Losing Hope

340 12 0
                                    


Sa roof top ng isang napakataas na tower sa Makati makikita ang isang binata na hindi nalulula habang nakatayo sa taas ng parapet ng balcony. Sobrang dinibdib niya ang pangyayaring naganap at hindi siya makapaniwala na hindi niya nagawang iligtas ang babaeng natutunan na niyang mahalin at puwedeng magpasaya sa kanya muli.

Sa mga oras na iyon ay bumalik lahat sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanya simula nung namatay ang kanyang mga magulang. Hindi maipaliwanag ni Marco sa kanyang sarili ang mga hindi kapani paniwalang nagaganap at hindi niya rin alam kung paano harapin mga ito. Gusto niya maghiganti at mabigyan ng hustisya ang mga mahal niya sa buhay pero hindi niya alam kung paano labanan ang mga extra ordinaryong nilalang na ito.

Minsan nagtataka rin siya sa mismong sarili niya, kung paano niya nagagawa ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong tao. Tulad na lang nung tanungin siya ng nanay ni Vivoree kung paano niya tinanggal ang ulo ng werewolve kahit alam niyang triple ang lakas nito at doble ang tangkad kaysa sa kanya, kaya wala siyang nasagot noon at dahil dito nagkaroon ng duda ang mga magulang ni Vivoree tungkol sa kanya.

Naalala ni Marco noong hinatid niya ang bangkay ni Vivoree sa kanilang bahay pero nagulat siya noong kinadena ito ng ama ni Vivoree. Nagpumilit siya tanggalin ito pero pinaliwanag sa kanya ng ina ni Vivoree kung bakit nila ginawa iyon.

"Hindi na siya ang anak namin." Sabi ng ina habang walang tigil ang pag iyak nito. Ilang saglit pa nakita ni Marco na gumising si Vivoree pero kakaiba na ang galaw nito na parang sinasapian. Pinipilit ni Marco ang mga magulang ni Vivoree na kalagan ito at bayaan sila na mag-usap pero hindi pumayag ang mga magulang nito at dahil ito,

"Umalis ka na Marco, ikaw naman ang may kasalanan nito kung hindi mo siya dinala sa hillside hindi sana mangyari to. Umalis ka na bago pa may madamay na iba." Ang sabi ng ina habang pinipigilan siyang lumapit sa nakakadenang si Vivoree. Ilang saglit pa nakita ni Marco na kinuha ng tatay ang silver spear at tinusok si Vivoree na unti unti nang nagiging werewove at parang animated motion na agad naging abo ang katawan nito.

Sa mga sandaling iyon ay wala na siyang magagawa kundi tanggapin na lang pero sobrang napakasakit ito para sa kanya dahil hindi makatarungan ang nagyari. Umalis si Marco sa baguio at hindi na niya alam kung saan pupunta hanggang sa mangyari na naman ang hindi niya inaasahan.

Habang naglalakad may nakikita siya parang usok at habang tinitignan niya nagbabago ito pati ang kulay at hanggang sa may nakita siyang parang ibang lugar sa gitna ng usok at hindi niya napapansin hinihila na pala siya nito.

Sa mga oras na iyon hindi napapansin ni Marco na may sumusunod sa kanya . Isang extra ordinaryo na pwede niyang makita at isang hindi niya pwedeng makita. Tumuloy si Marco sa kanyang inuusisa at hanggang sa hinigop siya nito ang at nawala siyang bigla tulad ng usok na nawala.

Hanggang sa paulit ulit itong nangyari at saan saan siya nakakapunta, sumusulpot at nawawala at hanggang sa sobrang pagod na pagod na siya at sa nakalimutan na rin niyang kumain. Yung mga mata ni Marco ay parang umiitim na sa sobrang puyat at ang katawan niya ay sumusuko na rin at sa isip niya ay parang ayaw na niyang mabuhay pa.

Ngayon ay binabalanse na niya ang kanyang katawan sa taas ng parapet sa balcony ng napakataas na gusali. Sa taas nito ay nakikita na niya ang ulap at hindi na niya nakikita ang mga tao, o kahit na ano sa ibaba ng gusali. Gustong umatras ang kanyang katawan dahil sa hangin pero hindi ito ganoon kalakas kaya nalalabanan niya ito. Pero buo na ang loob niya at hindi na niya kaya ang mabuhay pa kaya sinara na ni Marco ang kanyang mga mata, ngumiti ito saglit at tumalon na siya.

Hindi alam ni Mackoy kung ano ang nangyari pero nanghina ang buo niyang katawan at bumagsak lahat ang karga karga niyang mga libro na ilalagay pa lang niya sa kanyang locker. Si Edward naman ay di sinasadyang ihulog ang bolang crystal sa hagdanan habang bumababa siya at nabasag ito. Naghina rin ang buo niyang katawan at tilay wala siyang naririnig nung tinawagan siya ni Heaven.

"Marco.." sabay nilang binanggit ang pangalan ng kanilang matalik na kaibigan habang sila ay nasa magkaibang mundo. 

___________________________________________________________________

Thank you guys.. PLease do vote..

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon