2nd year high school noon si Edward nung dinala siya ng kanyang ama sa Cebu City at hindi na siya nakapagpaalam sa dalawa niyang bestfriend na sina Mackoy at Marco. Ayon sa kanyang ama ay sapat na ang kanyang kaalaman sa edukasyon ng mga ordinaryong tao. Ngayon kailangan naman niya pag-aralan ang edukasyon ng kanyang totoong lahi.
Sa Cebu City matatagpuan ang lagusan patungo sa mundo ng mga Witch and Warlocks at sa Cebu rin nakilala ni Edward ang bago niyang kaibigan na si Heaven. Naguguluhan nung umpisa si Edward hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga sinasabi ng kanyang ama pero nung inalis ng ama ang wine sa baso at pinahinto ito sa ere at sa isang iglap naging yelo ang wine at hinampas ito ng kanyang ama ng hindi hinahawakan at natusok ito sa pintuan na parang napakatulis na kutsilyo at dito nagbago ang lahat ng pinapaniwalaan ni Edward lalo na ang mga bagay na hindi pinapaniwalaan ng mga ordinaryong tao.
Iniwan si Edward ng kanyang ama sa silid na iyon. Tumayo si Edward at pumunta siya sa isang malaking bintana hindi para tumungin sa labas kundi para tingnan ang loob ng kanyang isipan. Ang una niyang nakita ay ang kanilang pagsasama ng kanyang mga matalik na kaibigan na sina Marco at Mackoy.
Yung kanilang mga biruan at kulitan at napapangiti si Edward tuwing maalala niya ito pero sobrang lungkod niya ngayon dahil alam niya na malalayo na siya sa kanila. Habang nag-iisip si Edward hindi niya namalayan na may kasama pala siya sa silid na iyon na opisina ng kanyang ama. Isang babae na sakto lang ang katangkaran at mahaba ang buhok at para kay Edward maganda ang babaeng ito.
"Marco and Mackoy, mga bestfriend mo ba sila?" sabi ng babae na may kakayahan magbasa ng isipan.
"Who are you?" tanong ni Edward sa babae na hindi man lang niya tinitingnan.
"Is that how you talk to a person. You have to show respect you know." sabi ni heaven na parang hindi niya nagustuhan ang klase ng pakikitungo ni Edward.
"I dont care, just go i need to be alone." parang gusto ng umiyak ni Edward pero napigilan niya ito at hindi pa rin siya lumilingon.
Hindi nakita ni Edward na ang babaeng na nandon ay tumutulo na pala ang luha. Hindi lang pala nababasa ng babae ang isip ni Edward nararamdaman din pala nito ang nilalaman ng puso ng mga target nito.
"My name is Heaven, i'll just come back later." at bigla itong nawala na parang sumabog na shining sky blue na confetti. Si Edward naman ay tuluyan ng umiyak at hindi na niya ito napigilan nung maalala niya ang kanyang ina.
_______________________________________________________________
Starring:
Heaven Peralejo bilang si "Heaven"
17 years old at lumaki sa manila si Heaven pero lumipad papuntang Cebu dahil sa kanyang misyon na kailangan niyang gawin para sa kaligtasan ng kanilang henerasyon.
Bata pa lang si Heaven tinuturuan na siya ng kanyang ina kung paano lumaban sa maitim nakapangyarihan. Sa itsura ni Heaven kitang kita na ang kanyang pagiging isang matapang na babae. Maganda at matalino si Heaven kaya marami ang nakakagusto sa kanya pero hindi niya ito pinapansin at wala siyang panahon para dito.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...