The Anchor

207 7 0
                                    

Sa isang kwarto ng Kenritz Mansion ay gumawa si Heaven ng isang summoning spell para palitawin si Edward dahil hindi niya ito makita. Naging matagumpay naman ito sa ginawa niya at mula sa usok lumabas itong si Edward.

"Why did you summon me?" sabi ni Edward na parang may konting inis dahil hindi natuloy ang kanilang pag uusap ni Maymay.

"Nandito si Governor Renn, Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Heaven na parang na iintriga sa mga nangyayari . Walang anuman ay biglang may kumatok sa pintuan, isa sa mga tauhan ni Mr Kenritz na papa ni Edward. Sinabi nito na tinatawag sila ni Mr Kenritz, at gusto silang Makita sa opisina nito.

Pumasok ang dalawa so opisina ni Mr Kenritz at nakita nila na nakaupo rin sa isang magarbong sofa si Governor Renn.

"Magandang araw po." Bati ni Heaven nung makita niya ang governor at bumati rin siya sa ama ni Edward pero si Edward ay mukhang tahimik lang at parang nag oobserba sa mga nangyayari.

"How are you Edward? Nagawa mo na bang kausapin ang kaibigan mo?" ang malumanay na tanong ng governor. Tiningnan ni Edward ang reaksyon ng kanyang ama pero wala itong nakuha dahil hindi ito tumitingin sa kanya.

"I was about to when my father called. What is it dad?" Ang diretsong sagot ni Edward na parang nagdududa sa pinapakitang katahimikan ng kanyang ama.

"Governor." Sabi ni Mr Kenritz na tilay iniiwasan ang pagsagot sa kanyang anak na si Edward. Agad naman inexplain ng Governor ang kanyang pakay sa dalawa.

"I came here because I forgot something, yun ay para sabihin sa inyo na mayroon lang kayo ng isang lingo para magtagumpay sa underground fight dahil kung hindi niyo magagawa yon, especially Edward ay hindi mo na pwedeng makita ang papa mo." Sabi ni Governor Renn na parang walang nakikitang kabutihan sa mga ngiti nito.

Gusto pa sanang magsalita si Edward pero narinig na niya ang boses ng governor " You can go." Sabi ng governor at nakita ni Edward na wala pa ring imik ang kanyang ama at dahil dito naging iba ang kanyang kutob na maaaring may masamang nangyayari sa kanyang ama.

Nagkuwari silang umalis ng mansion pero ang hindi alam ng ibang gwardia ay mayroog alam si Edward na lagusan papuntang underground na hindi sila mahuhuli ng mg gwardia. Sa underground ng mansion ay gumamit si Edwrd ng spell na magkakaroon ng eartube mula sa underground at papunta sa opisina ng kanyang ama. Gustong malaman ni Edward ang mga nangyayari kaya gusto niyang marinig ang maaaring pag usapan ng kanyang ama at ang governor.

"We already know Kevin, hindi mo na kailangan isikreto ang bagay na alam mong napaka importante para sa brotherhood. Hindi mo na kailangan ipakita sa akin dahil alam kong makikita ko rin yan tatlong araw mula ngayon." Sabi ng governor na confident sa kanyang mga sinasabi.

"Sa miyerkules? Pero sabi ni Dyno sa susunod n linggo pa ang Auction." Ang pagtatakang tanong ni Mr Kenritz.

"Ang ring of fire ay ang pinaka mahalagang bagay sa auction na iyon at yan na lang ang hinihintay, bakit pa natin papatagalin, kung nakuha mo na." ang nakangiting sabi ni Governor Renn.

Sa underground ng mansion ay hindi pa rin maintindihan ni Edward ang mga pinag uusapan ng governor at ng kanyang ama kaya nagdesisyon siyang tapusin na lang kanyang misyon sa lalong madaling panahon baka ito lang ang makakpagluigtas sa kanyang ama.

Nakipag kita si Edward kay Mackoy at natuwa naman siya sa naging resulta ng kanilang pagkikita at dahil sa taglay na kapangyarihan ni Edward ay may napansin siyang kakaibang aura na nanggaling sa matalik niyang kaibigan na si Mackoy na ikinatuwa rin niya.

Pinangakko ni Mackoy na hahanapin nito ang isa pa nilang kaibigan na si Marco at kapag nahanap na niya ito ay muli silang magkikita at sabay nila ililigtas si Edward sa piligrong naghihintay dito. Mas lalong nagkaroon ng pag asa si Edward na ipagpatuloy ang laban dahil alam niya na may dahilan ang kanyang ama kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya at gagawin niya ang lahat para tulungan ito lalo na makakasama na niya sa laban ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Mackoy at Marco.

Ngayon ay handa na si Edward para sa laban na magbibigay sa kanya ng kasagutan sa mga tanong tungkol sa kanyang ama. Ang pagkakaroon niya ng pag asa para ituloy ang laban na walang iniisip na maaaring ikakapamahak niya at kung mayroon man sigurado siya na may darating para iligtas siya dahil mayroon siyang mga kaibigan na handing tumulong sa kanya.

Nakita ni Heaven na ngumiti si Edward habang lumalakad sila patunta sa underground fight "Ibig sabihin ba niyanay panalo na tayo?" tanong ni Heaven na umaasa rin kay Edward ang kanyang kaligtasan.

"We never lose, and we wil never lose." Sabi ni Edward na may buong paninindigan at ngumiti din si Heaven.

_____________________________________________________________________

Starring

Edward Barber bilang si Edward

Maymay Entrata bilang si Maymay

Heaven Peralejo bilang si Heaven

Marco Gallo bilang si Marco

Mackoy De Leon bilang si Mackoy

Also Starring

Ian Veneracion bilang si Mr Kenritz

Christian Vazquez bilang si Governor Renn

Josh Ivan Morales bilang si Dyno

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon