Nung nahimatay si Marco ay hindi pumikit ang kanyang mga mata ngunit naging manhid ang buo niyang katawan. Sumakit ang ulo nito at nahilo dahil sa pagbagsak ng kanyang katawan pero nakuha pa rin niyang tumayo muli.
"Nananaginip ba ako?" at hindi rin siya sigurado kung tanong ba ito sa kanyang sarili o sa taong na nakasandal sa may desk nito.
"Yap, nananaginip ka nga, at magigising ka lang kapag pinalaya na kita." sagot naman ng lalaking kamukha niya.
Tumayo si Marco at ngayon ay nabawasan na ang kanyang nerbyos at naisip niya na sa dami ng mga kababalaghan na nangyari sa buhay niya ay hindi na dapat siya nakakaramdam ng takot.
"Ano ba kasi kelangan mo? At saka bakit tayo magkamukha." tanong ni Marco.
"Una sa lahat, gusto kong malaman mo na hindi lang tayo magkamukha pati pangalan pareho rin, dahil Marco rin ang pangalan ko." paliwanag ng lalaki na mas mataas ang compiansa at mas mukhang matalino.
"huh!?" ani Marco na parang ginulo pa lalo ang isip nito.
"Kayalang magkaiba ang apelyido natin, ako si Marco Augosto, ikaw naman si Marco Du-Sang, pero ang totoo, pareho galing ang pangalan natin sa ninuno natin na si Marco Eristad ang Earth Giant Master." paliwanag ng kamukha ni Marco.
"Teka, teka, alam kong hindi ako matalino pero hindi ako stupido para paniwalaan ang mga storya na yan, eh sa libro nanggaling yan eh.. At bakit mo sinabing ninuno natin.. Magkamag-anak ba tayo ah?" ang pagtatanggi ni Marco.
"Siguro hindi pa naikwento sayo ng ama mong si Gasparre ang lahat., pero sa tingin ko wala na tayong oras para mag debate kung lahat ng sinasabi ko ay totoo o hinde. Pero gusto kong makinig ka sa akin dahil hindi kita ipapalitaw dito kung hindi ito importante lalo na sa dugo at lahi natin. Tawagin mo na lang akong Mak.." seryosong paliwanag nito dahil may tungkulin ito na hindi niya kayang gawin at alam niya na si Marco lang makakapagtupad nito.
Nung pinakita ni Mak ang litrato ni Gasparre kay Marco ay unti unti nang gumaan ang loob niya dito at naging kapani paniwala na ang mga sinasabi nito. Hindi akalain ni Marco na makakadiskubri siya ng mga pambihirang bagay tungkol sa kanyang lahi at sa kanyang sarili.
Hanggang sa hinayaan na niya si Mak na tulungan siya na muling buuin at iwasto ang kanyang pagiging walang tiwala sa kanyang kapangyarihan at lalo na sa kanyang sarili.
Sa huli ay binigay na ni Mak ang isa sa mga yaman ng kanilang lahi. Isang regalo na nagmula pa sa kanilang ninuno at ngayon ay ipapasa na ni Mak ang yaman na ito sa tunay na tagapagmana na si Marco.
Isang singsing ng Earth Giant Master ang sinuot ni Marco. Nung sinuot niya ito ay agad pumasok sa kanyang isipan ang mga higanteng hayop na inalagaan ng ninuno nilang si Marco Eristad. Kabilang sa mga higanteng hayop na ito ay ang Dambuhalang Pating, ang Haring Matsing at ang mapanganib na Paniki.
Tinuruan din ni Mak kung paano ito gagamitin at pinaliwanag nito na delikado ang kapangyarihan ng Earth Giant Ring kaya hindi ito pwede na basta na lang gagamitin.
"Marco, bago ka umalis gusto ko sana humiling ng isang pabor.." paki usap ni Mak.
"Ano yun tito Mak..?" ang pangiting tanong ni Marco na tilay hindi sanay na tawaging tito ang kasing edad at kamukha niyang kamag anak na kung tutuusin ay lolo na niya.
"Alam kong kilala mo si Vivoree, ang guardian na si Vivoree, kung makita mo siya., pakisabing babalik ako sa oras na matapos ko na ang misyon ko." ani Mak na tilay na mimiss na niya ito.
Biglang naalala ni Marco ang huling pagkikita nila ni Vivoree na tilay hindi siya kilala nito, at naisip ni Marco na baka ang kamukha niya ang tinutukoy ni Vivoree non, at baka hindi yun ang Vivoree ang nakilala niya noon sa baguio at baka kamukha lang niya din yon.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasiaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...