The Future and the Darkness

112 4 0
                                    

Natutuwa si Elma habang minamasdan niya ang kanyang apo na si Mackoy na masayang masaya dahil kasama nito ang babaeng minamahal niya na si Elisse. Pabor naman si Yanma sa panliligaw ni Mackoy sa kanyang anak na si Elisse dahil nagpaalam naman ito ng mabuti at alam niya na sa isang mabuting kamay mapupunta ang kanyang anak.

Ngunit hindi pa rin maiwasan na mag-alala si Yanma dahil sa posibleng hindi magandang magaganap sa mga darating na panahon. Sa kadahilanang si Mackoy ay isang Seraphim ay hindi maiaalis sa dugo nito ang pagiging responsable sa lahat ng mga nilalang na nangangailangan ng tulong mula sa kanya.

Sa isang napakaganda at napakalinis na ilog ay umaandar ang isang maliit na bangka na sinasakyan nina Mackoy at Elisse. Habang nakatalikod si Elisse at hinihintay ang surpresa ni Mackoy..

"Ano., matagal pa ba yan?" ang nakagiti at excited na sabi ni Elisse.

Dahan dahan naman pinapalipad nina Rita at ang mga kasama nitong fairies ang napakagandang sari-saring bulaklak o bouquet na pinagawa ni Mackoy para kay Elisse. Kasabwat din ni Mackoy ang mga fairy sa gagawin nitong surpresa para kay Elisse.

"Sige game., Lumingon ka na.." sabi ni Mackoy habang hawak hawak nito ang napakagandang bulaklak na kahit si Mackoy ay napa-wow sa kanyang nakita. "Para sa napaka ganda kong princesa." ani Mackoy na halos hindi na makikita ang mga mata nito sa laki ng ngiti at kilig.

Sobrang saya din ni Elisse sa mga nangyayari sa kanya ngayon dahil ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Kahit alam niyang umiibig na rin siya sa taong na nasa kanyang harapan ay parang gusto niya munang isekreto ito hanggang sa tingin niya handa na siya dito. "Salamat., alam mo bukod sa mga firies at Elm trees, ikaw pa lang ang nag-alay sa akin ng ganito., at sobrang natutuwa ako., maraming salamat Mackoy. Teka gusto ko lang malaman ano bang meron bakit mo ako binigyan ng ganito?" tanong ni Elisse.

"Ahm., kina-usap ko ang papa mo at nagpaalam ako sa kanya na.. yun.. kung pwede sana kitang ligawan., at pumayag naman siya., kaya heto ako ngayon gumagawa ng second move na magpapaalam sana.. o tatanungin sana ikaw.. kung okay lang sayo ligawan.. ahm Elisse.." dahil na rin sa nerbyos at takot nitong mabigo kaya naging putol-putol ang pananalita ni Mackoy pero dahil ayaw din ni Elisse na mahirapan ang taong nagligtas sa kanyang buhay ay sumagot na lang din siya kaagad.

"Opo Mackoy., pwedeng pwede mo akong ligawan.." ang masayang sabi ni Elisse.. at dahil sa sobrang ligayang natanggap ni Mackoy ay hindi itong napigilang sumigaw at napatalon sa maliit ba bangka nang hindi namalayan na naapakan niya ang dulo ng bangka kaya nataob ang bangka at pareho silang nahulog.

Agad din naman silang tinulungan ng Elm trees, sa pamamagitan ng mga humahaba nitong sanga ay naangat nila sina Elisse at Mackoy mula sa ilog. Agad din naman kinuha ng mga fairies ang nabasang bulaklak at binigay muli ito kay Elisse. Imbes bangka ang sinakyan ng dalawa papunta sa kanilang destinasyon ay ang mga sanga ang nagdala sa kanila papunta sa lugar kung saang naghanda si Mackoy ng isang dinner date.

***

Sa loob ng templo ay naabutan nina Yanma at Elma na nag-uusap sina Jeric at Jerome tungkol kay Mackoy.

"Ano pala ang kailangan mo kay Mackoy?" tanong ni Jeric.

"Hindi ako., kundi ang buong bansa, na nanganganib na ngayon sa kamay ni Virgo at ng ina nito." Sagot naman ni Jerome.

Hindi nila namalayan na nasa likod na pala nila ang dalawang Elder na sina Elma at Yanma.

"Sino si Virgo?" tanong ni Elma.

Nung narinig ni Jerome ang boses ni Elma ay agad itong tumayo sa inuupuan nito. "Ahm.. isa po siyang masamang witch na namumuno ngayon sa organisasyon na tawag nilang Brotherhood org." paliwanag ni Jerome.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon