The Confusion of the Spy

125 10 4
                                    

Ang nakaraan..

"Yong asan ka na?" bulong ni Kristine sa hangin at umiiyak na rin dahil hindi niya alam kung paano niya ito matutulungan, alam niyang hindi sila gaano ka close pero parang kapatid na ang turing niya dito at hindi niya maiwasan ang hindi mag alala.

Lumapit sa kanya si Enrique.. "Huwag kang mag-alala mahahanap din natin siya.." at niyakap niya ang umiiyak na si Kristine.

***

Eksaktong pumatak ang hating gabi ay gumising si Kristine at agad niyang sinundan ang mga bulong sa kanyang isipan. Dumiretso siya sa kwarto ni Enrique at nung binuksan niya ito, naging tama ang kanyang mga akala na umaalis ito ng walang paalam sa gabi.

Pinuntahan agad ni Kristine si Korden at isa isa naman ito tinawag sina Christian, Eric at Violet para makita ang kanyang naging premonition nung niyakap siya ni Enrique.

Sa pamamagitan ng BVM, ay nakita ng lahat ang mga pagkukunwari ni Enrique at ang koneksyon nito kay General Ernesto Alvarez.

"Sabi ko na nga ba.." ani Christian ng may kasamang inis sa kanyang mukha.

Hindi rin makapaniwala si Korden tungkol sa kanyang pinagkatiwalaan na si General Alvarez at dahil dito umusbong ang kanyang galit at naging mas malinaw na sa kanya kung bakit sa sobrang tagal na ng kaso tungkol sa mga werewolf ay hindi pa rin nila ma resolba hanggang ngayon.

"Kailangan tong malaman ng hunter association." Sabi ni Korden kay Eric.

"Wag muna, gusto ko muna siguraduhin ang kaligtasan ni Yong, Violet kailangan ko ang tulong mo." Sabi ni Eric na mukhang may plano na sa kung ano ang kanilang dapat na gawin.

Kina-umagahan sa sommers camp sa paggising ni Enrique na parang dalawang oras lang ang naging tulog nito ay wala siyang idea sa mga naganap nung umalis siya.

"Si Kristine po?" tanong ni Enrique kay violet na nakaupo sa mesa habang umiinom ng kape sabay basa ng diaryo.

"Sa may lobby.." sabi ni Violet at parang nagtaka si Enrique dahil hindi pa niya nakita ang lobby simula nung dalhin siya dito pero curious pa rin ito at lumabas sa may lobby.

Nakita niya si Kristine na umuupo sa may deck pero dahil hindi ordinaryo si Enrique napapansin niya na may kakaibang enerhiya na bumabalot sa katawan ni Kristine. Kahit duda na ito ay lumapit pa rin siya kay Kristine at hanggang sa naging usok na lang ang katawan ni Kristine at nalaman niya na isa pala itong ilusyon at nung biglang nawala ang mga ilusyon nakita niya na yung pinasukan niya ay hindi pala ito lobby kundi ay isang kulungan na gawa sa silver at walang werewolf na kayang tumakas mula dito.

***

Walong oras bago nakulong si Enrique..

Nung nakatakas si Parkins ang Alpha Werewolf mula sa Auction Event ay agad itong gumawa ng pagtitipon sa loob mismo ng palasyo para sa kanyang mga bagong balak na gawin. Napansin ni Parkins kung gaano kalakas ang mga leader ng ibang extraordinaryo kaya parang hindi niya maiwasan ang ikumpara ito sa kanyang sariling pack at gusto niya itong gayahin dahil sobrang nahuhuli siya pagdating sa kapangyarihan at lalo na sa numero ng kanyang mga tauhan.

Unang tinawag ni Parkins ang kanyang Beta na si Zeus.

"Hindi kita ginawang Beta para pahiyain ako at para magmukha kang lampa. Kahit kailan hindi tayo umaatras sa laban pero sa ginawa mo pinahiya mo ang angkan natin. Bakit hindi mo napatay ang mga naging kalaban mo. Bakit mas pinili mo ang tumakas?" ang galit at disappointed na tanong ni Parkins.

"Panginoon hindi po sila ordinaryo, hindi ko po alam kung ano sila pero kailangan kong tumakas para iparating sayo ang balita kung paano nila pinatay ang iba ko pang kasama." Paliwanag naman ni Zeus.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon