Downfall City

106 5 3
                                    

Sa silid ni Elma habang tinuturuan siya ni Ezekiel ang paggawa ng sigil ay biglang may kakaibang nangyari kay Elma at napansin ito agad ni Ezekiel. Nung una ay binalewala lang ito ni Ezekiel pero nung nakita nito na dumugo na ang tenga ni Elma ay agad itong lumapit at sinubukang hilumin pero parang walang nagyayari.

Napaisip si Ezekiel sa nakitang sintomas na parang pamilyar ito sa kanya. "Elma may tumatawag ba sa iyo? Huwag mong sabihin tinatanggihan mo ang isang Elders Call? Alam mong hindi maaari iyon." pakuwari naman ni Ezekiel.

"Kailangan ko mahanap ang anak ko. Lahat titiisin ko para sa anak ko, naiintindihan mo ako di ba?" paki usap naman ni Elma.

"Mas importante ang sinumpaan mong tungkulin kaysa sa kahit ano pa man, alam mo yan." ang paalala naman ni Ezekiel at sinusubukan ipaintindi ito kay Elma.

"Anak ko ang nakasalalay dito." Ang dipensa naman ng Elder na si Elma na tilay sabik na sabik na ito makita muli ang kanyang anak na parang nakakalimutan na ito ang kanyang pangunahing tungkulin bilang isang Elder.

"Ang buhay ng lahat ang maaaring dahilan ng isang Elders Call, Alam mong sa tuwing oras lang ng kagipitan nagagawa ito. Elma makinig ka sa akin, buhay ang anak mo dahil siya ang pinakamalakas sa tatlo at mananatili siyang buhay hanggang sa magawa na niya ang nais niyang gawin noon pa man at iyon ay ang iligtas ang mundong ito. Ako na lang ang hahanap sa kanya, dahil sa ngayon ay mas kailangan ka ng lahat." Pinaintindi naman ni Ezekiel na makikita pa rin naman ni Elma ang kanyang anak ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Dahil ang mas importante ngaun ay ang buhay ng mas nakakarami.

Kumalma naman si Elma pagkatapos makinig sa paliwanag ng Seraphim na si Ezekiel at nangako itong ibabalik niya ng buhay ang anak nito na si Rose Marie.

***

Wala nang magagawa si Yanma Tokiro dahil hindi tinatanggap ni Elma ang kanya tawag kaya nagdisisyon siyang gawin ang kinakailangan niyang gawin ng mag-isa.

Ang portal na nilikha ng isang amulet ay isang pambihirang kapangyarihan na kahit isang Elder ay mahihirapang wasakin ito. Isa itong pambihirang treasure na nanggaling pa sa mundo ng mga fairies na ninakaw ni Rowena at natagpuan naman ng isang estranghero at nakuha naman ni Parkins mula dito.

Gamit ang staff ni Tokiro ay sinusubukan niyang wasakin ang enerhiya na bumubuo sa portal na ito ngunit alam din niya na hindi magiging madali ito. Kakailanganin niya ng mahigit sa isang oras para magawa ito.

Pero hindi naging madali ang sitwasyon ni Tokiro dahil may isang Dark Giant na nakapansin sa kanya kaya tumungo agad ito sa direksyon kung nasaan siya. Hindi rin magamit ni Tokiro ang staff dahil kailangan niyang itutok ito sa portal.

Nakita ni Elisse ang pagbabago ng direksyon ng isang Dark Giant at nakita niya na naging target nito ang ama niya. Konting hakbang na lang ng Dark Giant ay maabot na nito si Master Tokiro at parang hindi na ito maabutan ni Elisse.

"Papa....." ang malakas na sigaw ni Elisse na kahit ang malalayong nagsisipaglaban na hunter ay nakarinig at napalingon sa kanya.

Ang hindi alam ni Elisse ay isang pambihirang sigaw sa hangin ang kanyang ginawa na kahit nasa malayong bansa si Mackoy ay nakarinig din dito.

Agad naman lumipad si Mackoy ng walang paalam at naiwan sina Marco at Edward sa desyerto ng Africa. Habang inaalalayan ni Marco ang kanyang galit na kaibigan na si Edward ay napansin din niya ang biglang pag-alis ni Mackoy.

"Saan nagpunta yun?" tanong ni Marco pero hindi niya akalain na sagutin siya ni Edward.

"He will going to save his love one.. like what were also going to do.." paliwanag pa ni Edward.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon