang sobra.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.