Pangalawa sa pinaka malaking mundo na nilikha ng kalangitan ay ang mundo ng karagatan, ang pinagsamang mundo ng mga ordinaryo at ng mga extra ordinaryo. Kung ang mga extra ordianryo sa lupa ay nakakagawa ng mga pambihirang straktura gaya ng mga kaharian at mga palasyo ay ganoon din sa ilalim ng karagatan.
Isa sa mga pinakamalaking kaharian at kilala sa mundong ilalim ay ang kaharian ni Reyna Dayanara na siyang ina ni Prinsesa Isabel. Bukod sa pagiging Reyna nito kabilang rin ito sa mga pinaka makapangyarihan na nilalang sa karagatan dahil ayon sa mga tagasuri dito si Reyna Dayanara ang huling angkan ng Sinerang Bughaw o ang Sagradong Sirena.
Dati silang tinuring bilang kalaban ng mga mabubuting nilalang pero nagbago ang pagtingin ng lahat dahil sa pag ligtas ni Reyna Dayanara sa dating Hari mula sa mismong angkan nito. Mula noon sa tulong ng kapangyarihan ni Reyna Dayanara ay natupad ang batas ng hari sa mundo ng karagatan at naging payapa ang buong kaharian.
Hindi lahat ng nilalang sa dagat ay extra ordinaryo at imortal tulad na lang ng Hari, isang ordinaryong Sireno na nabuhay lamang sa loob ng walong put limang taon at namatay na ito. Pinasa ng hari ang kanyang tungkulin kay Dayanara dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan nito at naniniwala ang hari na siya lang ang may kayang panatilihin ang kapayapaan sa mundo ng karagatan.
Sa kasalukuyan ay hindi alam ng marami na bumalik na pala ang Reyna sa palasyo ng walang sino man ang nakakaalam. Isang napakalaking silid na walang nakakaalam tungkol dito ay ang siyang lugar kung nasaan ngayon ang Reyna.
Sa gitna ng silid na ito ay biglang lumitaw ang isang malaking bilog na crystal na gawa sa kapangyarihan ng yelo. Sa loob ng Crystal na ito ay may dalawang nilalang na lumulutang na tilay walang malay pareho. Isa na dito si Kisses, ilang saglit lang ay nag ilaw ang katawan nito at kusang nawala sa loob ng Crystal.
Mula sa wala na parang magic ay biglang bumuo ang isang napakagandang higaan at dito lumitaw ang pansamantalang tulog na si Kisses. Sa pagkagising nito ay napansin niya agad si Marco sa loob ng bilog na Crystal na parang natutulog habang lumulutang ang katawan nito.
Agad ding napuna ni Kisses ang lugar kung saan siya naroon ngayon at alam niya na hindi siya basta makakapunta dito kung walang nagtupad nito. Kahit hindi pa kabisado ni Kisses ang kanyang buong kapangyarihan ay natural na sa kanya ang kanyang mataas na pakiramdam. Sa pagkagising pa lang niya ay alam na niya agad na bukod kay Marco ay may iba pa siyang kasama sa silid na iyon.
"Sino ka? At bakit mo ako tinutulungan?" tanong ni kisses sa isang invisible na babae. Nung una ay binalewala ito ni Diane pero nung tiningnan na siya ni Kisses sa mata kahit invisible siya at wala na siya magagawa kundi ang magpakilala.
"Ako si Diane at kilala ako ni Pamela." Sinubukang magpanggap ang babae pero parang hindi ito makakapasa sa kakaibang instinct ni Kisses.
"Mas malakas ang pagtibok ng inyong puso kaysa sa mga salita na lumalabas sa inyong bibig at hindi sila magkasundo. Hindi nyo po kailangan magsinungaling dahil hindi po ako masamang nilalang. Sino po ba talaga kayo?" tanong ni Kisses at sa pagkakataong ito ay nagsabi na si Diane ng totoo.
"Ako si Dayanara at ako ang iyong lola." Ang diretsong sagot ng ina ni Isabel at agad naman ito naramdaman ni Kisses na parang hindi na niya kailangan ng kahit na ano bilang patunay na nagsasabi nga ito ng totoo. Umiyak si Kisses dahil ang akala niya ay nag iisa na lang siya dahil sa pagkakaalam niya na nawala na ang kanyang ama ay wala na siyang natitirang pamilya.
Ngunit ang malaman na mayroon pa pala siyang lola ay labis ang kanyang kasiyahan. "Pwede ko ho ba kayong yakapin?" ang sabi ni Kisses gamit ang kanyang nawawala walang boses dahil hindi nito mapagilan ang pagluha.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...