Sa isang lugar na sakop pa rin ni Master Tokiro na hindi pa nagawang puntahan ni Mackoy sa mga naging araw ng kanyang pagsasanay ay ditto siya dinala nina Elma at Master Tokiro upang ipagpatuloy ang panggagamot. Dito rin nagkakilala sina Elma at ang anak ni Master Tokiro na si Elisse na isang Enchantress at nalaman ito ni Elma mula mismo kay Master Tokiro. Hindi na muna binigyan ng mas malawak na pansin ni Elma ang tungkol dito dahil sa ngayon ay mas importante ang sitwasyon ng kanyang apo. Hindi sinabi ni Gabriel kung hanggang kalian at ilang araw ang kailangan maghintay para bumalik sa dating lakas ang walang malay pa rin na si Mackoy.
Pagkatapos ng isang linggo sa kakatulog ay sa wakas ay nagising na rin si Mackoy at ang una niyang nakita ay ang isang napakagandang mukha na parang isang diwata na nagniningning kasabay sa sinag ng araw. Hindi makatayo si Mackoy dahil sa kanyang likod na parang namamanhid pa rin. Lumapit sa kanya si Elisse at pinainum siya ng tubig na galing pa sa mahiwagang balon na tutulong sa kanyang mabilis na paggaling.
"Kamusta ka na?" ang pangiting tanong ni Elisse, hindi alam ni Elisse kung bakit magaan ang loob niya kay Mackoy. Iniisip niya dahil na rin siguro sa mga magagandang kwento ng kanyang ama na tungkol dito.
Naalala ni Mackoy ang huling laban nila ni Elisse at hindi niya akalain na sa likod pala ng isang matapang malakas at mahusay sa pakikipaglaban ay isang napakagandang dilag. Halos hindi makapagsalita si Mackoy dahil parang natulala ito ng saglit. "Ahh, medyo hindi ko pa magalaw ang katawan ko. Ano ba ang nangyari sa akin?" nagtataka si Mackoy kung bakit hindi niya maalala ang nangyari sa kanya.
"Hindi rin ako sigurado, walang naikwento ang ama ko tungkol sa nangyari sayo kasi sabi niya sumasakit na ang buo mong katawan nung maabutan ka niya. Huwag kang mag alala unti unti nang nagkakabisa ang panggagamot ko. Sabi ni Elisse at walang anuman ay nagsimula na ito sa pag concentrate at ilabas ang kanyang taglay na enerhiya na nakakagaling ng kahit na anong sakit o sugat. Dinikit ni Elisse ang kanyang dalawang kamay na parang nagdadasal at nung hiniwalay niya ito nakita ni Mackoy ang berdeng usok na unti unti nang bumabalot sa kamay nito.
Lumapit muli si Elisse kay Mackoy at hinawakan niya ang kamay nito at gumapang ang berdeng usok sa buong katawan ni Mackoy at nagumpisa itong manginig at tumigas at hanggang sa kumalma ang daloy ng dugo sa mga ugat nito. Pagkatapos noon ay nabalutan si Mackoy ng sobrang daming pawis at matiyaga naman itong hinimas gamit ang tuyong tuwalya para matanggal ang pawis sa katawan ni Mackoy.
Nakatulog na naman si Mackoy buong araw at sa muling pagkagising ni Mackoy ay nagawa na niyang tumayo at bumangon. Hinanap nito si Elisse at hindi niya ito nakita pero may nakita siya na sobrang ikinatuwa niya yun ay ang inihanda ni Elisse para sa kanya. Mga prutas, gulay, at mainit na sabaw na isda para makatulong sa kanyang kinakailangan na lakas. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas ito ng bahay at hinanap si Elisse.
Napansin ni Mackoy ang napakagandang tanawin ng lugar, mga nagtataasang mga puno, mga makukulay na mga bulaklak, mga magagandang tinig ng mga ibon na parang naririnig niya habang siya ay natutulog. Bumaba si Mackoy sa may hagdananan sa parang hardin ng bahay at nagpatuloy siya hanggang sa may makita siyang ilog. Sa tinatayo niyang man made na pangpang na gawa sa kahoy at sa ilalim nito ay ang napakagandang ilog na walang tigil ang pag agos ng tubig ay nakaramdam siya ng tawag kalikasan. Malayo na ang bahay para bumalik kaya dito na lang siya umihi hanggng sa.
"Nakabangon ka na pala." Sabi ni Elisse na may tatlong metrong distansya sa kanyang likod. Sa oras na iyon ay mukhang ang daming kailangan na ilabas na tubig si Mackoy dahil hindi ito naka ihi buong linggo. Namumula si Mackoy at parang nagdadasal na sana hindi ito lumapit.
"Ah oo, Elisse, ahh,, kinain ko na pala yung mga hinanda mo. Salamat.." sabi ni Mackoy na pinipwersa na niyang ilabas lahat. "Oh Elisse,." Napa sigaw si Mackoy nung humakbang si Ellise palapit."
"Bakit?" tanong ni Elisse sabay taas ng kilay dahil mukhang alam na nito ang ginagawa ni Mackoy dahil nakikita ni Elisse na may bumabagsak sa tubig. "Dahil umiihi ka, huwag kang mag alala, hindi ako pupunta diyan, kukunin ko lang itong basket na ito, dahil mangingisda ako." Sabi ni Elisse sabay ngiti at umalis na agad ito.
Pasakay na si Elisse sa maliit na bangka nung humabol si Mackoy at nag offer ito ng tulong at hindi naman tumanggi si Ellise. Hindi masyadong marunong sa bangka at at pangingisda si Makoy kaya kusang tinuruan naman ito ni Elisse. Nagtataka si Mackoy kung bakit may mga magagandang klase ng isda sa ilog at pinaliwanag ito ni Elisse na hindi ordinary ang ilog na iyon minsan kusa nitong binibigyan ang anumang hinahanap ng isang may magandang puso. Sinabay na rin ni Mackoy si Elisse na mamitas ng mga prutas at gulay sa ibat ibang lugar na kanilang pinuntahan. Isang araw lang nakasama ni Mackoy si Elisse pero pakiramdam niya higit sa isang taon na niya itong kilala. Sobrang natutuwa at masayang masaya si Mackoy sa araw na iyon na hindi man lang niya naramdaman sa napakahabang panahon na ibinuhos niya sa pag-aaral.
_____________________________________________________________________
Starring
Mackoy de leon bilang si Mackoy
Elisse Joson bilang si Elisse
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...