Invisible

220 7 0
                                    

"Marcoooo.. ." sigaw ni Vivoree habang nagtataka kung bakit biglang nawala sa kanyang paningin si Marco. "Saan ka na, magpakita ka na please.." naiiyak na si Vivoree sa takot at pag alala sa mga nangyayari na hindi niya naiintindihan.

Nakatayo si Vivoree sa gitna ng taniman nilang strawberries at parang nakastuck ang mga paa niya sa lupa pero hindi naman ito nakabaon kaya sobra siyang nagtataka pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagsulpot ng isang lalaking hindi niya kakilala.

"Sino ka? Anong tong ginagawa mo sa akin, at para malaman mo hindi ako natatakot sayo." Matapang na sabi ni Vivoree. Pero sinusubukan pa rin niya hanapin si Marco sa paligid. Pero ngumiti lang ang lalaking kasama niya at parang minamasdan siya.

"Huwag kang matakot, hindi ako kalaban, ako pala si Aizan at kagaya mo isa na rin akong ghost." Ang nakangiting pagkasabi ni Aizan na parang sanay na sa ganoong situasyon.

"Sira ka ba? Anong ghost na pinagsasabi mo dyan." Sabi ni Vivoree na tilay hindi naniwala kay Aizan kaya sinubukan niya ring tawagan ang kanyang mga magulang. "Naaaaaay... tataaaaaay.. tulungan niyo ko.." ang walang tigil na pagsigaw ni Vivoree.

Umupo at tinakpan na lang din ni AIzan ang kanyang mga tenga dahil nabibingi na siya sa kakasigaw ni Vivoree. Pagkalipas ng ilang oras ay napagod na rin si Vivoree kaya nakipag usap na lang din siya sa estrangherong si Aizan.

"Bakit ako naka stuck? Bakit hindi ako makalakad at anong nangyayari sa akin?" tanong ni Vivoree na parang may humahabol sa kanya at gusto niya malaman agad agad ang mga sagot.

"Pwede bang cool ka lang, chillax lang girl ang swerte mo nga eh, andito ako kasi nung namatay ako wala akong pwedeng pagtanungan." At tumayo si Aizan dahil alam niyang na kakailanganin siya ng babaing walang kamalay malay sa nangyari sa kanya. "First of all, kailangan mong maniwala na isa ka nang ghost, at kapag nagawa mo yan, makaka alis ka na dyan." At pinakita na naman ni Aizan ang kanyang napaka cute na ngiti.

Tumagal pa ng ilang oras bago makumbinsihin ni Aizan ang inosenteng si Vivoree. "Ano ba yung huling naalala mo?" tanong ni AIzan na parang naging abugado bigla.

"SI Marco..," una niyang naalala nung biglang pagkawala ni Marco, pero nung tumagal pa unti unti na niyang binabalikan ang mga naganap, "May surpresa siya sa akin, dadalhin niya ako sa isang lugar na sabi niya magugustuhan ko daw, magiging masaya daw ako." Habang inaalala ni Vivoree ang mga naganap ay hindi na niya namalayan na nasa ibang lugar na siya at nagteleport din si Aizan upang sundin siya.

"Oh ano naniniwala ka na sa akin?" at ngumiti na naman si Aizan habang si Vivoree halos mababaliw na sa mga nangyayari na hindi pa rin niya naiintindihan.

Nakita ni Vivoree ang hinandaang dinner date sana nila ni Marco pero nakakalat na ito at sa mga sandaling iyon nararamdaman nan i Vivoree ang paglamig ng buo niyang katawan. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng matinding emosyon na hindi niya mapigilang umiyak at sumigaw at sa huli ay may naramdaman siyang may kumagat sa kanyang leeg na nagpamanhid sa buong katawan ni Vivoree at hanggang maalala niya na kinagat siya ng isang werewolf.

Ang tawag sa pagkamatay ni Vivoree ay supernatural death, hindi ito kagaya sa mga ordinaryong tao na may sinusunod na natural order. Kagaya ni Aizan na pinatay din ng mga Werewolf ay naka stuck din sa mundo ng mga tao at bihira lang ang mga kagaya nila na nagkakaroon ng conscious mind o pag iisip kahit wala na ang kanilang pisikal na katawan.

Ngunit alam ni Aizan na may panganib pa rin na nag aantay sa kanila. Hindi pa niya nasasabi kay Vivoree na may mga Fallens na kumakain ng kaluluwa para sila'y lumakas at magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan. Hindi pa sigurado si Aizan kung anong klaseng nilalang ang mga Fallens pero sa mga nakita niya dati, naniniwala siya na ang mga Fallens ay kampon ng kadiliman.


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon