The Jin and the Guardian

131 7 5
                                    

Dahil sentro ang mundo ng mga tao sa anim na magkakaibang mundo ay hindi sinasadyang nagkakaroon na ngayon ng mga interuptions o ang mahalo ang mga ibang nilalang mula sa ibang mundo sa mga tao. Ang mundong earth ay hindi na tulad ng ninanais ng mga Arcs at goddesses dahil na rin sa panggugulo o pagpasok ng mga maiitim at masamang kapangyarihan na nagmumula rin sa evil world.

Si Rowena ay isang dating goddess na mas pinili ang maging masama kaysa sa mabuti at sa kasamaang palad ay itinapon siya ng mga kapwa niya goddess sa evil world. Nakipaglaban at sinakripisyo ang sariling buhay para makamit ang pinapangarap na kapangyarihan at hanggang sa naging goddess of dark magic o mas kilala bilang queen witch.

Alam ni Master wizard ang pinaplano ng queen witch at ito ang dahilan kung bakit siya nakipaglaban para makuha ang kapangyarihan ng staff na natagpuan niya sa spirit world. Ngayon nasa kanya na ito at handa na rin siya sa muling pagkikita nila ng queen witch.

Sa isang mahiwagang kweba sa spirit world ay sinusybukan pa rin ni Vivoree at Aizan na magkonsentrate pero parang wala pa ring nangyayari.

Sa gitna ng diskusyon ay may narining si JC na isang kakaibang tunog na nangagaling sa lagusan kung saan sila dumaan at nakalaban ang mga paniki. Agad niya muli kinuha ang lampara para ihanda ang kanyang sarili sa maaaring pagsulpot muli ng mga dragon bats.

Sa paghawak niya sa lampara ay may napisil siya na parang kakaibang marka na nasa taas nito isa itong hugis spiral. gamit ang kanyang thumb o hinlalaki ay di niya sinasadyang ikutin mula sa labas na linya patungo sa gitna nito.

Hindi umilaw ang lampara pero nagulat si JC nung nagkaroon ito ng butas at parang aksidente itong nabuksan. Biglang lumabas ang mala buhawing usok at laking gulat na lang nila nung kinain ng usok na ito si Aizan at muling pumasok ang usok sa lampara kasama ang sumisigaw na si Aizan at nagsara na lang ito ng kusa.

Sa bilis ng pangyayari walang nagawa ang tatlo kundi ang natulala. "Ahm ano po ang nangyari?" tanong ni Vivoree na parang hindi niya maintindihan at maipaliwanag na parang huminto ang kanyang oras sa mga sandaling iyon.

"Ngayon alam ko na, na nagmula pala sa spirit world ang mga Jin." Sabi ng master wizard na nalaman agad ang tunay na pagkatao ni Aizan.

"Isang Jin si Aizan." ang tanong ni JC na hindi na lang sana niya sinabi.

"Hindi pa ba obvious? Di ba kakasabi ko lang.." sabi ng master wizard at ngumiti na lang si JC.

Hiningi ng master wizard ang lampara na hawak ni JC at binigay naman ni JC ito sa kanyang master. Hinimas ito ng master wizard ng tatlong beses at muling nabuksan ang lampara at lumabas na naman ang malabuhawing usok.

Nung nawala ang usok ay lumitaw na ang kakaibang Aizan. Naging iba ang itsura nito at ang kulay ng kanyang balat ay naging asul at mayroon din mga marka o tattoo na hindi nila maintindihan ang mga nakasulat dito.

"Anong nangyri sa 'kin? Bakit ganito ang itsura ko? Master.." sabi ni Aizan na kahit nag-iba ang itsura nito ay tila nanatili ang pagkatao nito.

"Isa ka nang Jin at may kahilingan ako." sabi ng master wizard at sumunod naman ang Jin sabay sa pag yuko nito tanda ng paggalang sa kanyang master.

"Anong kahilingan niyo po master?" ang magalang na panalita ng isang Jin na si Aizan.

"Sa oras na ito sana magpakilala na ang tunay na espiritu na nakatago sa persona ni Vivoree." ang hiling ng master wizard na agad naman tinupad ng Jin.

Lumabas ang isang malaking enerhiya sa gitna ng dalawang kamay ng Jin at ipinasok niya ito sa dibdib ni Vivoree. Umilaw ang mga mata ni Vivoree at lumutang ito sa ere dala ng matinding hangin hanggang sa naging maputi ang buhok nito at naging pointed ang mga tenga at pati ang kasuotan ay nagbago rin.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon