Kisses

805 24 0
                                    

Sa Ateneo de Manila ako nag-aaral ngayon at tulad ng lola ko nakahiligan ko na rin ang pag-aaral tungkol sa ibat ibang klase at uri ng mga gamot. Isang OB Gyne specialist ang lola ko kapag bumibisita ako sa kanyang clinic sobrang namamangha ako tuwing nakikita kong sobrang daming tao na nagtitiwala sa kanya. Para sa akin isa siyang superhero sa totoong buhay.

Nung nagsisimula na ang klase sa isa kong subject napansin ko yung seatmate ko na babae na parang may nawawala sa kanya. Walang tigil niyang kinakalkal ang kanyang bag at tumitingin sa ilalim ng kanyang upuan at kung saan saan.

Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil gusto ko rin tulungan siya. "Anong hinahanap mo miss?" nagtanong ako pero mahina lang yung boses ko para hindi marinig na professor namin na nagsusulat sa white board.

"Nawawala kasi yung sign pen ko, pero nandito lang yun kanina." sabi ng babae na mukhang worried na dahil alam niya na sobrang kailangan niya yon ngayon.

Eto naman si Mackoy, always ready simula pa nung highschool tatlo na parati ang dinadala niyang pen in case na may di inaasahang mangyari ay meron siyang nakareserved.

Dito na nagsimula magkaroon ng kakilala si Mackoy at parang naging open na siya sa mga bagong kakilala at bagong kaibigan.

"Salamat ha." -sabay sinauli ng babae ang hiniram niyang sign pen. 

"Okay lang, your welcome." sabay ngiti rin ni Mackoy.

Nakadalawang hakbang na ang babae paalis nung tumalikod ito at tumingin kay Mackoy.

"Ano pala name mo?" saad ng babae.

"Mackoy. ikaw?" na tilay nagandahan sa babae.

"Kisses." sabay ngiti at umalis.

____________________________________________________________

Starring:

Kisses Delavin bilang si "Kisses"

Maraming gustong makipag kaibigan sa 17years old na si Kisses pero mas gusto pa niya ang mag-isa kaysa ang makasama ang mga it-girl ng school. Para siyang beauty queen, Makinis at napakaganda at beauty queen din kung maglakad at magsalita dahil na rin sa naging experience niya sa pagsali sa beauty pageant nung highschool pa siya.

Lumaki siya sa Masbate City pero maraming beses na rin sila naglipad sa ibat ibang lugar kumbaga isa siyang NPA o no permanent address. After Tagaytay nagdecide siya na sa Ateneo de Manila siya mag-aaral.




The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon