Ang isang tuyong simento ay nababasa na ngayon ng isang patak ng tubig na nagmumula sa napakalungkot na mga mata ni Edward. Hindi niya maintindihan na kung bakit nangyayari ito sa kanya simula pa lang nung sanggol siya ay hindi na niya nakasama ang kanyang ina at parati naman nasa malayo ang kanyang ama. Kahit ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Marco at Mackoy ay wala na rin siyang balita tungkol sa mga ito at ngayon naman ang babaeng na gusto niyang makasama at maprotektahan na si Maymay ay iniwan na rin siya.
"What have i done to deserve this? Bakit iniwan nila ako lahat.." sabi ni Edward sa kanyang sarili habang hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Inisip ni Edward na bumalik na lang sa house of the phoenix pero parang ayaw niya muna harapin si Heaven dahil alam niyang mas lalo lang gugulo ang kanyang pag-iisip. Gusto niya rin na tulungan sina Markus at Yassi pero hindi pa niya ito lubusan na kilala at lalong lalo na gusto niyang habulin si Maymay pero baka mas lalo lang ito lalayo sa kanya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumayo na lang si Edward mula sa inuupuan niyang bench. Nagsimula itong maglakad ng nakayuko habang pinupunas ang sariling luha. Nag iisip pa rin kung ano ang kanyang mga dapat na gawin at kung saan siya pupunta at kung sino ang kanyang pupuntahan.
Sa mabagal niyang mga hakbang hindi niya akalain na may makikita siya na dalawang pamilyar na bagay. Ang dalawang maputing rubber shoes na suot ng dalawang paa na nasa kanyang harapan, unti unting tinaas ni Edward ang kanyang ulo at hanggang makita niya ang babaeng nagsusuot ng maputing sapatos na ito.
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta.. ni hindi ko matandaan kung sino ang aking ina o ama.. bakit hindi ko maalala.. bakit wala ako maalala..?" sabi ng isang babaeng umiiyak na parang humihingi na ito ng tulong mula kay Edward.
"I dont know too.. pero Maymay ang pangalan mo.." sagot ni Edward na hindi naman maipinta ang nararamdamang kasiyahan nung nakitang bumalik si Maymay.
***
Sa kwarto ni Virgo ay nakumpleto na nila ang mga sangkap at orasyon na sinasagawa para sa muling pagkabuhay ng Queen Witch. Habang hinihintay na lang ni Virgo ang pagkakaroon ng buto at laman ay agad nitong inutusan ang dalawa sa kanyang mga alagad na sina Helga at Ausiri.
Alam niya na sa muling pagbabalik ng kanyang ina ay hahanapin nito agad ang libro ng kapangyarihan. Mula sa utak ni Malik ay nasagap ni Virgo ang detalye kung saan ito naroon at kung sino ang may hawak nito. Sa pamamagitan lang ng kamay ni Virgo ay nagsambit ito ng spell para maipasa niya ang impormasyon sa utak ng dalawang masamang nilalang na babae.
Alam din ni Virgo na nasa pamamahay na niya ang kanyang mga kalaban at kailangan na niyang magmadali para hindi matapos sa wala ang lahat ng kanyang mga pinag hirapan. Kaya inutusan din niya sina Eliot at Segundo na protektahan ang silid na ito. Lumabas ang demon at ang vampira sa silid na ito at lumakad patungo sa daan kung saan magpapakita sina Ferdinand at Kevin.
Nag iisa na ngayon si Virgo sa kanyang silid kung saan minamasdan niya ang muling pagkabuhay ng kanyang ina. May dahilan din si Virgo kung bakit parang sabik na siya na makita ang kanyang ina at ito ay dahil sa kapangyarihang ipapasa sa kanya ng Queen Witch, ang Black Phoenix.
***
"Ang mga magulang ko? Do you know about them?" tanong ni Maymay na parang pinipilt niyang isipin dahil sa sitwasyon niya ngayon na kahit mukha man lang ng kanyang mga magulang ay hindi niya maalala.
"May you dont have parents anymore.." sagot naman ni Edward na parang mas lalo pang pinabigat ang nararamdaman ni Maymay. Pumunta si Maymay sa may bench at umupo ito habang patuloy na inaalis ang kanyang mga luha gamit lamang ng kanyang kamay. Nakita ito ni Edward at agad niya kinuha ang kanyang panyo at binigay ito kay Maymay.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...