Sommers Camp

271 10 0
                                    

Nagising si Marco sa isang kwarto na mukhang meron siyang idea kung saan pero hindi na niya nakuhang mag-isip pa dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan at nagrereklamo na ang kanyang tiyan sa gutom. Bumangon siya at nakita niya ang maliit na lamesa na may mga pagkain at hindi na siya nag dalawang isip at kumain na lang siya.

Pagkatapos niyang kumain ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam, nanatili siya ng ilang minuto sa loob ng kwarto inusisa at tiningnan ang mga litrato sa wall, mga picture frames sa mga side tables at meron ding family album at sa mga kanyang nakita mukhang alam na niya kung sino ang nagligtas sa kanya.

Naramdaman ni Marco na may taong pumasok sa kwarto at kahit hindi siya tumalikod alam na niya kung sino ito. "Dapat hinayaan mo na lang ako." Ang matapang na pagsabi ni Marco na parang ayaw na niyang mabuhay pa.

"Sa tingin mo ba masaya yung papa mo sa ginagawa mo ngayon? Bakit mo ba pinaparusahan ang sarili mo?" gustong malaman ni Korden (uncle ni Marco) kung ano ang saloobin ng pamangkin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang pagkamatay ng mga magulang niya.

Umiiyak na si Marco dahil hindi na niya alam kung anong dapat gawin sa buhay niya dahil mismong sarili niya ay parang hindi na niya kilala. "Uncle ano ba talaga ako? Ano ba tong klaseng pamilya meron tayo? Bakit hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin at bakit kailangan tong mangyari sa akin." Napakaraming tanong si Marco na nagbibigay bigat sa kanya na parang hindi na niya kayang dalhin kaya parang mas gusto na niyang sumuko.

"Yan din ang naramdaman ko nung hindi ko maintindihan ang lahat at kung bakit nangyayari ang mga nangyayari. Peo nung tanggapin ko ang tunay kong pagkatao ay bigla na lang gumaan ang lahat." Paliwanag ni Korden na parang hinihintay niya talaga ang pagkakataong ito. Umupo si Korden sa isang malambot na silya na parang handa na siya ilahat kay Marco ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa kanilang pamilya at tungkol sa totoong pagkatao ni Marco.

Bumalik si Marco sa kanyang kama at umupo siya dito na malapit sa silya kung saan nakaupo ang kanyang uncle Korden at para na rin mas malinaw ang kung anong mang masagap niya na impormasyon tungkol sa kanyang sarili at sa lahat ng nangyayari na nahihirapan niyang unawain.

"Ang ama mo at ako pareho kaming may lahing Vampira.." ang diretsong pagkasabi ni Korden na talagang ikinagulat ni Marco pero agad tinuloy ni Korden dahil mas gusto niyang buo ang maririnig ni Marco bago ito magsalita o' magsabi ng kahit ano na pwedeng ikakumplikado sa buong kwento.

"Ang lolo namin ng ama mo ay isang Vampira pero nagtataka kami ng papa mo kung bakit hindi naming namana ang pagiging Vampira ng lolo at kahit ang ama namin ay isang normal at ordinaryong tao din. Pero pagkatapos pinatay ang ama namin ay may nadiskubri si Felix, yung papa mo. Nadiskubri niya na kahit hindi kami Vampira may pinamana pala sa amin ang lolo at ito ay ang pagteleport. Yun ang nararanasan mo ngayon, huwag kang mag-alala sa umpisa lang mahirap pero pag nasanay ka na maeenjoy mo yan. Isa akong secret agent ng bansang ito at dahil sa trabaho ko marami akong nadiskubri na hindi ako makapaniwala pero unti unti kong natutunang tanggapin na meron talagang mga extra ordinaryong bagay na mahirap ipaliwanag pero nangyayari. Isang scientist naman ang ama mo, alam mo na yon di ba at dahil sa kanyang pagiging curious sa kanyang sariling dugo ay may nadiskubri siya ditto na pwede pala itong ipasa sa iba. Una niyang sinalihan ng dugo ang kaibigan niya na scientist din na si Dr. Eric Ross at ngayon ay marunong na rin ito mag teleport at hindi rin sinasadya ni Eric na madiskubri ang tunay na pagkatao ng ina mo na isa naman itong Banshee. Ang banshee ay isang extra ordinaryong nilalang na may nakamamatay na sigaw. Walang pumatay sa papa mo, hindi lang niya nakayanan ang sigaw ng mama mo. Nagalit kasi ang mama mo sa kanyang nadiskubri at kung man yon ang mama mo lang ang nakakaalm. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa mama mo, kahit ano pa ang dahilan niya wala pa rin siyang karapatan para patayin ang kapatid ko." Tumingin si Korden sa litrato ni Diana ang mama ni Marco na may galit.

Hindi makapag salita si Marco sa mga inilahat ng kanyang uncle na tilay nadagdagan ang gulo sa isip niya pero tumatak sa isip ni Marco na masasanay rin siya at darating ang panahon na matatanggap ni Marco ang kanyang tunay na pagkatao. Ang hindi niya alam mas naapektuhan pala ang kanyang uncle sa sarili niyang kwento dahil naalala na naman nito ang kanyang kapatid na gusto niyang bigyan ng hustisya sa pagkamatay nito.

Kaya nung lumingon si Marco ay wala na ang kanyang uncle.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon