Haunted House

218 6 0
                                    

Wala nang magagawa si Vivoree kung hindi sundin si Aizan dahil alam niya na mas may alam ito kaysa sa kanya pagdating sa pagiging isang Ghost. Pinuntahan nila ang malaking lumang bahay sa baguio dahil naghahanap sila ng mga kagaya nila.

"Teka lang Aizan, bakit tayo naghahanap ng ghost? Paano kung patayin nila tayo?" tanong ni Vivoree na parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na isa na rin siyang ghost.

"Gaga, patay ka na." sagot ni Aizan na talagang naniniwala pa rin sa kahit na wala ng buhay may pag-asa pa rin. Hindi rin maintindihan ni Aizan kung bakit patay na nga siya ay parang naninerbyos pa rin siya na hindi maaari maramndaman ng isang kaluluwa.

Nagpatuloy sila sa loob ng bahay at sinubukan pa rin maghanap ng mga bagay na pwdeng makatulong sa kanila para malaman kung bakit parang buhay na tao pa rin sila kahit wala na silang physical na katawan. Sobrang nagandahan si Vivoree sa bahay dahil bukod sa napakalaki nito napakarami ring mga magagandang kagamitan sa loob at kahit alas onse na ng gabi ay mukhang maliwanag pa rin ang loob at kitang kita ng dalawa ang napakagandang detalye at desenyo ng bahay.

Sa pagiging mausisa ng dalawa ay hindi nila napansin na naghiwalay na pala sila ng direksyon, si Aizan ay papunta sa ground floor at si Vivoree naman ay papunta ng dining area. Naka apat na hakbang na si Aizan pababa sa hagdanan nung marinig niya ang sigaw ni Vivoree. Agad naman siya tumakbo at para hanapin ito at dahil pareho silang nataranta ay nagkabanggaan ang dalawa.

"Bakit ka kasi sumigaw?" tanong ni Aizan sa sobrang natatakot na si Vivoree. Pinakita naman ni Vivoree kay Aizan ang kanyang nakita sa kusina. May limang ghost na naka upo sa lamesa, parang isang pamilya at lahat sila may tama ng baril sa ulo, sa leeg at sa dibdib. Hinila ni Vivoree si Aizan at lumayo na sila sa dining area nang biglang may isang babaeng nakakalat ang buhok na nakatayo sa kanilang harapan pero hindi nila makita ang mukha nito.

Biglang dumapa ang dalawang nung sumigaw ang kaluluwa at tumalon ito papunta sa kanila pero bigla naman itong nawala at hanggang sa may narinig silang boses na parang umiiyak.

"Umalis na tayo dito Aizan, mamamatay ako sa takot dito." Sabi ni Vivoree na gusto nang punitin ang jacket ni Aizan na kanina pa niya hinihila.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na patay na tayo, hindi na tayo mamamatay uli." Sabi ni Aizan na naging curious sa kanyang narinig na boses mula sa itaas.

"Ano ba ang hinahanap natin?" tanong ni Vivoree habang nakakapit pa rin sa jacket ni Aizan.

"Kahit sino na kagaya natin, na pwede natin kausapin at tanungin." Saad ni Aizan na talagang umaasa na may makikita siyang kasagutan sa mga misteryoso at hindi makapaniwalng mga pangyayari.

Binuksan nila ang pintuan ng isang kwarto kung saan nanggagaling ang umiiyak na babae. Napansin nila na ang boses ay nanggagaling sa loob ng aparador nasa harapan ng kama. Lumapit sila dito nung biglang may humila sa kanila.

"Huwag kayo maingay." Sabi ng lalaki na may suot na itim na jacket, dinala sila sa isang corner doon mismo sa loob ng kwarto at may nilabas ito na parang abo na maitim na kinuha nito sa maliit na pouch na dala dala nito. Gustong magtanong si Aizan pero strikto nitong sinabi na hindi pwedeng mag ingay at sinunod naman nila ito.

Ilang saglit pa ay may dumating na isang matangkad na nilalang na naka maitim na coat at nakatakip ang mukha na nagmula sa itaas na parang nakalusot sa nakasaradong kisame. Sa itsura nito agad nalaman ni Aizan na itong Fallen na kumakain ng kaluluwa. Nagtataka si Vivoree na parang hindi sila nakikita ng Fallen, pero sa isip niya habang tinitingnan niya ang naka circle na maitim na abo parang ito ang nagpoprotekta sa kanila mula sa Fallen.

Tama nga ang suspetsa ni Aizan nung binuksan ng Fallen ang aparador nakita nito ang umiiyak na babae at agad ito sinipsip ng Fallen na parang naging hangin ang babae at pumasok sa bibig ng Fallen. Hindi sinasadyang matamaan nng paa ni Aizan ang maitim na abo kaya napalingon ang Fallen pero hindi pa rin sila nakita nito. Kagaya ng pagbaba niya mula sa kisame ay ganoon din ang pag-alis ng Fallen. Lumipad ito at dumaan sa kisame na parang may invisible na lagusan.

Nung naka alis na ang Fallen ay lumabas na sila sa circle at kinuha muli ng lalaki ang dala dala niyang pouch at bigla na parang magic bumalik muli ang maitim na abo sa pouch.

"Ako nga pala si JC, at dati akong hunter. Kayo sino kayo?" sabi ni JC na gusto rin kilalanin ang dalawang kabataan. Nagpakilala rin sina Aizan at Vivoree at dahil dito nakikita sa mukha ni Aizan na natutuwa ito na meron na silang bagong kakampi at pwedeng tumulong sa kanila para mas maintindihan ang kanilang situwasyon at mga dapat nilang gawin para makaligtas mula sa nakakatakot na Fallen.

_________________________________________________________________________

Starring

Vivoree Esclito bilang si Vivoree

Aizan Perez bilang si Aizan

Also Starring

JC de Vera bilang si JC


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon