Sa isang malawak na gubat ay pinipilit na pa rin ni Enrique na makawala at malayo sa tatlong werewolf na humahabol sa kanya. Alam niya na kahit bilisan niya ang pagtakbo ay maaabutan pa rin siya ng mga ito kaya dalawa lang ang nasa isip niya ngayon at yon ay harapin ang kalaban o tumakbo hanggang sa mawalan siya ng lakas at harapin pa rin ang kalaban na alam niya mismo na ganoon nga ang mangyayari.
Huminto si Enrique at agad nasa harapan niya ang isang werewolf at nasa likod naman niya ang dalawa pa. Blangko ang kanyang isipan dahil hindi niya inaasahan na malalaman ng kanyang kalaban ang tungol sa kanya at tungkol sa pagligtas niya sa mga nabibiktima ng mga ito.
"Alam mo, kung hindi ka lang sana naki alam eh di sana tatagal pa ang buhay mo. Una pinatay mo ang kaibigan kong Chimera na si Mike tas kahapon naman si Dan na alam mong kabilang sa pack na itinakwil mo. Alam mo naman siguro ang rules ni Alpha di ba? Buhay ang kinuha mo buhay din ang kapalit non. So ngayon handa ka na ba?" sabi ng isang Wolf leader na nasa kanyang harapan.
Hindi nagsalita si Enrique at agad itong nagtransform sa pagiging isang werewolf at sinugod ang wolf leader na nasa kanyang harapan. Hindi rin nagpahuli ang dalawang werewolf sa likod ni Enrique at sumugod din ang mga ito. Sa mga sandaling iyon ay kitang kita na ang pagkatalo ni Enrique kahit pinipilit niyang lumaban ay mukhang dehado talaga ito.
Pula na ang buong katawan ni Enrique dahil sa mga sugat na natatamo nito mula sa kanyang tatlong kalaban at kahit nawawala na siya ng lakas ay nakuha pa rin niyang patayin ang isang werewolf nung tinusok niya ang kanyang kamay sa dibdib ng kalaban at tinanggal niya ang puso nito.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang wolf leader para ipasok din ang kamay niya sa dibdib ni Enrique pero biglang may pumulupot sa kanyang braso. Isa itong ugat ng puno na parang ahas na gumapang sa kanya na parang may sariling buhay at nung tumingin siya sa kanyang likod ay isang extra ordinaryong lalaki pala ang nagkokontrol nito. Bukod sa wolf leader ganon din ang ginawa sa isa pa nitong kasama na parang tinalian ang buong katawan gamit ang mga ugat ng puno at bigla silang hinamas at dinikit sa trunk ng dalawang magkatabing puno.
Akala ni Enrique ay nabawian na siya ng buhay pero natuwa siya dahil tumulong sa kanya at nung binuksan niya ang kanyang mata nakilala niya agad ang lalaking tumulong sa kanya. Naalala niya ito dahil sa parati niya itong kalaban tuwing may palarong basketball sa school nila at ito ay walang iba kundi si Yong.
Bukod kay Yong may dumating pang dalwang miyembro ng porters sina Dr Eric Ross at Violet na parang may nakagawa na ng plano at tinutupad na lang nila ito. Lumapit si Dr Eric Ross sa dalawang nakasabit na werewolf at nilabas nito ang dalawang syringe ng hindi hinahawakan. Dr Eric Ross ay isang mutant na may telekinetic na kapangyarihan pero ito ay hindi natural. Naging mutant si Dr Eric Ross dahil sa mga experiment nila dati ng matalik niyang kaibigan na si Felix.
Natusukan ang dalawang werewolf ng gamot na ginawa ni Dr Eric Ross at pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ang kanilang itsura sa pagiging isang ordinaryong tao. Sa gamot na iyon ay kasama rin ang sangkap para patibayin ang kanilang immune system. Kaya kung sakaling kagatin sila muli ay hindi na sila magiging werewolf.
Lumapit din si Violet sa malubhang situasyon ni Enrique na tila hindi na makatayo sa natamong mga sugat. Nilabas ni Violet at kanyang wand at ginamot niya si Enrique gamit ng isang spell at naging maayos naman muli si Enrique. Marami siyang tanong na gustong tanungin pero parang hindi siya pinansin nina Dr Eric Ross at Violet dahil bigla itong nagteleport at nawala at naiwan si Yong.
"Alam kong marami kang tanong pero hindi ito ang tamang lugar para i-discuss ang mga yan. Kung okay lang sayo, dadalhin kita sa Camp naming at doon natin pag usapan." Sabi ni Yong na parang nakombinsihin naman niya si Enrique.
Hinawakan ni Yong ang balikad ni Enrique at nagteleport sila papuntang camp at nakita ito ng dalawang nakasabit na binatang nakahubad at hindi din sila makasalita dahil sa ugat na nakatali sa kanilang bibig.
Sa interrogation room dinala si Enrique para imbestigahan ang mga naganap lalo na ang pagpatay niya sa isang Chimera na si Mike. Nagtaka si Enrique dahil hindi niya malaman kung paano nalaman ng mga porters ang kanyang ginawa at pinaliwanag naman ito ni Kristine.
"Isa akong banshee, nalalaman ko ang mga pangyayari kahit hindi ko ito nakita kaya alam namin ang ginawa mo pero ang hindi namin alam ay kung bakit mo ito ginawa." Tanong ni Kristine na parang hindi kumukurap habang ini-interview si Enrique.
Napansin naman ito ni Yong, "Kailan kaya magbabago ang babaeng yan, bakit ba pag lalaki ang biktima si Kristine ang pinapa interview nila?" sabi ni Yong na tilay hindi nagustuhan ang mga nakikita niya sa interrogation room. Ang kinakausap naman ni Yong na si Christian ay parang deadma sa reklamo niya na parang wala itong narinig at bigla na lang itong umalis.
Kaya bumalik na lang ni Yong ang kanyang atensyon kay Kristine na pinapanood niya mula sa see through na salamin, "Ang arte arte akala mo naman kung sinong maganda." Sabi ni Yong sa kanyang sarili na parang naiinis sa kanyang mga nakikita pero gustong gusto naman niyang tingnan.
_______________________________________________________________________
Starring
Yong Muhajil bilang si Yong
Christian Morones bilang si Christian
Kristine Hammond bilang si Kristine
Also Starring
Jon Lucas bilang si Enrique
Karla Estrada bilang si Violet
Eric Quizon bilang si Dr Eric Ross
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...