Nakarating na sa opisina ni General Ernesto Alvarez ang numero ng mga nawawalang tao at umabot na ito ng isang daan. Dahil dito ay nababahala na siya sa kalagayan ng buong ciudad ng Manila. Tinawagan ni si Korden ang leader ng sikretong headquarters na ang tawag nila ay sommers camp. Pinaliwanag ni Korden ang mga nangyayari sa ciudad kung bakit may nawawalang mga tao at sinabi niya rin na hindi lamang sa ciudad nila nagkakaroon ng kasong ganito kundi pati na rin sa iba pang ciudad sa Pilipinas tulad ng Zamboanga, tagaytay at baguio kung saan higit na sa tatlong daan ang nawawala.
Sa Sommers camp ay mayroon din silang kwarto para sa mga biktima na sumasa ilalim ng mausisang imbestigasyon. Dinala ni korden si Gen. Alvarez dito at nadiskubri ng heneral na kasama ito sa listahan ng mga nawawala. Nung pinaliwanag ni Korden ang tungkol sa mga werewolf at kung paano sila involve sa kaso ay hindi tuloy makaisip ng diretso ang heneral dahil alam niya na magmumukha lang siya nasisiraan ng bait sa mata ng lipunan.
Humingi ng tulong si Korden sa isa pang Porter na si Violet na isa ring witch upang palitan ang kasalukuyang nasa isipan ng mga biktima at para palabasin na na-kidnap lang sila. Pagkatapos ng magandang pag uusap ng Heneral at ni Korden ay isa isa ng pina uwi sa kanilang mga tirahan ang labing dalawang biktimang nahuli nila. Malaki ang pagsasalamat ng Heneral kay Korden sa mabuti nitong hangarin sa ciudad at nagsuggest ang Heneral na ipaalam ito sa Presidente ng bansa at hindi muna ito sinang ayon ni Korden dahil pag iisipan pa niya ito ng mabuti.
Sa school campus naman kung saan nag aaral si Yong kahit hindi niya sinasabi ay nag aalala na siya sa kanyang mga naging kaibigan na sina Mackoy, Maymay at Kisses dahil mag-iisang linggo na niya ito hindi nakikita at iniisip niya na kasama sila sa mga naging biktima ng Master Pack na sinasabi ni Enrique.
Ang Master Pack na sinasabi ni Enrique ay binubuo ng isang pangulo na ang tawag nila ay Alpha Werewolf at pumapangalawa naman ang Beta Werewolf ang nagsisilbing leader ng mga bagong recruit. Bukod sa Alpha at Beta may lima pa silang alliance na nagsisilbing master ng buong pack. Una ay ang Teacher or trainor siya ang nagtuturo kung paano sasabak sa pakikipaglaban, pangalawa ang Healer o manggamot, Pangatlo ang Spy o ang mata ng pack, pang-apat ay ang Rescuer, siya ang huling makakalaban bago ang Alpha at mas malakas pa ito kung ikukumpara sa Beta at ang huli o pang lima ay ang keeper o tagabantay ng Alpha.
Ayon kay Enrique hindi ganun kadali ang pagbagsak ng isang master pack dahil sa tibay ng pundasyon nito. Kung meron silang dapat na unahin iyon ay ang binubuong grupo ng beta na dapat matigilan ang pag recruit nito. Umupo si Yong sa harapan ng kanyang labtop at nagsimulang pag aralan kung paano ang pag recruit ng isang beta na si Zeus at napag alaman niya na kumukuha ito ng mga kabataan na may malakas na animo o matapang at maangas kaya nag plano agad sina Yong, Christian at Kristine kasama ang bago nilang sinasanay na si Enrique na isa ring Werewolf.
Sa basketball court alam na ni Yong kung ano ang kanyang dapat na gawin para mapapansin na siya ng kanyang sariling couch na si Zeus na hindi siya pinapansin noon at minsan ay ginagawa pa siyang water boy dahil sa kahinaan ang nakikita nito sa kanya. Sa gitna nfg laro ay nagsimula ng mag alburoto si Yong at dumating sap unto na kailangan niyang suntukin ang kalaban para lang ipakita kay Zeus na may taglay din siyang tapang na hinahanap ng isang beta para maging isang mahusay na miyembro ng isang pack. Tinanggal si Yong sa laro dahil sa kanyang violation na nagawa at dumiretso na lang si Yong sa boys locker room.
Sa isang mahabang upuan sa loob ng locker room habang pinupunas ni Yong ang kanyang pawis at sinusubukang kontrolin ang kanyang pg iisip ay biglang may nagsalita na lang na nagmumula sa kanyang likod at agad niya nakilala ang boses nito.
"Bakit mo nagawa yon? Anong kasalan niya sayo?" tama ang hinala ni Yong dahil sa paglingon niya ay agad niya nakita ang kanyang couch na si Zeus.
"Ah pasensya na po couch, nadala lang po ng emosyon po, pero huwag kayong mag-alala babalik po ako don at hihingi ako ng tawad." Paliwanag ni Yong na hindi rin matago ang kanyang nerbyos.
"Hindi mo nasagot ang tanong ko." Ang seryosong pagkasabi ni Zeus na parang hindi kumukurap at diretso ang tingin sa kanyang mga mata.
"Niligawan po niya ang crush ko po, pero alam ko pong hindi makatwiran yon at inaamin ko po ang aking nagawang kasalanan at handa ko pong harapin ang parusa kung kinakailangan po." Walang maisip na dahilan si Yong kaya iyon na lang ang ginawa niyang dahilan, "Paktay na bai" sabi ni Yong sa kanyang isipan.
"Sige, mukhang tama ang nasa isip mo, nagawa mong tanggapin ang kasalanan mo dapat tatanggapin mo rin ang parusang na kaakibat nito. Mamayang alas nueve ng gabi dapat nasa basketball court ka na at walang ibang kasama. Uulitin ko, walang ibang kasama." Sa pananalita ni Zeus ay parang alam na ni Yong kung ano ang mangyayari dahil sa umpisa pa lang ay ito na talaga ang kanilang plano.
"Opo coach, naunawaan ko." Sabi ni Yong habang sinusundan niya ng tingin ang Beta Werewolf na nagkukunwaring couch na paalis ng locker room. Iniisip niya rin kung anong klaseng kapangyarihan kaya ang taglay nito at kung paano kaya nila matatalo ang isang Beta na si Zeus.
_________________________________________________________________________
Hello guys thank you for reading my master piece, I hope you like it the way I do, feel free to ask questions if you want and more chapters to come coz theres gonna be a long journey for the teens and especially for MayWard KissMarc and Marvoree.
The more you vote and comment the more I inspire on writing the story down. Never tot of this, it was only in my heart and brain before (three years ago) and now I'm so happy sharing it with you guys. This is also base from my four super favorite tv series Charmed the reason why I got witches in the story. Supernatural the reason why there is demons and angels too, Teen Wolf, Werewolves catches my heart in this story watch out for that and of course PBB lucky 7 the reason why I have no problem on naming my characters haha., there you go! Once again thanks mwah!
Starring
Yong Muhajil bilang si Yong
Also Starring
Zeus Collins bilang si Zeus
Christopher de leon bilang si General Ernesto Alvarez
Cesar Montano bilang si Korden
Karla Estrada bilang si Violet
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasíaSi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...