Enchantress

234 7 0
                                    

Pagkatapos ng digmaan laban sa Queen Witch ay nagpaalam si Yanma Tokiro kay Elma na kailangan na nitong bumalik sa kanyang bansang isinilang dahil kailangan din siya ng kanyang pamilya doon. Bumalik si Yanma sa China para magkaroon ng panibago at tahimik na buhay. Dahil sa kilala ang galing ni Yanma sa pakikipaglaban gamit ang kung fu ay hindi niya akalain na may kakayahan din pala siyang mag turo.

Naging Master si Yanma sa kanyang itinayong templo at dahil marami ang gustong matuto nagkaroon siya ng mga istudyante na naging mahusay din sa larangang ito. Dahil dito nagkaroon din ng asawa si Yanma pero hindi sila biniyayaan ng anak pero hindi sila sumusuko at patuloy pa rin silang umaasa at nagdadasal na balang araw ay magkakaroon din sila.

Si Olivia ang naging asawa ni Yanma ay sabik rin na magkaroon ng isang anak at sobrang nalulungkot siya tuwing nakikita niya si Yanman na umiiyak habang nagdadasal para lang magkaroon sila ng anak. Kahit saan at kahit namamalengke si Olivia ay pinapalakas niya ang kanyang loob para magtanong at humingi ng advice tungkol sa kanilang sitwasyon hanggang sa may nakilala siya.

Hindi niya sinabi kay Yanma ang kanyang nadiskubring paraan dahil sa sorang desperado na siya at kahit sa anong paraan ay gagawin niya para lang magka-anak. Habang natutulog si Yanma ay pumunta si Olivia sa may altar kung saan nagdadasal si Yanma. Dala dala ni Olivia ang maliit na libro na may sampung pahina lamang na binenta sa kanya ng isang ale na nakilala niya sa palengke. Sinunod niya ang instruction dito pati na rin ang paghalo ng kanyang dugo sa kakaibang uri ng bulaklak.

Gamit ang mga sangkap na pinaghalo niya tulad sa pagkabanggit sa libro na hawak niya ay gumawa siya ng isang katamtamang circle na may sampung arrows na parang kahawig sa araw. Pagkatapos noon ay nagdasal si Olivia. "Ako po ay nagdadasal sa lahat ng dyos na sana ako ay pagbigyan, pinapangako ko na siya ay aking aalagaan at mamahalin hanggang sa kanyang paglaki sana ay dinggin nyo ang aking dasal at kahilingan na sana ako ay inyong pagbigyan." At sa huli ay sinabi ni Olivia ang mga mahiwagang salita pagkatapos niya inumin ang kanyang pinagkhalong sangkap. "Kello dasnieh Navisih" ibig sabihin ay calling for a child.

Pagkatapos ng tatlong araw sa pagkagising ni Olivia sa umaga ay may parang nararamdaman na siyang kakaiba at hanggang sa siya ay nagsimula nang magsuka na isang matibay na senyales na siya nga ay nagdadalang tao na. Naging sobrang masaya ang mag-asawa at araw araw silang nagpapa salamat sa may kapal.

Pagkalipas ng labing anim na taon muling nagkita sina Olivia at ang babaeng nagbenta sa kanya ng libro. Sa araw ng pagtanggap ni Olivia sa mahiwagang libro ay alam na niya na may kapalit ito at buong puso niya itong tinanggap para sa kahilingan ng kanyang asawa na magka anak. Ang kapalit ng kahilingan niyang magka anak ay ang kanyang sariling kaluluwa.

Sobrang nalungkot at parang bumagsak ang buong mundo ni Yanma sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa na si Olvia. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Yanma ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa findings ng mga doktor ay wala itong sakit at wala silang nakikita na kahit na ano na pwedeng ikamatay ng kanyang awasa. Hanggang sa nakita niya ang libro na ginamit ni Olivia para magkaroon sila ng anak.

Hindi alam ni Yanma kung ano ang dapat gawin para muling ibalik ang kanyang asawa. Sinabi din ni Yanma ang tungkol sa libro sa kanyang matalik na kaibigan na si Elma pero ang sabi ni Elma ay. "Kaya kong ibalik ang anak nyo sa kanyang pinanggalingang mundo pero hindi ko kayang ibalik ang buhay ng asawa mo." Dahil kay Elma nalaman ni Yanma na hindi niya pala kadugo ang anak niya na si Elisse.

Pinili na lang ni Yanma ang ipagpatuloy ang kanyang buhay kasama ang kanyang anak na si Elisse. Dito na lang niya ibinuhos ang kanyang pagmamahal. Lumaki si Elisse ng napakaganda at napakabuti pero alam ni Yanma na pagdating ng panahon ay makikita rin niya ang tunay nitong pagkatao dahil alam niya na hindi ito tao at isa itong extra ordinaryo.

Tinuruan din ni Yanma kay Elisse ang mga nalalaman niya sa martial arts at pinakita rin ni Elisse ang pagiging interesado niya sa larangang ito. Madali ring natutunan ni Elisse ang mga mahahalagang bagay pagdating sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa sarili. Sa Edad na labing pitong taong gulang ay matagumpay niyang nakuha ang pagiging isang master sa larangan ng Kung-fu at kasabay niya rin dito ang isang binata na taga pilipinas na si Mackoy.

Ibinalita din ni Elma kay Yanma ang kanyang natuklasan na si Elisse ay galing sa mundong Xylem, ang mundo ng mga Enchant kaya ang ibig sabihin lang nito, ang minamahal niyang anak na si Elisse ay isang tinatawag nilang Enchantress.


_______________________________________________________


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon