Natatakot at kinakabahan na ang mga tao sa china lalo na dahil hindi nila malaman kung ano o kung sino ang kanilang kalaban. Sa ciudad ng Beijing ay halos umaabot na ng dalawang daang katao ang nawawala sa loob lamang ng isang linggo. Sa mga bangkay na natatagpuan ng mga authoridad ay hindi rin nila malaman at maipaliwanag sa mga pamilya nito kung bakit ganoon ang itsura ng mga bangkay na parang tuyo at wala kahit isang patak ng dugo.
Kumakalat na ang mga balita at kwento sa ciudad tungkol sa mga halimaw, multo at kung anu ano pang maaaring may kinalaman sa mga nawawala at nakikitang mga bangkay. Lahat ay ginagawa na ng mga authoridad pero parang wala pa ring nagbabago at mas lalo pa itong nadadagdagan. Hanggang sa may pumunta na sa templo ni Korden at humihingi sa kanya ng tulong para hanapin ang kanilang mga nawawalang anak at kapatid.
Narinig naman ito nina Mackoy at Elisse at hindi nagdalawang isip ang dalawa sa pag-alay ng kanilang tulong. Nagsimula ang dalawa sa isang maliit na baryo kung saan tatlong tao na ang nawawala dito simula lang kahapon. Si Elisse ang nagmanman sa ibaba at tumitingin tingin sa mga bakuran ng bawat bahay habang si Mackoy naman ay nagtatago naman sa bubong ng pinili niyang bahay.
Sa pagpatak ng alas dose ng hating gabi ay may narinig silang sigaw na nagmumula sa kabilang baryo. Agad naging parang maputing tela si Elisse at lumipad papuntang kabilang baryo habang si Mackoy ay hindi inaasahan na may magpapakita sa kanyang harapan. Ito ang unang beses na makakita siya ng isang actual na Vampira. Wala masyadong pinagkaiba sa tao ang tangkad at hugis ng katawan nito maliban na lang sa itsura nito na nakakatakot. Pula ang mga mata, at ang kanilang tenga ay parang hugis ng dahon, ang mga kuko nila ay kagaya ng hayop na matulis at sila ay may pangil.
Inaamin ni Mackoy na natakot siya nung una at nakaramdam siya ng pagmamanhid sa kanyang katawan dahil ito sa kakaibang enerhiya na nanggagaling sa kanilang mga mata at ang enerhiyang ito ay isang klase sa pagtupad ng hipnotismo. Buti na lang ay may kakayahan si Mackoy na makita ang enerhiyang ito at agad niya itong naiiwasan. Bukod sa malakas ang Vampirang ito ay may abilidad din sila sa pakikipaglaban dahil mukhang hindi sila mga ordinaryong Vampira.
Sa umpisa ay sinasadya ni Mackoy na patamaan siya dahil gusto niya sukatin ang lakas na binibitawan ng kanyang kalaban at nung nabasa na niya ang galaw nito ay parang alam na niya kung anong klaseng training ang napagdaanan nito. Nung marinig ni Mackoy ang pangalawang sigaw na galing sa kabilang baryo ay hindi na niya pinatagal ang kalaban. Naglabas si Mackoy ng kakaibang pwersa sa kanyang mga kamao at pinalabas niya ito diretso sa tiyan ng kalaban at dahil sa sobrang lapit ng kalaban ay nabutas ang gitna ng katawan nito.
Nakaharap naman ni Elisse ang isang babaeng Vampira sa kabilang baryo, sa lahat ng ayaw ni Elisse ay ang pinagaaksayahan ang kanyang oras. Lumipad ang Vampira na parang paniki at bumaba diretso kay Elisse, biglang humaba ang mga kuko ng Vampira at tilay gagamitin niya ito para saksakin si Elisse pero hindi ito inasahan na mawawala na lang bigla ang tinatarget niya at nagulat na lang siya na nasa kanyang likuran na si Elisse at walang awang tinusok ni Elisse ang kanyang espada sa mukha ng Vampira.
Nakita ni Mackoy na bitbit ng isang Vampira ang inosenteng babae at agad ito hinabol ni Mackoy, gamit ang pagtalon sa mga bubong ng bahay hanggang sa hindi niya namalayan na lumipad siya at sinuktok ng malakas ang Vampirang lumilipad. Kinarga ni Mackoy ang babae at pareho silang bumagsak sa lupa na parang may parachute at hindi na nagtaka si Elisse dito dahil sa ikinuwento sa kanya ng kanyang ama na si Master Tokiro ang tungkol sa pagiging isang seraphim ni Mackoy.
Isa isa ring tinalian ni Elisse ng maputing laso ang mga leeg ng tatlo pang gustong tumakas na Vampira at imbes na patayin ang mga ito ay hinuli nila ito at dinala sa templo. Sa dungeon ng templo ay tinalian ang tatlong Vampira gamit ang kadena. Inimbestigahan ni Master Tokiro ang tatlo pero ni isa sa kanila ay ayaw magsalita kaya hindi na nagaksaya ng panahon si Master Tokiro.
May kakayahan si Master Tokiro na pumasok sa isipan ng isang nilalang para malaman ang katotohanan o kahit gaano pa nila ito tinatago. Nakita ni Master Korden na may ginagawa na palang mansion ang mga Vampira sa loob ng China, Kumukuha sila ng mga inosenteng tao para sa kanilang pang araw araw na inumin. Bukod dito ay mayroon din silang ginagawang experimento sa kanilang laboratoryo na hindi nila kailangang kagatin ang isang tao para maging Vampira rin ito dahil mayroon na silang ibang paraan kung saan hindi lang sila magiging Vampira kundi magkakaroon din sila ng kakaibang kapangyarihan.
Sinabi ito ni Master Tokiro kina Elisse at Mackoy at dahil delikado ang misyon na ito ay namili pa si Master Tokiro ng mga iba pang master na makakatulong kina Mackoy at Elisse. Humingi rin ng tulong si Master Tokiro kay Elma dahil alam ni Master Tokiro na may kaibigan rin si Elma na makakatulong sa kanila na tanging si Elma lang makakakumbinsi dito, Ang Alpha Werewolf na si Sarmiento.
__________________________________________________________
Starring
Mackoy de leon bilang si Mackoy
Elisse Joson bilang si Elisse
Also Starring
Monsour Del Rosario bilang si "Master Yanma Tokiro"
Sandy Andolong bilang si "Elma"
Derek Ramsay bilang si Sarmiento
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...