Sa malawak na balcony ay nakatayo sina Kisses at Marco habang minasdan ang mga lumalangoy at nagtatrabahong mga Mermaids at Mirbachs. Inaayos ng mga ito ang decorations at mga muwebles na gagamitn para sa ika labing walong kaarawan ni Kisses kasama na rin ang pag korona sa kanya bilang bagong prinsesa ng Okwaris, ang pangalan ng palasyo na pinamumunuan ni Reyna Dayanara.
"Hindi ko akalain na ang bestfriend ko ay isa palang prinsesa ng dagat." Sabi ni marco na nakangiti na parang binubully si Kisses na may kasamang lambing.
"Correction, Prinsesa ng Okwaris.. Marco.," ang masayang sagot naman ni Kisses sa makulit niyang kaibigan pero gusto rin niyang kasama dahil isa rin si Marco sa mga nagpapasaya sa kanya.
Sabay silang tumawa na parang hindi nila akalain na yung mga biro nila ay sadyang may katotohanan pala. "So isa ka ring Mermaid?" tanong ni Marco.
"Sabi ni lola, hindi raw ako ordinaryong Mermaid, dahil isa raw akong Siren." Sagot ni Kisses.
"ano naman yun?" tanong muli ni Marco.
"Ang Siren ay isang lamang dagat na may mas mataas na kapangyarihan na higit sa kahit anong uri ng Mermaid. Hindi ko rin alam ang totoo kong kakayahan dahil kapag nagiging Siren ako nawawala ang conscious mind ko, ibig sabihin maaaring hindi kita makikilala o kahit na sino at sabi ni lola yung ang dapat kong pag-aralan bago ako bumalik sa lupa." Paliwanag naman ni Kisses.
"Ibig sabihin hindi ko na naman makakasama ang bestfriend ko." ang malungkot na sabi ni Marco.
"Hindi naman siguro kasi fast learner ata ako., at saka miss ko na rin ang isa ko pang bestfriend." Sabi ni Kisses na parang hindi nagustuhan ni Marco.
"May iba ka nang bestfriend bukod sa akin?" ani marco.
"Ang tagal mo kasing nawala eh., pero 'wag kang mag-alala ikaw lang ang bestfriend ko na lalaki. Maymay ang pangalan ng isa ko pang bestfriend at isa siyang sortress, isang extra ordinaryo din." Sabi ni kisses.
"Sortress? Ano yun?" isa pang hirit ni Marco na medyo hindi na sinagot ni Kisses.
"Teka, ako sinabi ko na yung tungkol sa bestfriend ko, ikaw hindi mo pa naikwento sa akin ang tungkol kay Vivoree." Hirit din ni Kisses.
"Sinabi ko na sayo di ba?" saad ni Marco.
"Pero hindi lahat.." ani Kisses na parang hindi ito kuntento sa una nitong narinig.
"Okay., si Vivoree.. siya yung tumulong sa akin nung umalis ako sa bahay namin, nung namatay yung mga magulang ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nun, hanggang sa napadpad na lang ako sa baguio. Sobrang gutom at nanghihina na ako non at yun nakita niya ako at hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. Pinakain nila ako at binigyan ng tirahan pati ang mga magulang niya talagang sobrang bait. Kahit sinong lalaki siguro kapag nakakita ng ganoong babae ay talagang mahuhulog ang loob. Isang gabi may hinanda akong surpresa na dinner date para sa aming dalawa at para magtapat na rin ng nararamdaman ko sa kanya pero dahil puno ng surpresa ang buhay may nagsulputang mga werewolves at kinagat siya. Hindi ko man lang siya naipagtanggol dahil wala pa ako masyadong kaalam alam tungkol sa mga kakayahan ko. Naging werewolf din siya kaya walang choice ang kanyang mga magulang kundi ang patayin din siya." Kwento ni Marco.
"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Kisses.
"Paano ko pa siya mamahalin eh wala na siya.. pero alam mo, tingin ko pagdating sa love may kinalaman ang oras o panahon. Kasi nagbabago ang lahat eh at sumasama sa oras at sa pag-ikot ng mundo kasama na ang love don." Paliwanag ni Marco.
"Ganon ba yun?" nagbiglang isip si Kisses..
"Oo, ganun yun.. eh ikaw.. hindi mo pa kinukwento sa akin, may naging boyfriend ka na ba? May minahal ka na ba?" tanong na naman ni Marco.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasiaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...