The Shadow Prince

88 3 0
                                    

"Kisses., kung gusto mo ipagpatuloy na lang natin ito bukas, hindi ka pwede maubusan ng enerhiya." Sabi ni Dayanara na nagalala na sa kanyang apo dahil alam niyang hindi pa sanay si Kisses sa kanyang kapangyarihan. Pero nagtataka pa rin si Dayanara dahil alam niya na hindi pa dumaan si Kisses sa kahit na anong pagsasanay pero parang kabesado na nito ang paggamit ng kanyang sariling kapangyarihan.

Alam din ni Dayanara na tulad niya ay isa ring sacred mermaid si Kisses o ang tawag ng iba ay Siren. Isang uri ng mermaid na may kapangyarihan at kinakatakutan ng marami at karamihan sa mga ito ay masama at walang kaluluwa at si Dayanara ang unang Siren na nagpatunay sa mga mermaids at mirbachs na hindi lahat ng Siren ay masama. Kayalang karamihan sa mga ito ay hindi marunong kontrolin ang kanilang taglay na kapangyarihan kaya sila nagiging masama.

Nung nawala si Vivoree parang muling nawalan ng pag-asa si Marco kahit na sinabi nito na may tutulong na sa kanya pero parang hindi siya naniwala dito. Muling bumagsak ang katawan ni Marco sa buhangin at ngayon ay parang manhid na ang kanyang buong katawan at hindi na niya naramdaman ang pagtalsik ng dugo nung tumama ang kanyang balikad sa matulis na bato.

Unti unti nang nagiging malabo ang kanyang mga mata at nawawala na rin siya ng lakas para galawin ang kahit na anong parte sa kanyang katawan at hanggang sa nahihirapan na siyang huminga nung biglang may nakita siyang maputing ilaw sa ilalim ng tubig. Kahit malabo na ang kanyang paningin dahil sa sobrang liwanag ng bagay na ito ay napansin niya ito.

Iba na ang pakiramdam ni Dayanara sa binibitawang kapangyarihan ni Kisses dahil may kasama na itong espiritu. Tumigil si Dayanara sa paglabas ng kanyang kapangyarihang tubig at agad sinubukang pigilan si Kisses ngunit nung hinawakan niya ito ay bigla itong nawala na tilay sumama sa binitawan nitong espiritu sa kanyang mismong kapangyarihan.

Nakita ni Dayanara na umilaw ang mga mata ni Marco mula sa bolang kalasag kung saan ito ay lumulutang at gumalaw din ang mga paat kamay nito ng saglit. Walang idea si Dayanara sa kung ano na ang nangyayari pero alam niya na may kinalaman dito si Kisses.

Isang Dragon na maputi ang biglang lumabas mula sa maitim na dagat na parang kusang umiilaw at lumipad ito patungo sa walang malay na si Marco. Gamit ang ulo ng dragon, ay sumunggab ito hanggang sa makasakay si Marco sa likod ng dragon sa pagitan ng napakaganda nitong mga pakpak.

Muling lumipad ang puting dragon habang komportable namang nakahiga ng pataob si Marco sa likod nito na parang may magnet na kahit anong galaw ng dragon ay hindi nahuhulog si Marco. Sumisid ang dragon sa maitim na dagat na napakalalim at parang walang kahit na ano kundi purong maitim na tubig lamang. Ilang saglit pa ay unti unti nang nakikita ng dragon ang lagusan at habang papalapit na sila palaki ng palaki naman ang lagusan na ito at hanggang sa tumagos at nakalabas ang dragon habang bitbit nito si Marco.

May lumabas na puting liwanag sa dibdib ni Marco at umikot ito sa kanyang katawan at lumabas sa bolang kalasag kung saan lumulutang pa rin si Marco. Nakita ni Dayanara na bumagsak ang puting liwanag na ito sa sahig at ilang segundo lang ay bumalik ito sa tunay nitong anyo na si Kisses na taglay ang espiritu ng puting dragon.

Bigla ring bumagsak ang bolang kalasag sa sahig at nawasak ang yelo na bumubuo dito at nakita ni Dayanara na parang gumagalaw na si Marco at bigla itong nagsuka ng napakaraming maitim na tubig. Agad ding nagsipol ang reyna para tawagin ang kanyang mga alagad o sundalo na mga extraordinaryong Mirbachs o mga lalaking Mermaids. Tulad ng mga Mermaids, may buntot rin tulad ng isda ang mga Mirbachs at dahil mga sundalo ang mga ito ay mayroon silang suot na parang helmet at may bitbit na magical spear. Sila ang tumulong kay Marco at hinatid nila ito sa isang magarang na kwarto.

Habang si Kisses naman ay nilagay sa isang parang bubble na kusang lumilipad at tumungo sa mas magang kwarto ng reyna habang inalalayan din ng mga Mermaids. Sa palasyo ng reyna tanging siya lang, si Kisses at si Marco ang nakakaapak sa sahig pero ang iba ay ang natural na pamamaraan at ito ay ang paglangoy. Kung titingnan ay para silang lumilipad pero dahil sa taglay na kapangyarihan ng reyna at ni Kisses at ganon din pagkatapos nilang binalutan si Marco ay parang ang tubig ay naging kagaya ng hangin sa lupa, hindi nakikita pero nararamdaman.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon