Pagkatapos ng isang magical na celebration sa House of Phoenix ay nagkaroon ng bonding ang mag-ama na sina Kisses at Ferdinand. Pero parang hindi kaya ni Kisses na hindi kasama ang kanyang lola sa mga plano ng kanyang ama.
Hindi alam ni Kisses kung ano ang nakaraan ng kanyang lola at ng kanyang ama. Kaya walang pahintulot siya nagdisisyon na dalhin ang kanyang ama sa Aquaria. Nagulat na lang si Ferdinand na nasa Aquaria na ito.
Nagulat din ang Reyna na si Dayanara sa biglang pagpasok ni Kisses kasama si Ferdinand sa napakalaking kwarto nito.
"Anong ginagawa mo dito?" ito ang unang sinambit ng Reyna nung nakita niya ang tagalupa na si Ferdinand pero hindi niya ito nilakasan dahil ayaw niya ito marinig ni Kisses pero alam na ni Ferdinand na hindi siya welcome sa mundong iyon.
"Kisses bakit mo ko dinala dito?" sabi naman ni Ferdinand.
"Daddy gusto kong kausapin mo si Lola., sa mga araw na nandito ako wala siyang binanggit na masama tungkol sayo. Kaya wala ka dapat ipangamba., di ba lola?" sabi naman ni Kisses.
"Kisses., apo., pwede mo ba kami iwan ng saglit? Dahil mag-uusap kami." Sabi naman ng Reyna.
"Sige po.." sabi naman ng nakangiting si Kisses.
Nung umalis na si Kisses ay agad lumuhod si Ferdinand at nagpaliwanag ukol sa pangyayari.
"Wala po akong intensyon na pumarito., maniwala po kayo inosente po ako sa mga plano ni Kisses at ang lahat ng ito ay hindi po sinasadya." Sabi naman ni Ferdinand.
"Wag kang mag-alala sa pagkakilala ko sa anak ninyo ni Isabel ay hindi na nakapagtatakang magagawa niya ito. Maswerte ka mahal ka ng apo ko kundi matagal ka nang wala sa mundong ito pero hindi yan ang nais kong pag-usapan natin." Sabi ng Reyna.
Nagulat si Ferdinand sa pagtanggap sa kanya ng Reyna pero alam niya na may galit pa rin ito dahil sa nangyari kay Isabel dati.
Tinawagan ni Dayanara si Ferdinand at nag-upo si Ferdinand sa isang dining table na kasma ang Reyna at hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat dahil kahit sa panaginip ay hindi niya inaakala na magyari ito.
Kinuwento ni Ferdinand kung ano ang mga nangyari sa mundo ng mga tao tulad ng gustong malaman ni Dayanara at sa mga sinabi ni Ferdinand ay hindi makapaniwala si Dayanara na nagawa nga iyon ni Kisses ang patayin si Rowena.
Tinanong din ni Dayanara kung alam nito ang totoong nangyari kay Elma ngunit hindi ito nasagot ni Ferdiand sa kadahilanang wala itong nasaksikhan sa kung ano man ang nangyari kay Elma.
Nag-alala si Dayanara dahil nung nag Elders call si Master Tokiro ay hindi niya itong nagawang puntahan dahil alam naman niya na pagdating sa ganoong bagay sila dapat ay nagkakaisa.
***
Sa loob pa rin ng palasyo ni Dayanara may isang malaking silid rin na tinutuluyan ng isang makapangyarihan na Siren na si Diana. Bago pa man bumalik si Kissse sa lupa ay naging magaling na ito at nakabalik na sa dating kalusugan at pangangatawan kayalang hindi pa ito pianpayagan ng Reyna na makalabas ng kanyang silid dahil delikado pa ito.
Hindi inaasahan ni Diana na magkakaroon siya ng bisita sa araw na iyon at ito ay ang kinikilala niyang anak na si Marco.
Biglang pumatak ang luha ni Diana nung nakita niya ito pero hindi niya itong nagawang yakapin dahil agad ito nagsalita tungkol sa kanyang mga nararamdaman.
"Bakit mo ko iniwan? Totoo bang ikaw ang pumatay kay Daddy?" tanong ni Marco na umaasang may makuha siya ng mas magandang dahilan.
"Hindi kita iniwan.. kinuha ako ng Reyna at nilagay niya ako dito dahil kung hindi ay hindi mo na ako nakakausap ngayon. Isang Banshee na may kakaibang kapangyarihan tulad ng isang demon ang nakapatay kay Felix at hindi ko nagawang ipagtanggol siya dahil hindi ko inaasahan ang planadong atakeng iyon." Paliwanag ni Diana.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...