The Host

101 4 0
                                    

"Felix magtago ka.. takbo.. Felix..." sigaw ni Diana nung nakaramdam siya ng whistling blade, isang uri ng kapangyarihan na tanging Banshee lang ang may kayang gawin. Sinubukang pigilan ni Diana ang enerhiyang ito ngunit huli na ang lahat dahil nung lumingon siya ay nasa sahig na ang kanyang asawa na si Felix, duguan at nanginginig sa sakit at hanggang sa nawalan na ito ng buhay.

Sumigaw si Diana ng napakalakas na may nakakasabog na tinig. Kagaya ng Banshee kaya rin ng isang Siren na pasabugin ang kahit na anong bagay na nasa kanyang paligid gamit lang ang pagsigaw. Sa sobrang galit ni Diana dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa ay hindi niya sinasadyang bumalik sa kanyang tunay na anyo ang pagiging isang makapangyarihang Siren.

Ang Siren ay isa sa mga makapangyarihang nilalang na taga Aukwaria at hindi nila kailangan ng tubig tulad ng mga mermaid para mabuhay ng matagal sa mundo ng mga tao dahil kahit sa hangin ay kaya nilang lumangoy na parang lumilipad.

Hinarap ni Diana si Joanna ang kaibigan niyang Banshee na nagkaroon din ng sikretong relasyon kay Felix. Alam ni Diana na nangako siya kay Felix na hindi na niya gagamitin ang kanyang masamang kapangyarihan pero sa sitwasyon ngayon ay parang nakalimutan na ni Diana ito.

Biglang lumabas sa sahig ang maitim na tubig, isang klase ng tubig na nakakapinsala sa kahit na anong bagay. Dahil din sa malakas din ang kapangyarihan ni Joanna ay nagagawa niyang kontrahin ito pero dahil mas malakas ang kapangyarihanv ng isang Siren ay mukhang hindi siya magtatagal.

Tumakbo palabas ng bahay si Joanna at hinabol naman siya ni Dianna, at dito napansin ni Diana na may kumukontrol sa Banshee isang uri ng espiritu na hindi niya mapaliwanag pero nakadikit ito sa may likuran ni Joanna na parang parasitiko.

Muling naglabas ng kapangyarihan ang Banshee pero parang hinampas lang ito ni Diana at mukhang alam na ni Diana kung sino ang kailangan niyang patayin. Nung naglabas na si Diana ng matinding kapangyarihan ay biglang may tumusok sa kanyang likod. Isang parang sanga ng puno na may kasamang lason din kaya alam niyang mapipinsala rin ang kanyang katawan.

Lumingon si Diana at nakita niya si Rowena, ang makapangyarihang witch pala ang sumaksak sa kanyang likod. At hindi lang isang beses kundi paulit ulit ito ginawa ni Rowena hanggang sa humina ang katawan nito. Pero hindi ganon kabilis mamatay ang isang Siren, naglabas pa rin ito ng kapangyarihan at sinaksak din sina Rowena at Joanna at parang buhawing tubig na dinala ito sa taas ng ere.

Hindi rin niya akalain na biglang tumiwalag ang espiritu sa katawan ni joanna at naging parang tao ang demon na si Lilith. Agad itong lumipad na parang nawawalang usok at sinubukang pumasok sa katawan ng Siren pero hindi ito nagtagumpay. Kaya ginamit din nito ang kanyang kapangyarihan na parang telekinesis na sinubukang pasabugin si Diana mula sa loob at hanggang sa dumudugo na ang mga mata ng Siren.

Nung nagkaroon din ng pagkakataon si Rowena ay agad din niyang sinugod ng matinding kapangyarihan si Diana. Nagtulungan sina Rowena at ang demon na si Lilith na patayin ito habang si Joanna naman ay hindi makatayo nung bumaksak ito sa lupa pero hindi nito mapigilan ang pag-iyak nung makita nito ang kanyang kaibigan na unti unting pinapatay ng witch at ng demon.

Gusto man niya itong tulungan pero alam niya na hindi niya kaya ang kapangyarihan ng Demon at ng Witch. Ilang saglit pa ay nagulat na lang siya nung dumating ang isa pang Siren na mas makapangyarihan kay Diana at hinampas niya sa lupa sina Rowena at Lilith.

Matalino si Rowena kaya alam nito ang kanyang mga nakakalaban at sa pagkakataong ito ay hindi na siya lumaban at bigla na lang siya nawala pero ngumiti ito dahil nakuha na nito ang kanyang gusto nung sandaling sinaksak niya si Diana ay napasa kanya na ang Blue Pearl na kanyang nais simula pa nung umpisa at ganon din ang Demon na bigla na lang ding nawala.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon