The Letter

252 8 0
                                    

Ito ang unang pagkakataon na makita ni Marco ang Sommers Camp na narinig na niiya dati sa kanyang ama nung pinaplano pa lang nila itayo ito kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi akalain ni Marco na sobrang gusto pala ng kanyang ama ang klase ng trabaho na meron ito. Para kay Marco hindi normal ang pinagkakagawa ng kanyang ama dati, ang pag reresearch at paghuli sa mga ibat ibang klase ng hayop at pag-aralan ang bawat detalye ng mga kakayahan taglay ang mga ito.

Ngayon naman ay pinagpapatuloy naman ng kanyang uncle ito at ang mas lala pa dito ay hindi na hayop ang mga hinuhuli nila kundi ang ibat ibang klase ng halimaw na parang hugis at katawang tao. Nung nakita ni Marco ang main laboratory ang pinaka nahuli sa kanyang attensyon ay ang werewolf na nasa loob ng salamin.

Agad lumapit si Marco sa kaibigan ng kanyang ama na si Dr. Ross upang alamin kung ano ang ginagawa ng werewolf sa loob ng sommers camp. Sobrang nasurpresa din si Dr. Ross nung makita niya ang kanyang inaanak na si Marco.

Pinaliwanag naman ni Dr. Ross ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa at kung ano ang dahilan kung bakit nila pinagpapatuloy ang peligrosong trabahong ito.

"Dati ang ama mo lang at ako ang may dahilan kung bakit kami nagkaroon ng interest sa mga bagay na ito nung nagpakilala sa amin ang lolo mo." Hindi pa tapos magsalita si Eric ay nakita na niya ang inaasahan niya kay Marco. Nagulat ito dahil kahit sa picture hindi niya naranasang makita ang kanyang lolo at wala rin siya narinig mula sa kanyang ama na kahit na ano tungkol sa kanyang lolo.

"Anong pangalan ng lolo ko?" kitang kita sa mga mata ni Marco ang pag asang malinawan ang kaguluhan sa kanyang isip. Hindi pa man niya ito nakita pero hindi niya mapaliwanag kung bakit parang sabik na sabik niyang makita ang kanyang lolo.

"Gasparre, yun ang pangalan niya at yun din ang huling salita na narinig namin ng papa mo mula sa kanya at hindi na siya nagpakita pa." sabi ni Dr Ross habang inaalala niya ang itsura nito na parang magbabalik at magpapakita ito muli.

"Sa anong dahilan? Bakit niya kailangan iwan si papa?" tanong ni Marco na tila gusto na niya itong hanapin at makita at makausap.

"Alam mo Marco napaka misteryoso ang lolo mo, pero isa lang ang alam ko at pinapaniwalaan ko na isa siyang mabuting Vampira. Kung saan man siya nagpunta hindi namin alam pero alam kong nandyan lang siya, naghihintay ng tamang panahon." Paliwanag ni Dr. Ross na naniniwala na poprotektahan sila kung sakali may masamang mangyari sa kanila.

"Saan siya huling nagpakita?' seryosong tanong ni Marco na parang gagawin niya ang lahat para makita lang ang kanyang lolo.

"Sa Palawan, doon sa lumang bahay niyo. Pero alam mo.. " hindi pa tapos magsalita si Dr. Ross ay nagteleport na si Marco. Napakabago pa lang ni Marco sa kanyang abilidad kaya hindi pa niya mataymingan kung kelan mawawala at susulpot.

Wala pang isang segundo ay nasa lumang bahay na siya na nasa itaas ng bundok at kahit kahit luma na ay napaka elegante pa rin tingnan. Isa ang tatay niya sa pinaka mayamang scientist sa bansa kaya natural lang ang magkaroon ng magarbong bahay.

Nakita rin niya ang dating lugar kung saan nakita niya ang bangkay ng kanyang ama na duguan ang tenga at mata na nakalatay sa sahig kasama ang mga basag na salamin at mamahaling figurines. Sumunod naman ay pinuntahan niya ang kanyang kwarto, alam niya na wala siyang makikita na kahit na ano na patungkol sa kanyang lolo pero hindi niya alam kung bakit na parang magnet sa kanyang mga mata ang drawer ng side table na nakadikit sa kanyang kama.

Binuksan ni Marco ang drawer at may nakita siyang puting papel sa ilalim ng hindi masyadong makapal na libro. Kinuha niya ito at agad niya nalaman at naalala ang taong nagsulat ng liham na iyon para sa kanya na hindi niya alam kung bakit hindi niya ito nagawang basahin noon.

Sabay banggit ang pangalang, "Kisses.." sabi ni Marco at tilay nagblangko ang paligid at unti unting bumabalik ang mga alaala na magkasama sila ng kanyang bestfriend na si Kisses.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon