Golden Moonlight

158 5 0
                                    

Para sa mga fighters na nakaabot na sa pintuan na may magarbong disenyo at nakadikit dito ang numerong limang pu ay may sorpresang hinanda ang mga tagapangasiwa ng kakaibang paligsahan na ito. Isang magarbong handaan kung saan may kumakanta at sumasayaw na mga entertainers, may mga palaruan din kagaya ng mga laro na nakikita sa casino at kung ano ano pa para mabigyan ng libangan ang mga contestants.

Pumunta si Edward sa wine station at kahit alam niya na hindi siya umiinom ay pinili pa rin niya ang lugar na ito. Dahil alam niya na ang mga lasing na tao ay bihira lang kung magsinungaling at sumasaya sila kapag may sinasabi o kinukwento. Una kinausap ni Edward ang bartender kung saan konti lang ang nasagap niyang impormasyon, sumunod naman ang isang madaldal na lalaking magician kung saan ang sabi niya ay pinagdidiriwang niya din ang kanyang pang limang pung beses na pabalikbalik sa underground fight.

"Ako nga pala si Bimbo." Nagpakilala ang lasing at masayang lalaki kay Edward at walang tigil pa rin ang kanyang mga kwento. Namamatay daw ang kanyang mga decoy tuwing matatalo sa laban pero ang tunay na siya daw ay nasa audience area na nanood. Pinag-aaralan daw niya ang mga galaw at kapangyarihan ng kanyang mga kalaban at ito ang inaaply niya sa kanyang mga decoy at paulit ulit niya ito ginagawa hanggang sa makarating sa ika limang pung pintuan.

Bawat taon ay nadadagdagan ng limang pintuan ang underground fight at sa taong ito kailangan nilang malagpasan ang pitong put limang pintuan para maging opisyal na miyembro ng brotherhood org. Nabanggit din ni Bimbo ang tungkol kay Governor Renn at ang pangulo ng lahat na si Virgo at agad naalala ni Edward ang sinabi ni Prefessor Morris sa kanya tungkol sa pinaplano ni Governor Renn sa mundo ng mga tao.

Hindi pa tapos ang pagdiriwang ay bumalik na sa kwarto si Edward hindi para magpahinga kundi mayroon siyang ibang plano. Pero alam niya delikado ito, dalawa sa mga napaka striktong batas sa kompetisyon na iyon ay bawal ang magkaroon ng kahit anong komunikasyon sa labas at bawal gumamit ng shield. Wala mang cctv ang mga kwarto pero mayroon dito mga nakatagong microphones kaya maririnig siya ng isang banshee at kung gagamit naman siya ng shield ay malolocate naman siya ng shield detector.

Habang nag iisip si Edward sa kung anong gagawn niya ay may kumatok sa kanyang pintuan. Pumasok ang dalawang lalaking estranghero sabay bitbit ang isang tasang kape at isang karton ng pizza. May suot ito na uniform kagaya ng mga information clerk sa labas ng hallway. Inabot nila ito kay Edward at nagsabi ng kung ano anong dahilan.

Tinanggap naman ito ni Edward na nakasmile sabay sabing "You know, all the rooms here are well designed and so elegant and all rooms are also having their own coffee maker and a phone if I want to order something." At ngumiti din ang dalawa na parang walang naintindihan sa sinabi ni Edward.

"Ano daw?" pabulong na sabi ng isa sa isa niyang kasama, na halatang walang naintindihan sa british accent ni Edward. "Ahm yes sir.. haha.." sabay tawa nito na hinihintay na inumin ni Edward ang kape at nagkunwari si Edward na ilapit sa kanyang bibig ang tasa ng kape.

"And wait," sabi ni Edward sabay punas niya sa tasa ng kape para madikit sa kanyang daliri ang powder ng chemical na ginamit ng dalawa. "Isa itong chemical na maaaring sasakit ang tiyan ng tao pero hindi naman mamatay." At dito na nahalata ng dalawa na may alam si Edward sa kanilang plano, kaya nilabas agad ng isa ang kanyang espada at tung isa naman ay kanyang mahiwagang kadena.

Wala pang dalawang segundo ay pareho silang naging langgam at tinapakan na agad ni Edward para hindi na makatakas. Umupo muli si Edward nang may narinig na naman siyang kinakausap siya ng isang extra ordinaryong na nasa kanyang likuran.

"Gusto kong sabihin sayo na pag isipan mo mabuti bago ka pumasok sa limang put isang pintuan bukas, dahil isa lang naman ako professional hunter, na parang normal na sa akin ang mga ganitong paligsahan." Sabi ng isa na namang estranghero na pinapalutang sa kanyang kamay ang dalawang dice na tilay nagpapakita ng kanyang galing.

"Are you sure youre a hunter, because you look like a magician to me." Sabi ni Edward kahit hindi siya lumilingon nakikita niya ang pinakawalang aura ng lalaking ito. Habang nagsasalita si Edward nilabas naman ng lalaking ito ang kanyang matalim na kutsilyo at sinubukang saksakin si Edward.

Tumalikod si Edward sabay hampas sa kanya sa pader na may kasamang yelo. "If you will not get out of here, I will cut off your head." Sabi ni Edward na kitang kita sa kanyang mga mata na galit na galit na ito sa kanya. Nung tinunaw ni Edward ang ice na bumalot sa katawan ng lalaki ay tumakbo na ito paalis ng kwarto at naiwan nito ang kanyang minamagic na dalawang dice sa sahig.

Nakita ni Edward ang invisible na laser na dumadaan sa bawat space sa loob ng kwarto at inisip ni Edward na ito ang shield detector. Hindi niya ito kayang siraan pero kaya niya itong ihinto ng ilang minuto at ginawa niya agad ito. Gamit ang kanyang dalawang daliri ay gumawa siya agad ng shield para hindi siya marinig ng banshee.

Sa Vision Room ay naka upo si Professor Morris sa harapan ng sortress fire isang uri ng apoy na kulay asul at hindi ito namamatay. Hindi niya inaasahan na biglang lalabas dito ang imahe ni Edward.

"Professor, I just have three minutes I just wanna know, who is Virgo?" at agad naman siya sinagot ni Prof Morris. Isang tanong isang sagot ang gustong mangyari ni Edward para hindi lumagpas sa tatlong minuto at para hindi mag ingay ang detector.

"Isa siyang masama at makapangyarihang witch, huwag kang magtiwala sa kanya." – Prof Morris

"About governor Renn what is his connection to Virgo?" - Edward

"Kabilang siya sa twelve orders or disipolo o tagasunod ni Virgo" – Prof Morris

"but why he has business with my dad?" - Edward

"Dahil isa rin sa twelve order ang papa mo Edward, but I believe he has reasons, I still trust your father." –Prof Morris

"Who is Rowena?" - Edward

"How do you know her? Edward matagal nang patay si Rowena, siya ang ina ni Virgo at siya ang pumatay sa mama mo." – Prof Morris

Lumaki ang mga mata ni Edward sa kanyang mga nalaman lalo na ang tungkol sa kanyang ina at ni minsan ay hindi ito binanggit ng kanyang ama sa kanya, hindi napapansin ni Edward ay tumutulo na pala ang kanyang luha. "Ang lastly professor what is the Golden Moonlight has to do with her?"

Ngayon ay ang mga mata naman ni Professor ang lumaki at hindi niya akalain na makikita ni Virgo ito. "This thing will raise the queen from the dead." Sinira agad ni Edward ang sortress stone at biglang nawala ang kanyang imahe sa apoy at biglang nag ingay na ang shield detector.

_______________________________________________________________

Starring

Edward Barber bilang si Edward

Also Starring

Michael DeMesa bilang si Professor Morris

Paulo Avelino bilang si "Virgo"

Amy Austria bilang si "Queen Witch Rowena"

Christian Vazquez bilang si Governor Renn


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon