Nung bumalik si Edward sa mundo ng mga tao ay hindi niya akalain na magka iba pala ang takbo ng oras ng magkaibang mundo. Sa pagkakaalam niya ay buwan lang ang kanyang pagtira sa mundong Majika pero nung tumingin siya sa kalendaryo ay napangiti si Edward dahil tatlong taon na pala ang nakalipas nung nilisan niya ang mundong isinilang niya.
Tulad ng pagkasabi ng Governor ay kailangan na niyang magpaalam sa kanyang mga mahal sa buhay lalo sa kanyang dalawang matalik na kaibigan na si Mackoy ay Marco. Sa kanyang paglibot sa ciudad ay hindi niya nakita si Marco at kahit gumamit siya ng spell para madaliin ang paghanap sa kanyang kaibigan ay nabigo pa rin siya. Ang tanging nakita niya lang ay ang isa pa niyang matalik na kaibigan na si Mackoy at tulad ng inaasahan niya hindi pumayag si Mackoy na kalimutan ang pinagsamahan at pagiging matalik na magkaibigan nila.
Sa ibaba ng puno ay sumulpot si Heaven at sinabing umalis na si Mackoy pero ang hindi nila alam ay nagtago si Mackoy at naghintay sa kung ano ang kanyang masasagap at madidiskubri mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Edward. Nabigla si Mackoy sa kanyang mga nakita pero hindi pa rin nagbago ang kanyang pagtingin sa kanyang bestfriend. Tutupad pa rin siya sa kanyang pinangako kay Edward na hahanapin niya si Marco at sabay nila tutulungan ito. Sa mga mata ni Edward nakita ni Mackoy na nangangailangan ito ng tulong.
Nung bumaba si Edward mula sa puno nakita ni Heaven na naging maaliwalas ang mukha ni Edward na kulang na lang tumawa ito sa saya. Kung ano man ang pinag usapan nina Edward at Mackoy naniniwala si Heaven na nakatulong ito para mabigyan ng compiansa at pag-asa si Edward para magtagumpay.
Pumunta sina Heaven at Edward sa lugar kung saan sinabi ni Governor Renn at ayon sa governor kailangan nilang manalo sa paligsahan na ito. Isa itong underground fight kung saan maglalaban ang mga ibat ibang uri o klase ng mga extra ordinaryo sa bansa. May mga witches, Vampire, werewolf, mutants, hunters at kung ano ano pa na handang mamatay para lang makamit ang posisyon sa napakalaki, napakayaman at napaka makapangyarihang organisasyon sa mundo para sa mga extra ordiinaryo ang Brotherhood Org.
Gamit ang wand ni Heaven ay nagteleport sila papunta sa nasabing lugar. Isang tahimik na lugar na hindi masyadong maliwanag pagdating sa gabi. Mayroong apat na lane ang daan sa pagitan ng building na iyon at sa kinatatayuan nina Heaven at Edward. Ilang minuto pa ang tinagal ng pag oobserba nila sa gusali bago sila tumawid, pero nung nagsimula na silang gumawa ng hakbang ay agad silang dinakip ng isang di kilalang witch gamit ang wand nito.
Sumulpot sila sa isang malaking kwarto kung saan may mga witch din na kagaya nila. Gustong gantihan ng pag-atake si Heaven pero pinigilan siya ni Edward dahil gusto muna niyang alamin kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila.
"Who are you and what do you want?" tanong ni Edward habang isa isa niyang minamasdan ang mga ito at hanggang sa may dumating na matabang babae na tilay witch din.
"Heaven? Buhay ka?" sabi ng matabang babae na nakilala agad si Heaven, lumapit it okay Heaven at niyakap niya ito at nagkaroon din ng tuwa sa mga mata ni Heaven nung matandaan niya ang itsura ng kanyang tita Jackie.
"Tita.. saan kayo nagpunta? Hinahanap ko kayo at si mama, nakita nyo ba po si mama? Tanong ni Heaven na tilay nagkaroon muli ng pag asang makita ang kanyang ina.
"Nagkita kami sa manila nung isang linggo. Hinahanap ka rin niya pero huwag kang magalala ramdam ko na nasa mabuti siyang kalagayan. Sabi niya magkikita kami muli sa susunod na buwan" ang masayang balita ni Jackie kay Heaven. At ilang saglit pa ay naramdaman ni Edward na may paparating at parang kilala niya ang tunog ng lakad nito at hindi nga siya nagkamali.
"Professor Morris?" saad ni Edward na parang may nagsasabi na siya kanya na may paparating na piligro sa mundo ng mga tao.
"Edward, listen to me very carefully. We have no time.." agad sinabi ni Professor Morris ang dahilan sa pagdakip nila kina Edward at Heaven at sobrang nagulat ang dalawa nung nalaman nila na kalaban pala nila ang witch na pinagkatiwalaan nila na si Governor Renn.
____________________________________________________________
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...