Mysterious Parkins

144 5 10
                                    

Sa Sommers Camp ay hindi maitago ni Korden ang kanyang pagiging balisa na tila may ibang iniisip at napapansin na ito ng parang kapatid na din niya na si Eric Ross.

"May problema ba?" tanong ni Eric habang inaayos niya ang mga laboratory supplies, at kitang kita niya si Korden na hindi pinapansin ang sarili niyang labtop kahit nasa harapan niya ito ay parang may iniisip siya na mas importante.

"Wala ito Eric, pinapahanap ko lang si Marco." Sabi ni Korden at agad naman ito naintindihan ni Eric dahil alam niya na parang anak na rin ang turing ni Korden kay Marco. Pagkatapos ng ilang saglit tumunog ang cellphone ni Korden.

Agad niya itong sinagot. "Cora, anong balita? Nakita mo na siya?" natataranta at excited si Korden dahil kilala niya si Cora na sobrang galing sa paghahanap ng mga nawawalang tao. Isa itong kakaibang hunter na malakas ang kakayahan sa pang amoy na triple pa ang galing kung ikukumpara sa natural na abilidad ng pagiging elemento ni Yong.

"Hindi ko pa siya nakita pero nanggaling siya sa islang ito at hindi siya nag-iisa." Sabi ng parang malanding boses ni Cora pero hindi ito malandi ganito lang talaga ang pananalita nito.

"Sinong kasama? Kilala mo ba?" Tanong ni Korden at minamasdan lang ito ni Eriic at nakikinig din sa usapan nila habang nililinis ang mga ibang utensils.

"Hindi ko kilala pero hindi ito ordinaryong tao, sa kanyang amoy pakuwari ko isa itong Vampira." Sigurado si Cora sa kanyang pang amoy dahil naka inkwentro na niya dati ang mga may lahing vampira at kilala niya ang mga amoy nito.

"Vampira?" nagulat si Korden sa sinabi ni Cora at habang pinapakinggan ni Eric sina Korden ay napa isip ito tungkol sa huli nilang pag uusap ni Marco.

"Huwag kang mag-alala, mukhang walang intensyong masama ang Vampira sa kanya, in the matter of fact, sinasanay niya ang alaga mo" sabi ni Cora habang may nakita siya na magdadala sa kanya kay Marco.

"Saan ka ngayon? I-describe mo sa akin ang paligid." Nagpunta ito sa mas malaking space sa gitna para ihanda ang sarili niya sa pagteleport pero hindi ito nangyari.

"Huwag muna wala sila dito, tatawagan na lang kita ulit kapag nasa harapan ko na siya." Sabi ni Cora at agad siya nag end call habang minamasdan niya ang bakas ng pagteleport ni Marco na mukhang hindi pa ito sanay sa paggamit ng tamang istilo sa pagteleport na walang naiiwang kahit anong ebidensya.

Sakto naman dumating si Kristine kasama sina Christian at Enrique at napansin ni Eric na hindi nila kasama si Yong.

"Saan si Yong?" tanong ni Eric na mukhang alam na niya kung ano ang nangyari kay Yong.

"Mas mabuti siguro kung panoorin niyo na lang po." Sabi ng banshee na si Kristine.

Gamit ang BVM ay napanood nilang lahat ang nngyari kay Yong at hindi alam ni Eric kung anong klaseng nilalang ang lumabas sa pagkatao ni Yong pero sigurado si Eric na hindi ito Werewolf, "Isa itong panibagong nilalang." Sabi ni Eric sa kanyang sarili. At nung tinanong siya ni Korden kung ano ito.

"Hindi ko alam, aalamin ko pa." At umalis na lang agad ito. Alam ni Korden na may tumatakbo sa utak ni Eric pero hinayaan na lang niya muna ito.

***

Halos matumba na ang mga malalaking puno na nakakasalubong ng malaking beast dahil hindi nito nakikita ang kanyang daan at lalong hindi nito alam kung saan ito pupunta. Huminto ang beast nung narinig niya ang kakaibang whistle o sipol na nagbigay sa kanya ng direksyon.

Sinundan ito ng beast hanggang sa makapasok ito sa maliit na kweba pero kakaiba ito dahil sobrang laki naman nung nakapasok na siya sa loob. Unti unti bumalik ang kanyang paningin at nung nakabalik na ito ay may nakita siyang liwanag. Sinundan niya ang liwanag hanggang sa makarating siya sa malaking pintuan na gawa sa metal.

Kusang nagbukas ang pintuan at kahit malayo ay natatanaw niya na may tatlong nilalang na parang hinihintay siya. Hindi maintindihan ang beast kung bakit parang kusang gumagalaw ang kanyang katawan papunta sa tatlong taong naghihintay sa kanya.

Ang isang nilalang na tumatayo sa bandang kanan ay si Aika, isang babaeng werewolf dahil sa taglay niyang lakas siya ang piniling maging keeper ng master pack. Isang rescuer naman ng master pack ang lalaking nakatayo sa kaliwa at ito ay si Danny.

Sa gitna naman nakatayo ang Alpha na may hawak na kakaibang kwintas na singlaki lang ng isang keychain na may beast carved pendant na gawa sa pure diamond at nakakabit sa kanyang hinlalato o middle finger na parang sumasayaw sa mga mata ng beast.

Hanggang huminto ang beast sa harapan ng Alpha Werewolf na si Parkins o mas kilala bilang si General Ernesto Alvarez.

Parang naging isang maamong tuta ang beast sa harapan ng Alpha at sumunod ito sa Alpha hnggang sa makarating sa isang lugar na tinatawag nilang the dungeon. Kusang pumasok ang beast sa kanyang kulungan na gawa sa puting bato at nakangiti naman itong pinapanood nina Danny at Aika.

Ang puting bato na ito ay ang tanging bato na hindi kayang gayahin o iangkop sa katawan ng isang Elemento. Bago pa man nagplano ang mga porters tungkol sa pagatake kay Zeus ay una nang nagplano si Parkins kung paano makuha ang kanyang ka-uri na si Yong na hindi man lang nalalaman ng kanyang mismong pack ang katotohanang tungkol sa tunay niyang pagkatao at ni Yong.

Maliban na lang sa kanyang pinagkakatiwalaang alagad na si Enrique.

"Bukas aatend ako ng Auction, Danny samahan mo ako at Aika ikaw muna bahala sa pack." Sabi ni Parkins habang lumalakad ito patungo sa hagdanan pababa.

"Panginoon, gusto ko lang malaman kung ako na ba ang bahala kay Zeus?" sabi ni Aika sabay yuko nito bilang paggalang sa nilalang na tinuturing nilang hari.

"Hayaan mo muna siya sa kanyang kulungan, pag usapan na lang natin sa pagbalik ko." Ang tugon naman ni Parkins at tinuloy na niya ang pagbaba patungo sa kanyang kwarto.

Habang si Yong ay bumalik na sa kanyang dating anyo at tinitingnan niya ang kulungan at iniisip kung sa anong klaseng bagay o bato ito dahil hindi niya ito magaya at parang hindi gumagana ang kanyang kapangyarihan. Nanginginig at natatakot na parang isang bata ang nakahubad na si Yong.

"Kristine... Master... tulungan niyo ko..." sigaw ni Yong habang unti unti na siyang umiiyak sa loob ng kulungan na walang kahit na maliit na butas.

***

"Yong asan ka na?" bulong ni Kristine sa hangin at umiiyak na rin dahil hindi niya alam kung paano niya ito matutulungan, alam niyang hindi sila gaano ka close pero parang kapatid na ang turing niya dito at hindi niya maiwasan ang hindi mag alala.

Lumapit sa kanya si Enrique.. "Huwag kang mag-alala mahahanap din natin siya.." at niyakap niya ang umiiyak na si Kristine.

Hindi alam ni Enrique na minamasdan ni Christian ang mg kilos nito dahil sa umpisa pa lang ay hindi na niya ito gusto, hindi maintindihan ni Christian kung bakit wala siyang tiwala dito pero sa ngayon ay wala pa siyang nakikitang kakaiba pero hindi ibig sabihin titigil na siya sa pagmamasid dito.

***

Pumasok si Dr Eric Ross sa isang kwarto na walang nakakaalam kahit na si Korden ay hindi alam tungkol sa sikretong bahagi na ito sa loob ng Sommers Camp. Wala itong pintuan o kahit na daanan na papunta dito tanging mga tubo lang na nagsisilbing daanan ng oxygen na kailangan ng isang tao.

Tanging ang pagteleport lamang ang paraan para makapunta dito. Bukod kay Eric ay alam din ito ng sorogate father ni Marco na si Felix. Namatay ito nang hindi sinasabi sa kanya kung bakit hindi pwedeng malaman ni Korden.

Sa loob ng kwartong ito matatagpuan ang pangalawa sa pinaka mahalagang libro ng mga extra ordinaryo ang "Book of Life" ang libro kung saan makikita ang lahat ng uri at klase ng extra ordinaryong nilalang na kahugis ng tao na nabubuhay sa ibat ibang mundo.

_______________

Eric Quizon bilang si Eric Ross

Christopher de Leon bilang si Gen Ernesto Alvarez/ Lord Parkins

Danilo Barrios bilang si Danny

Danica Sotto bilang si Aika

Jon Lucas bilang si Enrique

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon