This is Real

227 7 0
                                    

Muli na naman nangkaroon ng kakaibang panaginip si Mackoy at sa panaginip niya ay mayroon siyang tatlong kalaban na humahabol sa kanya sa disyerto at hindi niya malaman kung saan ito. Tatlong monghe o monks na kulay dark yellow ang suot na parang robe at puting parang pajama tulad ng mga istudyante na nakita niya sa temple ni Master Tokiro.

Kakaiba ang nga monghe na humahabol sa kanya dahil umiilaw amg mga mata nito at tilay lumilipad habang tumatakbo ang mga ito at ganoon din si Mackoy tulad ng natutunan niya sa kanyang Master. Habang isa pang katawan ni Mackoy ay natutulog na parang nababangungot at hindi niya namamalayan na ang enerhiya na lumalabas sa kanya ay nakakaapekto sa kanyang paligid.

Nagulat si Mackoy nung nagising siya at sobrang kalat na ng kwarto na parang nangyari din sa kwarto niya ang nagyari sa kanyang panaginip. Sa pagiging curious ni Mackoy sinubukan rin niyang gawin ang mga ginagawa niya sa kanyang panaginip tulad ng pag control sa mga bagay na nasa kanyang paligid. Gamit ang kanyang kamay sinubukan niyang ihampas ang basag na vase sa wall na hindi ito hinahawakan at nagawa nga niya ito.

Hindi niya alam nasa labas ng kwarto ang kanyang lola Elma at ngumiti ito nung nadiskubri na ni Mackoy ang kanyang kapangyarihan. Alam ni Elma na ito na ang magiging umpisa ng pagbabago sa buhay ng kanyang apo at ito na ang umpisa ng pagtanggap niya sa kanyang tunay na pagkatao.

Bukod sa pag control sa mga bagay ay kaya rin ni Mackoy ang maglabas ng kakaibang enerhiya sa kanyang kamao at nakakalabas ito ng matinding pagsabog at nakakabuo rin siya ng energy shield sa kanyang katawan na parang si superman hindi siya matatablan ng kahit anong material o kapangyarihan na tatama sa kanya maliban na lang kung high class master ang kanyang makakalaban.

Nagpaalam si Mackoy sa kanyang lola dahil gusto lang daw nito na magpahangin sa labas at pumayag naman ang kanyang lola Elma. Kinuha ni Mackoy ang kanyang mountain bike at nagmaneho ito patungo sa kung saan na mismo siya ay hindi alam. Umiinit ang kanyang buong katawan na hindi niya maintindihan na parang may nabubuong enerhiya sa kanyang mga dugo at parang gusto na niya ito ilabas.

Mahigit dalawang kilometro na ang kanyang nilalakbay nung may napansin siyang may sumusunod sa kanya. Hindi man niya ito nakikita pero buong isip at puso niya itong nararamdaman at mukhang alam niya pati ang mga posisyon ng mga ito. Ang enerhiya na kanyang nililikha ay nagiging parang isang radio wave kung saan nakukuha nito ng kusa ang mga impormasyon ng kanyang mga target.

Dalawang witch na miyembro ng brotherhood org ang humahabol kay Mackoy ito ay dahil sa kina usap siya ni Edward at dahil matalik na kaibigan siya ng isang napakahusay na witch isa na rin si Mackoy sa mga tinatarget ni Governor Renn.

Nung nagkaroon ng pagkakataon ang witch na umatake. "Katastrefo!" sambit ng isang lalaking witch na medyo malapit na kay Mackoy pero nagulat ang witch na nakuhang umilag si Mackoy at hindi ito tinamaan at tumama sa isang malaking bato at sumabog ito na parang tinamaan ng shotgun.

Patuloy pa rin sa pagmaneho si Mackoy at hanggang sa umatake rin ang pangalawang kalaban at nag counter attack din siya gamit sa pagsuntok sa kapangyarihan na galing sa wand. Bumalik ang enerhiya sa kalaban at sumabog ang kalaban at namatay ito. Huminto si Mackoy at lumingon ito sabay tingin sa kalaban, Nagulat ang kalaban sa kanyang nakita na parang umiilaw ang mga mata ni Mackoy na kulay asul. Dalawang pung metro ang layo ng witch pero sobrang linaw ang kanyang itsura sa mga mata ni Mackoy.

Tinaas ni Mackoy ang kanyang isang kamay at parang dahan dahan niyang hinahawakan ang hangin yun pala ay hinihila niya ang kalaban papunta sa kanya gamit ang kakaibang magnetic energy at tilay namanhid ang buong katawan ng witch at wala itong magawa kundi sumabay sa paglipad niya papunta kay Mackoy.

"Sino ka anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Mackoy sa witch na hindi makagalaw na nakalutang at nakasandal sa puno at nararamdaman ang higpit ng pwersang pinapatong sa buo niyang katawan. Pero nung sagutin na sana ng witch ang tanong ni Mackoy ay biglang may pumatay dito na parang isang witch din at bigla itong nawala.

Bukod sa dalawang witch na gustong pumatay kay Mackoy ay may isa pang witch na minamasdan lang siya pero walang nasasagap na maitim na enerhiya galing dito at pakiramdam ni Mackoy na wala itong masamang intension sa kanya.

"Ikaw dyan, magpakita ka na alam ko kung nasaan ka." Sabi ni Mackoy na may kakaibang tapang sa kanyang pananalita. At nagpakita nga ang extra ordinaryong ito pero hindi maitatago sa kanya na nagulat din siya sa kanyang mga nakita kay Mackoy.

"Ako nga pala si Jerome, isa akong witch at wala akong intesyong masama. Sinundan kita dahil tutulungan sana kita mula sa dalawang black witch na iyon pero hindi ko akalain na extra ordinaryo ka din pala." Paliwanag ni Jerome na may kasamang ngiti at halatang naninerbyos.

"Sinong nag utos sayo tulungan ako? At anong alam niyo tungkol sa akin?" sa mga mata ni Makoy ay mukhang wala pa rin siyang tiwala kay Jerome na gusto pa rin talaga niyang malaman na magsasabi talaga ito ng katotohanan.

"Master ko si Professor Morris at siya rin ang naging guro ni Edward sa magic school." Hindi pa tapos magsalita si Jerome nung marinig ni Mackoy ang pangalan ng matalik niyang kaibigan ay nagbago agad ang kanyang buong pakiramdam.

"Edward? Kilala mo si Edward?" na parang sigurado talaga si Mackoy na ang matalik niyang kaibigan na si Edward ang tinutukoy ni Jerome.

"Oo Mackoy, si Edward ang matalik mong kaibigan. Alam namin ang plano ng governor kung bakit gusto niya na magka usap kayo ni Edward ito ay para malaman niya ang lokasyon mo at para gawin kang bitag. Sumama ka sa akin at tutulungan natin si Edward." Sabi ni Jerome na talagang positibo na sasama sa kanya si Mackoy.

"May pinangako ako kay Edward at gusto kong tuparin yon. Huwag kang mag-alala Jerome walang mangyayaring masama kay Edward lalo na kapag nahanap ko na ang isa pa naming matalik na kaibigan." Saad ni Mackoy at muli niya kinuha ang kanyang mountain bike at nagmaneho ito pabalik sa kanilang bahay.

Hinayaan na lang din ni Jerome pero sa isip nito, "Kung ganoon kalakas si Mackoy ibig sabihin may isa pang silang kaibigan na malakas din." Sa mukha ni Jerome ay parang nagkaroon ito ng pag-asa sa tagumpay na parang imposible sa maliit nilang grupo laban kay Virgo.

_______________________________________________________________________

Also Starring

Jerome Ponce bilang si Jerome isang witch na tapat na istudyante ni Professor Morris na parang ama na rin ang turing sa kanyang professor.


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon