Nung dumating si Mackoy sa bahay nila sa Tagaytay sinalubong siya agad ng kanyang lola Elma kasama ang kanyang yaya Lourdes at kanilang driver na si Hernan. Kahit one week pa lang siya nahiwalay sa kanya lola parang sobrang namiss na niya ito. Lumaki si Mackoy na yung lola niya ang naging nanay at tatay niya kaya sobrang mahal na mahal niya ito.
Sa kanyang kwarto habang ginagawa ang kanyang homework bigla na naman niya naisip si Edward. Nung bumaba kasi siya sa puno may naisip siyang gawin para matuklasan niya kung ano talaga ang tinatago ng bestfriend niya.
Nagkunwari siyang umalis at pagdating sa may kanto na hindi kalayuan sa lugar ng kanilang pagkikita ni Edward ay nagtago si Mackoy at sumilip. Hinintay ni Mackoy ang pagbaba ni Edward pero may nangyari na hindi niya inaasahan. Biglang nagkaroon ng kulay asul na maliwanag sa ilalim ng puno at parang sumabog ito na walang ingay at biglang may lumitaw na isang babae.
Pagkatapos si Edward naman ang bumaba pero hindi normal ang kanyang pagbaba ng puno dahil tumalon ito mula sa itaas pero dahan dahan ang kanyang bagsak sa lupa na tila may tali na nakakabit sa kanya pero wala.
"Parang nasisiraan na ako ng bait. Ano bang nangyayari sa akin? ano ba ang nangyayari sa mundong ito?" ang sabi ng isip ni Mackoy. Hindi na siya maka concentrate sa kanyang homework dahil natatakot siya para sa kanyang kaibigan na si Edward.
Ilang minuto pa ay may kumatok sa kanyang kwarto at alam niya na walang iba iyon kundi ang kanyang lola. May dala itong gatas na parati niyang ginagawa bago matulog si Mackoy, hindi na tumayo si Mackoy dahil nakabukas lang yung pintuan ng kanyang kwarto. Nag usap sila ng sandali at pagkatapos ay iniwan na ni Elma ang kanyang apo at dahil sa gatas at mahimbing nakatulog si Mackoy.
Pero ang hindi alam ni Mackoy ay may ginawa ang kanyang lola sa kanya para makatulog siya agad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Elma ang katotohanan sa kanyang apo ang tunay nitong pagkatao at kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanyang mga magulang.
_______________________________________________________________
Also Starring:
Ms Sandy Andolong as "Lola Elma"
53 years old pero mukhang 40 years old pa lang ang kanyang katawan at lakas
Misteryoso ang kanyang nakaraan ang tanging alam lang ni Mackoy ay isa sa pinakamagaling na doktor ang kanyang lola.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...