Nephilim

91 5 0
                                    

Isang mabato at madilim na isla at napapalibutan ng maitim na dagat ang lugar kung saan napadpad si Vivoree ang hindi niya alam ay isa pala itong ilusyon na nasa utak ni Marco.

Nung niyakap niya si Marco ay may naramdaman siyang kakaiba na parang hindi na niya ito kilala at ang mga sinasabi nito ay parang walang katotohanan dahil kahit anong pilit niyang intindihin ito ay parang hindi maalala ni Vivoree ang mga sinasabi ngayon ni Marco.

"Paano ka nakaligtas sa kagat ng werewolf? Isa ka na rin bang werewolf?" tanong ni Marco dahil ang huli niyang naalala ay ang kaganapan sa baguio kung saan hindi niya nagawang iligtas ang buhay nito.

"Marco, anong sinasabi mo? Walang werewolf sa mundo ng mga espiritu." sabi ni Vivoree na may pagtataka.

"So isa ka na palang kaluluwa? Pero bakit nahahawakan pa rin kita?" sabi ni Marco habang minamasdan din ang mga pagbabago sa itsura ni Vivoree.

Hindi maintindihan ni Vivoree ang mga sinasabi ni Marco, dahil ang pagkakaalam niya ay isa na siyang guardian nung nagkakilala sila sa france nung tinulungan niya si Marco na iligtas ang buntis nitong kapatid. Kaya naisipan ni Vivoree na subukin si Marco sa pamamagitan ng isang katanungan na alam niyang imposibleng makalimutan ito ng isang tunay na Marco na kanyang minahal.

"Marco anong pendant ng kwintas na binigay mo sa akin noon?" ngayon ay gusto na ni Vivoree na masiguro na si Marco nga talaga ang nasa kanyang harapan.

"Vivoree, wala akong binigay na kwintas.." sabi naman ni Marco na parang nagdududa rin sa mga kinikilos ni Vivoree.

Umatras si Vivoree at nakompirma nito na hindi nga ito ang dating Marco na nagligtas sa kanyang buhay. Ang Marco na minahal siya ng totoo at pinaglaban siya sa sariling pamilya nito, ang lalaking handang ibuwis ang buhay niya para lang makasama siya.

Hinding hindi makakalimutan ni Vivoree ang cross pendant ng gold na kwintas na binigay sa kanya ni Marco nung nangako ito na babalik siya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik sa kanyang piling bagkus umaasa pa rin si Vivoree na makikita niya muli ito.

Tinago ni Vivoree ang cross pendant na ito sa isang kweba sa mundo ng mga espiritu kung saan hinaluan niya ito ng magical calling spell. Isang spell na tatawagin ang pangalan niya kapag bumalik na ang dati niyang kasintahan na si Marco.

"Vivoree tulungan mo ako., hindi ko alam kung nasaan ako., parang naka trap ako dito." paki usap ni Marco habang unti unti nang lumalayo si Vivoree.

At napansin din ni Vivoree na parang imagination lang ni Marco ang lahat. Una nagdadalawang isip si Vivoree kung tutulungan niya ito pero parang wala naman siyang nakikita na masama sa pagkatao nito at hindi rin ito pwedeng magpanggap dahil wala ito sa totoo niyang mundo.

Lumapit si Vivoree sa dagat at sinubukan linisin ito pero nung tinaas niya ang kanyang kamay ay may napansin siyang liwanag sa dulo ng dalampasigan.

"Mukhang may magliligtas na sa yo.." sabi ni Vivoree at hindi na ito lumingon pa kay Marco at bigla na lang ito nawala.

Muling lumitaw si Vivoree sa harapan nina master wizard JC at Josh. At kitang kita sa mukha ni Vivoree ang pagkabigo sa pag-asang makikita na niya ang kanyang minamahal.

"Anong nangyari? Tinawagan ka ba ng host mo?" tanong ni Master Wizard dahil ang pagkakaalam niya tulad nang lahat ng guardians ay may mga kanya kanyang host o yung mabuting espiritu na kailangan nilang bantayin at protektahan.

"Isa lang ang host ko at si Marco yon., hanggat taglay ko pa ang aking kapangyarihan ay hindi mawawala ang tungkulin ko sa kanya. Pero bakit ganon nararamdaman ko siya pero hindi ko saya mahanap hanap." tanong ni Vivoree habang pinipigilan ang sarili para hindi lumuha.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon