Missionary Hunter

73 5 1
                                    

Sinadya ni Prinsipe Mak na ikulong ang kanyang sarili sa mundo ng in between world o ang dream world na tinatawag para maisakatuparan ang kanyang plano at kasama niya sa planong ito sina Joanna na isang Banshee na ina ni Kristine at ang Seraphim na si Ezekiel ang ama ni Mackoy.

Ang Banshee na si Joanna ay may kakayahang makakita kung ang mangyayari sa hinaharap at nakita niya ang mga araw ng kadiliman ng dahil sa isang demon na si Lilith at kawakasan ng mundo kaya agad ito lumapit sa isang time traveler na si Prinsipe Mak na isang Vampira na kapatid ng lola ni Marco.

Bukod kay Prinsipe Mak ay lumapit din si Joanna sa isang Portal Crasher na si Ezekiel dahil sa kapangyarihan nito ay kaya niyang ikulong si Lilith sa lugar kung saan impossible niya magawa ang kanyang plano sa mundo ng mga tao.

Naging madali kay Meredith ang nanay ni Maymay at kay Elma ang lola ni Mackoy para ipasok si Rowena sa libro ng kapangyarihan dahil na rin ito kay Prinsipe Mak nung nagsakripisyo itong pasabugin ang dream crystal para mabihag ang dalawang makapangyarihang witch na nagsisilbing kaliwa at kanang kamay ni Rowena.

Sa kasalukuyan ay nakakulong pa rin ang dalawang witch na ito at dahil hindi sila immortal kagaya ni Prinsipe Mak ay unti unti na silang humihina at konting panahon na lang ay mamamatay na rin ang mga ito.

Tinitingnan ni Prinsipe Mak ang pangatlong kulungan na kanyang inihanda para sa isang makapangyarihan demon na si Lilith at ilang oras na lang ay maikukulong na rin nila ito dito.

Kung tutuusin gusto na rin ni Prinsipe Mak na makaalis sa dimensyon na ito pero alam nito na kailangan niyang gawin ito para makamtan niya ang pangarap niyang tahimik na buhay sa spirit world kasama ang kanyang minamahanal na si Vivoree na sobrang namimiss na niya.

Ilang oras pa ang nakalipas ay sa wakas sumulpot na rin sina Ezekiel at kasama ang demon na si Lilith. Gaya ng sa plano ay agad gumamit ng kapangyarihan si Prinsipe Mak at ikinulong si Lilith na kasalukuyang ginagamit ang katawan ni Korden.

"Alam niyo napakalaki nyong tanga., isa akong demon at kaya kong makipag usap sa kahit na sino para makalaya dito. Kung ako sa inyo dapat pinatay niyo na lang ako., pero alam kong hindi niyo kaya kasi alam niyong mas makapangyarihan ako.." sabi ni Lilith.

Hindi na ito sinagot ng Prinsipe at agad binaba ang black metal na pader sa apat na sulok ng kanyang kulungan na may demon trap sa gitna.

"Hindi siya maaaring mamatay.." sabi ni Ezekiel.

"Alam ko.. at alam ko rin na isa siya sa mga kailangang susi para makalaya si Lucifer." Sabi naman ni Prinsipe Mak.

"So ngayon paano tayo makalabas dito?" tanong ni Ezekiel.

"Patience is a virtue.. kailangan natin maghintay.. unless may nakikita kang portal na pwede mong i crash." sagot naman ng prinsipe.

"Meron.. sa Hell.." sabi naman ni Ezekiel.

Walang magawa ang dalawa kung hindi maghintay sa pagdating nina Marco at Vivoree.

***

Napansin ni Vivoree na umiilaw ang singsing ni Marco.

"Umiilaw na ang sing sing.." ani Vivoree.

"Ibig sabihin ito na ang kweba pero ang tanong nasaan dito ang pintuan?" tanong naman ni Marco.

"Relax.. mahahanap din natin yon.." sabi naman ni Vivoree.

"Ahh.. Vive sorry ah.." sabi ni Marco.

"Sorry saan?" ang pagtaka ni Vivoree.

"Na.. kung hindi dahil sa akin eh di sana tao ka pa ngayon.." sabi naman ni Marco.

"Ay sus.. wala yun, tingin ko nakatadhana talaga mangyari yon para malaman ko kung sino talaga ako. Kaya salamat na din nang dahil sayo nalaman ko ang tunay kong pagkatao." Sabi ni Vivoree.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon