Nung lumingon si Edward para tingnan si Maymay ay agad niyang nakita ang pagtali ng maitim na laso sa katawan ni Maymay para gawin itong bihag at hindi ito nagustuhan ni Edward lalo na nung sumigaw si Maymay at tinawag ang kanyang pangalan. "Edward..".
Sa buong buhay ni Edward ay hindi pa siya nagalit at nag-alala ng ganito sa kahit na sino pero ngayon parang doble pa sa kumukulong tubig ang kanyang nararamdamang galit sa ginawa nila kay Maymay. Agad pumasok sa kanyang isip ang sinabi ng blue phoenix na balang araw kakailanganin niyang iligtas si Maymay dahil kung hindi ay siguradong madadamay ang lahat.
Habang unti unting nababalot ng maitim na laso ang buong katawan ni Maymay sabay rin nito nakikita na unti unti ring lumalabas ang asul na enerhiya sa katawan ni Edward at hanggang sa naging asul na ang mga mata nito.
Nung ginalaw na ni Edward ang mga kamay nito ay agad nahampas sa pader ang dalawang alagad ni Virgo na sina Helga at Ausiri. Na parang hinila ng isang malaking magnet at hanggang sa pinakawalan na niya ang asul na apoy na sinunog ang katawan ng isang enchantress na si Ausiri at ng isang siren na si Helga. Nagulat si Virgo sa kanyang nakita dahil hindi ito ordinaryo para sa isang teenager na katulad ni Edward kaya agad siya nag-isip ng paraan.
Naklita niyang nahimatay si Maymay at agad niyang nilapitan ito pero parang hindi ito pinayagan ni Virgo. Agad siyang nakaramdam ng maitim na enerhiya na mula sa kanyang likod at biglang lumampas sa kanyang tiyan na parang sinaksak siyang ng isang malaki at maitim na barena.
Kung ordinaryong panaksak lang ang ginamit ay mahihilom lang ito agad ngunit ang kapang-yarihan ng isang maitim na phoenix ay hindi kayang hilumin ng isang asul na phoenix dahil higit na mas makapangyarihan ito kumpara sa kanya.
Pero kahit duguan na si Edward ay hindi pa rin ito umatras at hindi siya pwedeng sumuko sa harapan ng babaeng minamahal na niya. Gamit ang kanyang singsing ay nilabas niya ang kanyang espiritu ang blue phoenix at sinubukang sunugin si Virgo ngunit unti unti nang humihina ang katawan ni Edward at ganoon din ang kapangyarihan ng blue phoenix.
Kaya nung nilabas rin ni Virgo ang kapangyarihan ng black phoenix ay agad ito kinain ang blue phoenix at hanggang sa hindi na kaya ni Edward ang lumaban pa. Hindi na alam ni Edward kung ano ang kanyang gagawin at hindi rin niya alam kung sino pa ang pwedeng tumulong sa kanya maliban na lang kung totoo ang pinangako sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan dati na si Mackoy. Bigla na lang niya naalala ang sinbabi nito nung nagkita sila sa may puno.
"I'll find Marco, Then we'll find you, magbestfriend tayo, yun lang ang alam ko at yun lang ang naiintindihan ko." sabi ni Mackoy na parang napaka sariwa pa sa isip ni Edward na parang kahapon lang sila nagkita at nag-usap.
Lumingon si Edward sa mga nakagapos na mga professors at pagkatapos ay tiningnan niya rin ang nakahiga sa sahig na si Maymay. "May.. forgive me., maybe i'm not strong enough.." sa sobrang dami na ng dugo na lumabas sa katawan ni Edward ay napaluhod na ito at parang hindi na niya kayang tumayo pa.
"Mackoy you promise me.. Please Help me.." hindi na napigilan ni Edward ang kanyang pag-iyak nung binulong niya ito sa hangin.
"Are you done praying?" ani Virgo na parang sobrang saya nito dahil parang walang kahirap hirap niyang ginamit ang kanyang bagong kapangyarihan.
Hindi siya sinagot ni Edward pero tiningnan siya sa mata na parang hindi pa tapos ang lahat at yung galit ni Edward na nakikita sa kanyang mga mata ay kahit hindi man aminin ni Virgo ay talagang nakaka tindig balahibo. Pero mukhang hindi papayag si Virgo na makikita niya ito muli kaya hanggat may pagkakataon siya ay tatapusin na niya ito.
"Avada Kedavra." Isang pamatay na spell ang binitawan ni Virgo sa isang makapangyarihang batang wizard na si Edward. Isang mala kidlat na ilaw na may halong maitin na apoy ang diretsong tumama sa dibdib ni Edward at sa lakas nito ay napalipad si Edward paatras at tumama sa pader. Bumagsak ito malapit sa katawan ni Maymay pero bago niya sinara ang kanyang mga mata nakita niya na gumalaw ang mga pilik mata ni Maymay at pagkatapos niya makita ito ay tuluyan na siya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...