The Calling

151 5 4
                                    


"Kisses.. anak gising na.." sabi ni Isabel habang parang minamasahe niya ang buhok ni Kisses na nakatulog sa umaandar na bangka.

Hindi man nakapiling ng matagal ni Kisses ang kanyang ina ay alam na alam pa rin niya ang itsura nito dahil na rin sa mga litrato na pinakita sa kanya ng kanyang ama na si Ferdinand.

Sobrang nagulat si Kisses nung nakita niya ang kanyang ina sa pagkagising niya.

"Huwag kang matakot.." sabi ni Isabel sa kanyang nag-iisang anak.

"Mama..?" agad nakilala ni Kisses ang napakagandang mukha ng kanyang ina. Ngumiti si Isabel at sapat na ito para maniwala si Kisses na ito nga ang kanyang ina. Agad sinunggaban siya ng yakap ni Kisses at dahil iyakin ito ay hindi na naman napigilan ni Kisses ang pag-iyak.

"Tahan na anak.. andito na ako.. dapat hindi ka umiiyak.. si Kisses na anak ko ay matapang at malakas ang loob." Isang paalala ni isabel na nagpatahan naman kay Kisses.

"Nananaginip ba ako mama?" tanong ni Kisses habang tinitingnan niya ang buong paligid at wala siyang nakikitang lupa kundi ang langit na punong puno ng mga bituin kasama ang napakaliwanag na buwan at ang walang hangganan at napakalawak na karagatan.

"Gusto mo na bang magising?" sagot naman ni Isabel.

"Hindi pa po, gusto ko pa kayong kasama.. super ganda pala ng mama ko." Sabi ni Kisses na parang isang fan na nakakita sa kanyang iniidolong artista.

"Anak, makinig ka sa akin ng mabuti., kailangan kong magmadali dahil hindi ko hawak ang lahat ng oras. Hindi sinabi ng ama mo ang tunay mong pagkatao dahil gusto ko na ako ang magsabi non sayo. Anak, sa ilalim ng karagatan na ito ay ang totoong mundo natin." Ang mahinahong aliwanag ni Isabel.

"Anong ibig nyo pong sabihin?" sa sobrang tahimik ng lugar ay napakalinaw kay Kisses ang bawat salita na binibitawan ng kanyang ina pero parang hindi niya pa rin maintindihan.

"Ako at ikaw, Kisses hindi tayo tao, dahil tayo ay mga sirena." Sabi ni Isabel na napangiti naman si Kisses.

"Ano po?" parang hindi makapaniwala si Kisses sa kanyang narinig pero parang hindi naman nagbibiro ang kanyang ina.

"Gusto kong gayahin mo ang gagawin ko." Sabi ni Isabel at tinaas niya ang dalawang niyang kamay sa ere at biglang may lumabas na tubig. "Ang tubig na lalabas sa iyong mga kamay ay ang iyong kapangyarihan at hindi ko mabilang kung ilan ang pwedeng panggamitan nito." Ang pagdedemonstrate ni Isabel na ikinamangha naman ni Kisses.

"Wow.," walang masabi si Kisses at hindi siya makapagsalita sa kanyang mga nakikita.

"At ang pinaka gusto kong technique ay ito.." gumawa si Isabel ng malaking bubble at tinira niya ito kay Kisses at nung kusang pumasok si Kisses sa bubble ay biglang itong lumutang sa ere.

Masaya si Kisses dahil parang lumilipad na siya at parang nakokontrol niya ang direksyon na nais niyang puntahan. Nakita ni Kisses na gumawa rin si Isabel na isa pang bubble at pumasok din si isabel dito at sabay silang lumipad.

Sa sobrang saya ng nararamdaman ni Kisses ay parang nakakalimutan na niya na panaginip lang ang lahat. Halos hindi na matanggal sa mukha ni Kisses ang napakalaki niyang ngiti at ang mga sigaw at tili nito ay parang nanalo ito sa lotto.

Nung humito ang dalawa sa gitna ng pacific ocean sa ilalim ng buwan ay may pinagawa si Isabel kay Kisses. "Anak isara mo ang iyong mga mata.. Gusto kong isipin mo ang dagat at ang napakagandang mga tanawin sa ilalim nito, mga sumasayaw na isda at mga magagandang halamang dagat." Sabi ni Isabel at nakinig naman si Kisses.

Ilang sigundo lang ang nakalipas ay nakita na agad ni Isabel ang transformation ng kanyang kanyang anak at iyon din ang kanyang ginawa. "Kisses anak.. buksan mo na ang mga mata mo." Sabi ni Isabel.

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon