Ang nakaraan..
Nung nawala na ang usok at alikabok sanhi ng pagsabog ay nakita ni JC na nakatayo na ang kanyang Master.
Gamit ang staff ay pinatay ng wizard ang isang fallen na nagtangkang kalabanin siya.
Nagulat si JC dahil parang mas naging makapangyarihan ang wizard kaysa sa una niya itong nakita. Pinakawalan din ng wizard ang lahat ng presong kaluluwa at tuluyang winasak ang gusaling ito.
Lumantad din ang iba pang mga fallen at demons sa liwanag kaya karamihan sa kanila ay nasunog na lang bigla pero yung iba na may sapat na kapangyarihan ay nakatakas.
***
"Ah Master sasakay po ba tayo sa kotse ko?" ang may pagkahambog na sabi ni JC.
"Sinong may sabing kotse mo yan?" binara agad nito ni Master Wizard at tumawa naman sina Vivoree at Aizan. "Sino kayo?" at tumahimik na lang bigla ang dalawa at nagtagal pa ng konti bago sagutin ni Vivoree nung nakita niyang naghihintay pala ng sagot ang Master Wizard.
"Ahm ako po si Vivoree, nakagat po ako ng werewolf kaya po ako na trap dito." Sabi ni Vivoree pero wala siyang nakuhang sagot mula sa Master Wizard kaya siniko niya si Aizan.
"Aaah.. ako rin po si Aizan kinagat rin po ng werewolf, Ahm paano po bang maging tao uli?" tanong ni Aizan habang nakayuko at parang natatakot sa wizard.
Napansin ni JC na parang inoobserbahan ng master wizard ang dalawa. "Master bakit po? Anong nakikita niyo sa kanila?" tanong ni JC na parang hindi narinig ng Master Wizard.
"Paano kayo naging tao?" tanong ng Master Wizard na ikinagulat nina Aizan at Vivoree.
"Dahil pinanganak kaming tao na po.," sagot ni Aizan na binara naman ni Vivoree dahil parang naging pilosopo ang pagsagot nito.
"Ahm ano po ba ang ibig nyong sabihin? Hindi kasi namin maintindihan.." paliwanag naman ni Vivoree, at napansin naman ni Master Wizard na wala talaga silang alam tungkol sa mga iniisip niya.
"Kung tao kayo, hindi dapat kayo nakakapagsalita, nakakakita o kahit mag isip man lang dahil ang kaluluwa ng tao ay hindi nakakalakbay dito." Paliwanag ng Master Wizard at agad naman tiningnan ni Vivoree si JC at wala ring itong idea.
"Eh bakit po si JC nakakalakbay naman siya.." tanong naman ni Aizan.
"Dahil hindi pa siya patay.. nandito siya dahil sa isang spell, teka JC nahanap mo na ba ang lampara?" agad natandaan ng Master ang dahilan kung bakit niya pinadala si JC sa Spirit World.
"Opo Master." Sagot naman ni JC na tinago niya sa loob ng pouch. Hindi alam nina Vivoree ang tungkol dito dahil nakuha na niya ito bago pa man sila nagkita kita sa haunted house.
"Kalimutan niyo muna ang sinabi ko., sasabihn ko na lang kapag nakapasok na tayo sa mundo ng mga tao." Sabi ng Master Wizard at agad niyang hinampas ang kanyang staff sa lupa at biglang nabalutan sila ng hangin na may halong puting usok.
Nung nawala ang usok ay nabigla na lang sina Vivoree na nasa harap na sila ng isang kweba at agad pumasok dito ang master wizard at sinundan naman ng tatlo. Lumapit si JC sa master wizard dahil nagtataka ito kung bakit nagpunta rin ang kanyang master sa spirit world at ano kaya ang naging pakay nito.
"Ah Master mawalang galang na po, sinusundo nyo na po ba ako? Tapos na po ba ang misyon ko?" tanong ni JC at patuloy a rin ang lakad ng master wizard habang iniilaw ng kanyang staff ang daanan na parang hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang dulo nito.
"Bakit ka nagmamadali?" tanong ng Wizard.
"Ah hindi po ako nagmamadali, nagtatanong lang po pero okay na po hindi nyo na kailangan sagutin." Ang nerbyosong pagsasabi naman ni JC.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...