Sa nangyari kay Kisses ay sobrang nag-alala ang kanyang kaibigan ni si Maymay at ngayon ay pinipilit ni Maymay na ipa check up si Kisses sa clinic pero hindi pumayag si Kisses pero nag request siya kay Maymay na samahan siya sa kanilang bahay at pumayag naman si Maymay.
Natuwa si Kisses dahil pumayag si Maymay at pagkakataon na niya ito para iharap siya sa kanyang ama para kausapin din si Maymay tungkol sa offer ni Kisses para sa kanyang kaibigan at para matulungan na rin ito.
Ang hindi alam ni Kisses ay may nakita si Maymay sa kanyang isip na isang bagay na ikinagulat ni Maymay pero pansamantalang nilihim niya muna ito sa kanyang kaibigan. Si Maymay ay isang natural born Sortress na may dugo ng isang tao at sa lahi ng mga Sortress tanging si Maymay lang ang pinanganak sa mundo ng tao at siya lang ang tanging Sortress na nagkaroon ng ama.
Ang mga Sortress ay matatagpuan sa southern part ng Majika, ito ang mundo ng mga extra ordinaryong pinanganak na may kakaibang enerhiya na nakabalot sa bawat DNA genes. Ni minsan ay hindi pa nakapunta si Maymay sa Mundong Majika pero minsan na ito nakwento ng kanyang ina na si Meredith.
May kakayahan si Maymay na Makita ang nilalaman ng isipan ng isang extra-ordinaryo kahit na walang pahintulot at minsan rin kahit hindi niya sinasadya ay napapasa sa kanya ang mga impormasyon kapag nahahawakan niya o' siya ng isang extra-ordinaryo.
Gusto rin ni Maymay na mas makilala ang kanyang kaibigan kaya siya pumayag na sumama sa bahay nina Kisses at sa tingin rin ni Maymay ay wala itong kaalam alam sa tunay nitong pagkatao at marahil inosente ito sa pagiging extra-ordinaryo.
Mula sa labas ay sobrang nagulat si Maymay nung nakita niya ang bahay nina Kisses na parang isang mataas na building o' parang multi-floor na hotel pero nung nakapasok na ang sasakyan sa garahe ay mas lalo siyang nagulat dahil sa napaka gandang disenyo ng bahay. Parang siyang bahay sa loob ng box, sa labas ay makikita na parang made of metal and glass tapos sa loob nito ay another exterior ng bahay na made of wood na may fountains at garden.
Halos buong araw ding nakangiti at tumatawa si Kisses dahil sa mga reaction at mga nakakatawang pinagkakagawa ni Maymay. Nung bumaba si Maymay sa sasakyan ay nagsisitalon ito sa tuwa dahil ngayon lang siya nakakita ng napakagandang bahay. Natutuwa din ang sampung kasambahay nina Kisses na tilay nagtipon sa labas upang salubungin sila at pati na rin ang mga bodyguards.
Nung pumasok na sila sa living ay halos maiyak naman siya sa sobrang bleesed at swerte ni Kisses sa buhay. Hindi niya man masabi alam niya sa sarili niya na pangarap niya din ito. Ilang sandali pa ay bumaba na ang ama ni Kisses mula sa hagdanan. Sa pananaw ni Maymay ay nakikita niya ang pagiging strikto ng mukha pero mabait naman at kitang kita rin na sobrang mahal na mahal nito ang kanyang nag-iisang anak na kahit ano ay gagawin niya para maging masaya ito.
Hindi akalain ni Maymay na sobrang pinaghandaan pala yung pagdating niya sa bahay nina Kisses pati yung dining table ay punong puno ng pagkain. Kaya hindi na napigilan ni Maymay na magtanong sa ama ni Kisses habang naka upo na sila sa dining table.
"Ah, sir bakit po ganito ang handa niyo sir., ahm anong meron?" tanong ni Maymay na sobrang nahihiya at hindi alam kung paano makitungo sa ama ni Kisses.
"Dahil sini-celebrate ko yung first time na magkaroon si Kisses ng matalik na kaibigan. Alam mo bang ikaw pa lang ang tanging kaibigan na pinakilala sa akin ni Kisses. Ang ibig sabihin noon ay ikaw lang ang nagpasaya sa kanya at pinagkatiwalaan niya." Sabi ng ama ni Kisses na parang nagapasalamat na kay Maymay dahil pinapasaya nito ang anak niya.
"Ah ganun poh ba, ako din poh, sobrang saya ko din dahil first time din po ako magkaroon ng isang bestfrend po." Giit ni Maymay at hinawakan niya ang kamay ni Kisses at ganito ang ginagawa ni Maymay kapag naninerbyos ito at alam ito ni Kisses.
"Ano kaba.. huwag kang kabahan, hindi yan nangangagad si daddy." Sabi ni Kisses na nasa tabi lang niya. "At alam niyo ba dad sobrang talino ni Maymay, scholar po siya ng school." Masaya at proud na pagsabi ni Kisses.
Napansin ni Ferdinand na palabiro din pala itong si Maymay at kahit siya napagaan na din ang loob niya dito kaya mas lalong naging kampante siya kay Maymay at dahil dito ay hindi na siya nagpaligoy ligoy pa sinabi na niya ang gustong nilang mangyari. At dahil magaling dumiskarte at magpaliwanag ang ama ni Kisses ay pumayag na rin si Maymay na maging personal companion ni Kisses.
Kaya dahil dito sobrang saya na ni Kisses pero nag-alala pa rin ang ama tungkol sa pagiging extra-ordinaryo ni Kisses ay hindi pa rin siya kampante dito. Paano kung madiskubri ni Maymay na nagiging perlas ang luha ni Kisses, paano kung malaman niya na isang extra-ordinaryo si Kisses.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...