Knowledge and Witchery

277 9 0
                                    

Si professor Morris ang sumunod na trainor ni Edward para sa 2nd level of knowledge sa Witchery. Ang 2nd level ay tungkol sa sources and majestry. Tinitingnan nito kung anong klaseng kapangyarihan taglay ang isang witch o wizard tulad ni Edward. Sa isang tingin pa lang nakita na ni Professor na hindi ordinaryong witch si Edward dahil sa kakaibang aura na nababalot sa kanya.

Kulay asul ang aura ni Edward isang enerhiya na lumalabas sa katawan ng isang extraordinaryo ito ang nagsisilbing gabay para malaman kung anong klase at kung gaano kalakas ang isang witch. Ang asul ay ang kulay ng Elementong tubig at isa ito sa limang pinaka makapangyarihan sa mundong majika.

"Are you trying to read my mind professor?" sabi ni Edward habang tinitingnan ang galaw ng mga mata ni Prof. Morris na parang may nakikita na hindi niya nakikita.

"No, i am reading you." At ngayon ay tiningnan na siya sa mata ni Prof. Morris, "What did your father tell you about your power?" curious na tanong ni Prof Morris, dahil hindi siya makapaniwala na hindi ito binaggit ng kaibigan niya na si Mr Kenritz sa council o baka sinasadya niyang itago ito sa mga nakakataas.

"Nothing, we never talk anything about magic or anything at all." Diretsong sabi ni Edward.

"How interesting." Sabi ni Prof Morris na siya lang ang nakarinig, "Well then, lets go." Pero patuloy pa rin niyang iniisip ang posibleng dahilan ng pag lihim ni Mr kenritz sa council.

Pumasok sila sa isang napaka laking library pero alam na ni Edward na isa itong lagusan papunta sa isang lugar na hindi pa niya alam. "Where are we going professor?" tanong ni Edward nung makita niya na biglang nabuksan ang sahig pagkatapos hinampas ni Professor Morris ang kanyang staff.

Magkahalong tubig, hangin at buhangin ang lumabas na parang buhawi pero katamtaman lang ang lakas nito para hindi sila lumipad palayo. Simula sa maliit at hanggang lumaki na ang kakaibang buhawi, hindi alam ni Edward kung ano ang gagawin kaya naghintay na lang siya at nung tumama na sa kanila ang buhawi ay sabay silang nawala.

Ang mundong majika ay tatlong beses na mas malaki kaysa sa mundo ng mga ordinaryong tao pero mas marami pa rin ang mas gusto sa mundo ng mga tao dahil nagkakaroon sila ng kalayaan gawin kung anong gusto nilang gawin pero hindi lahat ng mga taga mundong majika ay kayang tawirin ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao at depende kung naaprubahan ito ng nakakataas na autoridad.

Nilubusan na ni Edward ang lahat ng kaya at pwede niyang ipakita na galing dahil sabik na siya sa katotohanang maaari niyang makamtan sa dulo ng tinatahakan niyang landas ngayon. Habang tumatagal hindi na niya namamalayan na unti unti na niyang natatanggap ang tunay niyang pagkatao. Sa bawat araw ng pagsasanay ay mas lalong humahanga ang kanyang mga nagiging kasamahan at ayon kay Professor Morris isang pambihirang witchery ang pinapakita ni Edward.

Ang Magic School ay binubuo ng apat na level , ang first level ay ang spell casting kung saan gagamitin ang kakayahan ng isang witch sa pamamagitan ng spell. Sa second level naman ay ang sources and majestry kung saan kailangan ng isang witch na ilabas ang tunay niyang kapangyarihan na nasa kanyang espirito. Ang pangatlong level naman ay ang Dark Arts kung saan kailangan ng makipaglaban at ipagtanggol ang sarili at ang huli ay ang Mastery of Sorcery kung saan dadalhin ang isang witch sa isang napaka delikadong lugar sa Majika ang DeathLand. Ang dalawang huling naka ligtas dito ay si Virgo isang misteryosong witch na lumabas na sa mundong Majika at hindi na bumalik at si Meredith ang ina ni Maymay at nangyari ito noong sampung taon na ang nakalipas.

Walang sapilitan ang pag-aaral sa huling level ng witchery dahil alam ng lahat na isa itong buwis buhay na pag aaral at para lang ito sa mga gustong maging master. Kahit gusto itong gawin ni Heaven ay hindi pumayag si Violet dahil alam niyang wala sa dugo nila ang pagiging master na kailangan ng isang witch para makaligtas sa Mastery of Sorcery na tulad nina Virgo at Meredith na naging kaklase dati ni Violet at Mr Kenritz.

Pagkalipas ng limang buwan ay natapos na ni Edward ang 3rd level na Dark Arts kung saan kakatapos lang din ni Heaven ang Dark Arts sa kabilang bansa. Sobrang nasurpresa si Heaven kay Edward dahil sa pag-aaral niya sa Wichery ng sampung taon ay nakayanan ni Edward sa loob ng anim na buwan lang. Hindi lang si Heaven ang nasurpresa at namangha kundi pati na rin ang buong council. Hindi muna nila sinabi kay Edward ang tungkol sa Mastery of Sorcery dahil hindi pa napapanahon.

Tinawagan o nagkaroon ng courtesy call sina Heaven at Edward mula sa Governor ng Avelu Mendiz, ang ciudad kung saan tinayo ang magic school. Isang trabaho ang inofer sa kanila ng Governor na maaaring ikakapahamak sa kanila pero kapag nagtagumpay sila ay may nag aantay din na reward. Nung una ay hindi pumayag si Edward pero nung sinabi ng governor na may kinalaman ito sa kanyang ama ay pumayag na rin si Edward.

___________________________________________________________________

Michael de Mesa bilang si "Professor Morris"

Paulo Avelino bilang si "Virgo"

Philip Salvador bilang ang "Governor"

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon