Tinatakpan ng maitim at makapal na ulap ang liwanag na nagmumula sa langit at hindi ito tulad sa mundo ng mga tao na umiikot, kaya walang gabi sa mundong ito ngunit may katamtamang dilim ang buong paligid ng purgatoryo.
Nakatayo si Ezekiel sa isang mataas na bundok habang minamasdan niya ang pagdakip at pagsundo ng mga black riders sa maitim na espiritu ni Virgo. Kahit makapangyarihan ito ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang labing limang black riders na walang balak na umatras hanggang sa makuha ng mga ito ang dapat na para sa kanila.
Hindi maiwasan ni Ezekiel na maalala ang kanyang minamahal na si Analiza na kahit anong pilit niyang bawiin ito ay hindi na niya magagawa. Nasa piling na ng mga anghel ang espiritu ni Analiza kaya kahit papaano ay masaya na siya dito. Dahil na rin ito sa tulong ng kanyang naging kaibigan na si Archanghel Mikael na tumulong sa kanya para iligtas ang espiritu ni Analiza mula sa makapangyarihang hari.
"Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin bawiin ang espiritu ni Analiza?" isang pamilyar na boses ang biglang narinig ni Ezekiel mula sa kanyang likod.
"Mikael, ikaw pala.. anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ezekiel.
"Minamasdan ang kalagayan ng kaibigan ko.." sagot naman ni Mikael at ngumiti naman si Ezekiel.
"huwag mo na akong alalahanin, okay lang ako, masaya na ako na nasa langit na si Analiza, at may tiwala ako sa inyo na aalagaan ninyo siya di ba?" ang paniniguro ni Ezekiel.
"Alam mong yan ang tungkulin namin, nasa palasyo siya ngayon ng mga Cherubim, at masaya siya don kasama ang kanyang kapatid na si Josephine." Ani Mikael.
"Si Josephine lang? Hindi ba sila magkakasama tatlo? Saang palasyo naman ang isa pa niyang kapatid na si Rose Marie?" ang pagtataka ni Ezekiel.
"Hindi pa maaaring makatungtong sa langit si Rose Marie dahil kapiling pa rin niya ang kanyang katawang lupa, Alam mong hindi pwede yon?" paliwanag naman ni Mikael.
"Ibig mong sabihin buhay pa rin ang bunso nilang kapatid?" paniguro ni Ezekiel na parang hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig.
"Ganun na nga.." ang pagkompirma naman ni Mikael.
***
Bumalik ang mga Elves sa kanilang munting lupain maliban na lang kay Josh na naging parang kanang kamay na rin ni Elma dahil mas pinagkakatiwalaan niya ito.
Hindi lang sa palasyo nina Edward makikita ang uri ng Narnima dahil kahit sa lumang bahay ni Elma ay mayroon din ito. Kung sina Edward ay may nagsasalitang Rabbit si Elma naman ay may limang nagsasalitang Narnima at ito ay sina Impala, ang nagsasalitang pusa, ang magkambal na beaver na sina Lulu at Mimi, at ang tatlong makukulit na parrot na sina Jack, Wen at Pete.
Tinuturing sila bilang magical na hayop dahil bukod sa nagsasalita ang mga ito ay may mga kakaibang extra ordinaryong kapangyarihan din sila. Hindi sila nagpapakita maliban na lang kung may pahintulot mula sa amo nilang si Elma. Dahil sa limang Narnima ay nakahanda na ang lahat ng kwartong matutuluyan ng mga bagong maninirahan sa lumang bahay na ito.
Kahit magkapatid sina Nikko at Fenech ay magkaiba pa rin sila ng kwarto at ito ang sabi ng strikto na magkambal na sina Lulu at Mimi. Nakahanap na din na matutuluyan sina Aizan at Markus sa tulong na din ng tatlong Parrot at hinatid naman ni Josh si Yassi sa kwarto nito habang minamasdan naman sila ni Impala ang masungit na pusa.
Pagkatapos ihatid ni Josh si Yassi ay kinausap nito si Elma tungkol sa maaaring mangyari sa susunod na mga araw. Nangangamba si Josh dahil sa kanyang mga naging panaginip pero sinabihan na siya ni Elma na huwag na ito masyadong mag-alala dahil sigurado siya na may tutulong naman sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...