Sa bahay nina Kisses ay nakakaramdam na ng tension ang mga katulong, driver at iba pang mga trababahador sa loob dahil wala silang alam tungkol sa mga nangyayari. Bumaba si Nikko dahil inutusan siya ni Ferdinand na dalhin sila sa kani kanyang bahay ang mga ordinaryong tauhan na nandoon. Isa isa naman sila nilipad ni Nikko na hindi man lang nila nalaman kung paanong nangyari at nagulat na lang sila dahil nasa sarili nilang bahay na sila at nakauwi na nga sila.
"Anak, wala pa akong sapat na oras para ipaliwanag sayo ang lahat pero sana maintindihan mo ako kung bakit ayoko magkaroon ka ng bahagi sa mga nangyayari ngayon dahil ayokong guluhin ang isip mo. Ikaw lang ang nag iisa kong anak at gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka." Paliwanag ni Ferdinand na tilay hindi pa rin siya handa sa pagsabi ng katotohanan. Pero naiintindihan naman ito ni Kisses dahil ang tanging inaalala din niya ay ang kaligtasan ng kanyang ama.
"Alam ko na darating din ang panahon na maiintindihan ko rin ang lahat pero sa ngayon mas importante sa akin ang kaligtasan natin lahat anong gagawin natin dad, paano kung masundan nila tayo ditto?" sabi ni Kisses na hindi pa rin maiwasan matakot sa mga nagaganap. Niyakap siya ng kanyang ama at tumingin si Ferdinand kay Maymay na nakaupo sa tabi ni Kisses.
"Maymay Kilala ko ang tita Jackie mo, magkaklase kami dati kasama ang mama mo at kaibigan din namin si Pamela." Sabi ni Ferdinand sabay nilitaw ang maliit na bolang crystal sa kanyang palad na parang isang magician. Nagulat din si Maymay nung sinabi ni Ferdinand ang tungkol sa kanyang tita Jackie at lalong lalo na nung binanggit nito ang kanyang ina. Marami siyang dapat na itatanong pero sa tingin niya parang hindi ito ang tamang oras para pag usapan ito. "Hindi kayo pwede magteleport dahil masusundan nila kayo, itong bolang crystal na ito ang magdadala sa inyo kay Pamela, siya ang magdaadala sa inyo sa tita Jackiemo." May sasabihin pa sana si Ferdinand pero tumigil ito nung nagsalita si Kisses.
"Dad, don't tell me na hindi ka sasama sa amin, dahil hindi kami aalis kung wala ka, hindi ka maiiwan ditto, hindi ako papayag." Sa mga sinabi ni Ferdinand nahalata ni Kisses na parang siya at si Maymay lang ang aalis at hindi niya gusto ang planong ito.
"Kisses kailangan ko silang harapin." Hinawakan niya ang kamay ni Kisses at niyakap siya ni Kisses sabay buhos ng mga luha na naman. "No dad, hindi pwede no no.." at ginagalaw na ni Kisses ang kanyang ulo sa balikad ng kanyang ama para sabihin na hindi talaga siya pumapayag. Hinawakan ni Ferdinand ang mukha ng kanyang anak at tumingin sa mga mata nito at sinabing.. "Kisses kailangan nilang malaman at maniwala na wala akong anak, ito lang ang tanging paraan na makasiguro ako sa kaligtasan mo at kaligtasan niyo lahat." Paliwanag ni Ferdinand na parang naintindihan naman ni Kisses kayalang hindi pa rin matanggal sa kanya ang pag aalala sa kanyang ama. "Pero paano ikaw?" saad ni Kisses.
Ngumiti si Ferdinand at sinabing.. "Gusto kong malaman mo na ginagawa ko na to kahit nung baby ka pa, huwag kang mag-alala sanay na ako, kaya ko na ang sarili ko at pinapangako ko na makikita mo na ako bukas, okay na?" niyakap ni Ferdinand ang kanyang unika iha habang si Maymay naman ay umiiyak din sa mga nakikita at naririnig niya at nangangarap ng tahimik na sana buhay pa ang kanyang ina at sana may yumayakap din sa kanya at umaasa na lang na sana may nagmamahal din sa kanya.
Nung natapos na ni Nikko ang kanyang mga dapat gawin ay bigla na lang niya naramdaman na may mga extra ordinayong nilalang na nasa labas ng bahay na pilit sinisira ang shield na ginawa ni Ferdinand at nung sinilip ni Nikko ay nakita niya ang witch vampire na nakalaban niya sa campus at may kasama ito na parang isang witch din na maitim ang mata na sumisiri sa shield na gamit ang kamay nito. Nagdala din sila ng apat pa na witch para makasigurong matatalo at matutugis nila si Ferdinand.
Nung lumipad si Nikko patungo sa kwarto ni Kisses ay nakita nito na binasag ni Ferdinand ang bolang crystal sa harapan nina Maymay at Kisses at may lumabas na puting magical sparkling light at umikot ito sa dalawang magbestfriend. Niyakap ni Maymay ang umiiyak niyang kaibigan na si Kisses at hindi naman kumukurap si Kisses na parang gusto niyang ma memoryado ang mukha ng kanyang ama habang unti unti na silang nawawala.
Nung nawala na sina Kisses at Maymay ay agad naman sinabi ni Nikko sa kanyang boss ang nangyayari sa labas ng bahay. Sa reaksyon ni Ferdinand ay parang alam na niya ang tungkol dito at sinabi niya kay Nikko na maghanda na rin siya sa magaganap na labanan. Iniisip ni Nikko na ito na siguro ang araw na makikita na niya ang totoong kapangyarihan ng kanyang boss at imbes na matakot at kabahan si Nikko ay parang mukha pa itong excited at nanggigil na makalaban muli ang witch vampire.
Tumayo ang dalawa sa malaking sala at hinintay na masira ang shield at nung tuluyan nang masira ang shield, tinaas ni Ferdinand ang kanyang kanang kmay at biglang may parang tubig na umikot sa kamay nito at hanggang sa lumiit ito at naging hugis singsing at nung sumulpot ang apat na witch ay agad sila nabalutan ng asidong tubig na galing sa singsing ni Ferdinand at hanggang sa natunaw ang mga katawan ng kalaban at nakita ito ng dalawang natirang kalaban sina Dyno at Malik.
Mukhang kinabahan si Malik sa kanyang mga nakita pero hindi si Dyno, sumugod agad si Dyno gamit ang kanyang kakaibang kapangyarihang apoy at sinubukan niyang tamaan si Ferdinand pero hindi ito nagyari dahil sa may proteksyon ito at pagtapak muli ni Dyno sa sahig ay agad nabalutan ng yelo ang mga paa nito at hindi na siya makagalaw.
Sunod naman umatake ang witch vampire pero hindi ito binigyan ng pansin ni Ferdinand dahil alam niya na kanina pa gigil ang kanyang alaga na si Nikko. Hinampas ni Nikko ang kalaban gamit ang kanyang kakaibang kapangyarihang hangin, isa ito solidong hangin na parang sing lakas ng malaking bato kapag ito ay natamaan at tulad ng inaasahan bumagsak na naman si Malik na hindi mapinta ang galit na nakikita sa kanyang mukha. Unti unti na ring umaakyat ang yelo sa katawan ni Dyno at alam ni Ferdinand na may pinalano itong kakaibang atake kaya walang imik si Ferdinand at naghihintay lamang at ganoon din si Nikko. Sa sitwasyon ni Malik alam ni Nikko na hindi ito basta sumusuko alam din niya na may plano ang dalawang kalaban nila kaya tulad ng kanyang boss ay hintayin na lang din niya.
____________________________
Starring
Kisses Delavin bilang si Kisses
Maymay Entrata bilang si Maymay
Also Starring
Nikko Natividad bilang si Nikko
Nonie Buencamino bilang si "Ferdinand"
Josh Ivan Morales bilang si "Dyno"
Arjo Atayde bilang si "Malik" (the witchvampire)
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...