Introduction:
Ito ay isang kwento ng mga kakaiba at extra-ordinaryong teens na pwede kang maniwala at pwede ring hindi. Ang mahalaga sa kwentong ito ay yung aral na pwede maging inspirasyon sa bawat araw ng buhay. Bawat character na nagdadala dito ay may kanya kanyang ugali na pwede mong magustuhan at pwede ring hinde.
Dadalhin ka rin ng istoryang ito sa lugar na hindi mo akalain at sa mga pangyayari na pwedeng ikagugulat mo. Kikilig, mamangha, matatakot at mai-inlove ka sa kakaibang adventure sa bawat buhay na ilalahat ng mga kakaibang teen na ito.
kaya tara na., at makisabay sa buhay ng mga kabataang extra-ordinaryo.
_______________________________________________________________________
Naglalakad si Mackoy sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University papunta sa kanyang classroom habang yung mga mata niya ay busy sa pag oobserve sa bawat sulok ng skuwelahan at pati na rin sa mga bagong mukha ng mga istudyante na may sariling mga ginagawa.
Mag-isa lang si Mackoy sa ngayon dahil isa siyang freshmen at wala siyang kakilala dito. Sa Tagaytay city siya nag highschool kaya yung mga kaklase niya ay naiwan doon. Hindi rin maiwasan ni Mackoy ang mag-isip habang naglalakad na parang may Audio Book sound sa kanyang utak at malinaw niyang naririnig ang bawat salita ng kanyang iniisip.
Sa sandaling ito, mag-isa na naman ako, isang freshmen sa bagong school. Walang kakilala at walang kaibigan na para bang magsisimula na naman muli.
Ako nga pala si Mackoy isang ulila na labing pitong taon gulang. Sabi ng lola ko, sanggol pa lang ako nung namatay yung mga magulang ko sa isang car accident.
Bukod sa lola ko, ay wala na akong iba pang pamilya. Inaamin ko malungkod ang buhay ko pero hindi ako naniniwala na ganito na lang ako habang buhay.
Darating din ang panahon kung kailan magbabago ang takbo ng buhay ko. Sana nga may dumating na magbibigay saya sa akin.
_______________________________________________________________________
Starring:
Mccoy de leon bilang si "Mackoy"
17years old from Tagaytay City wala na siyang mga magulang na ayon sa kanyang lola Elma namatay ito sa isang car accident. Gusto ni Mackoy na maging isang doktor tulad ng kanyang lola kaya isang medical course ang kanyang kinuha sa kanyang 1st year in college.
Hindi gaanong katangkaran si Mackoy sakto lang ang kanyang height sa kanyang edad medyo moreno at siyempre pogi. Wala pa siyang naging girlfriend dahil ayon sa dalawa niyang bestfriend na sina Edward at Marco ay hindi daw siya marunong manligaw.
Hindi masagot ni Mackoy kung bakit pero alam niya na darating din yung babaeng mamahalin niya sa takdang panahon.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...