Dulot ng Nakaraan
Ako’y nakakilala ng dalawang tao,
pareho kong itinuring na kaibigan.
Matagal kong kilala at kaibigan ang isa
bago pareho naming nakilala ang isa pa.
Naging malapit kaming tatlo sa isa’t isa
hanggang sa ako’y malayo sa kanila.
Ako’y kanilang pinagkaisahang saktan.
Hindi na raw nila ako kaibigan.
Ako ba’y kanilang pinagloloko lamang
o talagang ayaw na nila akong kasama?
Kami naman ay nagkaayos
ngunit labis akong nasaktan sa nangyari.
Simula noon, ako’y mas nakaramdam ng pag-iisa.
Natatakot na rin na makipagkaibigan pa.
Hanggang ngayo’y naaalala ko pa rin ang nakaraan,
matagal na iyon pero iyong sakit nandito pa rin.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesieMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
