Paalam

3 0 0
                                        

Paalam

Masakit man sa akin
ngunit buo na ang desisyon ko.
Lilisanin ko na ang lugar na ‘to
at hindi na babalik pa.

Patawad kung aalis na ako.
Hindi ko kayang manatili pa
sa lugar na ‘di naman
madama ang aking presensiya.

Siguro nga noong una,
pinapansin n’yo pa ako’t kinakausap
ngunit nagbago na kayo.
Binabalewa n’yo na lang ako.

Hindi ko alam ang dahilan.
Kinakausap ko naman kayo lagi.
Siguro nga ‘di ako kabilang dito
kaya ako’y lilisan na... paalam.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon