Sa sagradong kwarto pagkatapos basahin ni Virgo ang detalye na nasa utak ni Malik ay pinatawag niya rin sina Dyno at Sevina para samahan si Malik upang dakpin sina Maymay at Kisses pero mukhang may ibang plano si Sevina na gusto niyang pagkatiwalaan siya ni Virgo.
Pinatawan din ng kamay ang ulo si Sevina upang malaman ni Virgo ang mga nakita nito at nakita ni Virgo na may kinausap si Ferdinand bago ito umalis. Isang babae na nakita na niya sa magic school noon at ito ay si Pamela. Dahil dito ay nagkaroon din ng misyon si Sevina at naniniwala si Virgo na maaaring makatulong din ito.
"Sige, hanapin mo rin ang babaeng yon, imposibleng wala siyang alam tungkol sa traydor na si Ferdinand." Sabi ni Virgo at hindi niya matanggap na ang taong unti unti na niyang pinagkakatiwalaan ay ito pa ang nagtraydor sa kanya.
Sa mismong oras na iyon ay hindi inaasahan ni Virgo na may makakapagbago sa kanyang mood na sa simula ay isang galit na leader at ngayon ay daig pa ang toothpaste commercial ang kanyang ngiti nung narinig niyang.
"Hello sir Guten Morgen, This is Isaac from germany we just want to let you know the good news sir. The secret treasure that we have talk about three years ago has been found. The treasure that some old english known for as Golden Moonlight and it is recently owned by Mr Vincent Du-Sang and according to him sir it will be part in the upcoming Auction Event sir." Ang walang paligoy ligoy na sabi ng isa sa mga executive officials ni Virgo sa Brotherhood Org Germany Chapter.
"Good job, Isaac. Call me back for new updates." Ang itsura ni Virgo ay parang isang gangster o demon na may napakagwapong mukha at pananamit na tumitingin sa napakakintab na uri ng metal na dinisenyo sa pader at nakikita niya dito ang reflection ng kanyang sarili.
Alam na ni Pamela na darating na sina Kisses at Maymay kaya minamadali na niya ang pagtatapos ng traveling potion dahil alam niya na hindi mahinang kalaban si Virgo at kahit na wala itong alam sa locasyon ni Pamela habang nasa mundo ito ng mga tao ay mahahanap pa rin siya nito pero maliban sa isang lugar na nilikha ni Meredith ang ina ni Maymay na hanggang ngayon ay walang alam si Virgo ang tungkol dito ang House of Phoenix.
Nung nakita ni Pamela na gumalaw ang chandelier ay agad siya pumunta sa sala at tulad ng inaasahan niya lumitaw dito sina Kisses at Maymay.
"Ako si Pamela at kaibigan ako ng papa mo Kisses, huwag kayong mag-alala malapit ko nang matapos ang ginagawa kong potion." Sabi ni Pamela at agad niya dinala ang dalawa sa magarbong basement na parang pangalawang sala lang din kung saan ginagawa niya ang potion.
"Ahm wag na po kayong magluto, hindi pa po naman kami nagugutom." Sabi ni Kisses na parang mas gusto niyang pag usapan ang nangyayari kaysa ang kumain.
"Hindi ako nagluluto ng pagkain, gumagawa ako ng traveling potion dahil kailangan natin umalis hindi tayo ligtas dito." Sabi ni Pamela na parang nagmamadali at sa mga nakikita ni Maymay kay Pamela ay parang naalala niya ang kanyang ina at ang kanyang mga tita na sina Violet at Jackie na gumagawa din ng potion nung bata pa siya. Nagulat na lang si Maymay nung nakita niya na kinakausap pala siya.
"MayMay.. uy.." ulit ni Pamela..
"Ah po.. ano poh?" sagot ni Maymay na parang wala sa sarili.
"huwag kang mag-alala magkikita rin kayo ng tita Jackie mo, dahil doon tayo pupunta.. pero gusto kong malaman kasama mo ba ngayon ang libro?" tanong ni Pamela.
"Ah Opo, gusto niyo po makita." Sabi ni Maymay.
"No, Huwag., hindi ako kagaya mo, hndi ako Sortress na kayang balewalain ang kapangyarihan ng libro. Maliban sa mabuting Elder na si Elma Ikaw at ang ina mo lang ang kayang tumalikod sa tentasyon ng librong yan. Pangako mo sa akin na hindi mo yan ipapakita sa kahit na sino." Sabi ni Pamela habang nilalagay na ang pang huling ingredient.
"Eh kaso po.. ano." Hindi pa sinabi ni maymay a parang alam na ni Pamela ang gustong sabihin nito.
"Oo alam ko na, na nakita ni Kisses at.." biglang napahinto si Pamela dahil napa isip siya sa tanong na kung paano nakaligtas si Kisses sa librong ito marahil siguro dala ito ng mabuting kapangyarihan ng mga taga dagat. Dahil napahinto si Pamela nung binanggit ang pangalan ni Kissses agad ito napansin at binigyan ng kahulugan ni Kisses.
"May alam ho ba kayo tungkol sa akin, tungkol sa aking tunay na pagkatao o tao ho ba talaga ako?" sabi ni Kisses na parang may nakaramdam siya na parang may alam si Pamela tungkol sa kanya.
Sasagutin na sana ni Pamela nung biglang sumulpot sa likod ni Kisses si Sevina, isa sa alagad ni Virgo at agad naman ito inatake ni Pamela gamit ang kanyang biglang sumulpot na wand. Hinila ni Maymay si Kisses at gumawa agad ito ng protection shield. Nagcounter strike naman si Sevina kay Pamela at nahampas sa pader sa may silya si Pamela dahil sa natanggap niyang pwersa sa maitim na usok na kapangyrihan ni Sevina.
Sa dalawang daliri ni Maymay ay parang may lumabas na kulay dilaw na sinulid na siya lang ang nakakakita at tinali niya ito kay pamela at hinila papasok sa loob ng shield. Sa likod ay inaalalay ni Kisses si Pamela na mukhang hindi na makatayo sa malakas nito bagsak sa malakas na kapangyarihan ni Sevina habang matapang namang tinitingnan ni Maymay si Sevina kung ano ang gagawin nitong hakbang sa shield.
Nagbuga si Sevina ng malakas na kapangyarihan sa kanyang kamay para siraan ang shield pero dahil hindi pa ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Maymay ay parang nakikita niya na unti unti nang nasisira ang shield at kinakabahan na ito.
"Kisses anong gagwin natin?" tanong ni Maymay.
Sa sobrang takot ay umiiyak na naman si Kisses habang hawak hawak niya ang ulo ni Pamela.
Sa mga oras na iyon ay naglalaban pa rin sina Dyno at Ferdinand at hindi akalain ni Ferdinand na may tinatagong kapangyarihan pala si Dyno na mag decoy na akala ni Ferdinand ay nasa harapan niya ngunit nasa likod pala niya ito at tinamaan si Ferdinand ng matinding pagsabog at bumagsak ito sa sahig.
At hindi maipaliwanag na naramdaman din ni Kisses ang nangyari sa kanyang ama..
Kaya sumigaw ito ng ng napakalakas..
"Papaaaaa......."
Nakita na lang ni Maymay na umilaw ang mga mata ni Kisses at naging sobrang puti..
Hindi malaman ni Maymay kung bakit natakot siya kay Kisses at tumingin ito ng diretso kay Sevina na parang ibang nilalang na ang nakikita ni Maymay.
Sakto nung tumayo si Kisses ay nawasak naman ang shield na ginawa ni Maymay at sa lakas ng kapangyarihan ay napalipad si Maymay at maging si Pamela at sabay bumagsak sa sahig pero maliban na lang kay Kisses na nakatayo pa rin.
Nung mawala ang usok nakita ni Sevina na lumilipad si Kisses sa loob ng malaking bola na gawa sa tubig at nagulat si Sevina nung makita niya na may buntot ng isda si Kisses at sobrang nawindang si Sevina nung nakita ng kanyang dalawang mata ang Sagradong Sirena.
Sumigaw si Kisses ng napakalakas at nagsilabasan ang napakaraming ahas na gawa sa yelo at inatake si Sevina at hanggang sa naging yelo ang buong katawan nito kasama ang lugar kung saan ito nakatayo at biglang sumabog ito na parang naging pulbos ang pira pirasong katawan ni Sevina.
Kumalma si Kisses at bumalik sa dati ang kanyang itsura nawala ang buntot at naging paa muli, dahan dahan itong bumagsak sa sahig at parang nahimatay.
Lahat silang tatlo ngayon ay nakahandusay o nakahiga sa sahig na wala nang malay kasama ang mga wasak at mga sirang gamit na sinira ng kapangyarihan ni Sevina na ngayon ay patay na.
_______________
Also starring
Maricar Reyes bilang si Sevina
Isabel Granada bilang si Pamela
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasíaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...