The Elders

136 6 0
                                    

Dahil sa mga bihag nalaman ni Elma at ni Tokiro ang lokasyon ng pinuno ng mga kakaibang Vampira. Naging kakaiba ang mga vampirang ito dahil sa experimento na dinaan sa kakaibang proseso gamit ang nakamamanghang concepto ng sciensya.

Habang tumatagal ay napapantayan na ng mga vampirang ito ang matalinong kaisipan ng mga tao, bukod sa pagtutuklas ng mga makapanibagong sandata ay unti unti na rin nila natututunan ang kakaibang medisina at pagbuo sa ibat ibang uri ng chemical.

Napagsama ni Matias ang dalawang magkalaban sa paniniwala, ang science at ang supernatural kasama ang expertong scientist na si Azaki, na isang ordinaryong tao at nananatiling ordinaryo magpahanggang ngayon dahil may nadiskubri siya na may nangyayari pala sa utak ng isang tao kapag ito ay naging vampira.

Pero ang hindi alam ni Matias ay napag-aralan at nagawa na rin pala ito ng kanyang pinsan na si Vincent Du-sang sa tinatayo nitong empire sa America.

Ngayon ay handa na sina Mackoy at Elisse, kasama si Jeric at tatlo pang masters para pigilan ang masamang gawain ng isang vampirang ito na gustong angkinin ang lupain ng China.

Naiwan sa templo ang dalawang Elders na sina Tokiro at Elma at dahil mga Elders sila ay bawal sila makipaglaban at lalo na ang pumatay ng kahit anong nilalang na kasali sa book of life pwera na lang kung considered na silang patay.

Pinili sila ng kataas taasan dahil sila ang pinaka karapatdapat sa posisyong ito. Si Master Yanma Tokiro ang pinili para maging Elder ng mga extra ordinaryo na nasa mundo ng mga tao at si Elma naman ang Elder para sa mundo ng majika.

Nasa mundo ng mga tao ngayon si Elma pero nababantayan pa rin niya ang mundo ng majika sa paraan na siya lang ang nakakaalam.

Ang Staff na mayroon sila ay ang basehan na isa silang Elder at mayroong pitong staff na nilikha ng kataas taasan at hawak na ito ngayon ng iba pang mga napiling Elders. Isa itong klase ng tungkod na kagaya ng kahoy pero gawa ito sa mela, isang uri ng bato na magaan at matatagpuan lamang sa langit.

Sa gitna ng pag-uusap nina Master Tokiro at Elma tungkol kay Sarmiento ay biglang may sumulpot na isang binata at hinahanap si Mackoy. Walang sinagot sina Elma pero parang nag-iintroduce na nito ang kanyang sarili.

"Ako po si Jerome, isa po akong istudyante sa Magic School at galing po ako sa mundo ng majika at nais ko po sanang maka-usap si Mackoy na hindi ko maaaring ikuwento sa inyong mga Elders." Sabi ni Jerome na parang may alam siya tungkol sa mga Elders.

Nagulat na lang si Jerome dahil parang kusa siyang lumipad patungo kay Elma kahit wala siyang ginawa. Nung nasa harap na niya ang Elder ay naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang ulo habang siya ay nakaluhod bilang respeto.

Nakita ni Elma na mabuti ang intesyon nito at may kinalaman ang paghingi nito ng tulong laban sa nag-iisang anak ng isang witch na nakalaban niya dati bago siya naging isang Elder.

"Alam kong kailangan mo ang tulong ng aking apo pero hindi ka niya matutulungan kung wala siyang tiwala sa iyo." Sabi ni Elma na parang alam na niya ang pinagdadaanan nito.

Tumayo si Jerome, "Maaari niyo bang sabihin sa akin, kung anong pwede kong gawin upang makuha ko ang kanyang tiwala?" pakiusap ni Jerome na parang kailangan talaga niya makausap si Jerome.

"Tulungan mo siya, ipakita mo sa kanya na kaya mong ibuwis ang sarili mong buhay para sa kabutihan at kapayapaan." Sagot naman ni Elma at dahil na rin kilala niya ang kanyang apo at ito lang ang pwede niyang gawin.

Nagtinginan sina Elma at Master Tokiro at nakita ni Jerome na gumalaw ang ulo ng isa pang Elder na tila ay sumasang-ayon ito. Walang narinig si Jerome pero pakuwari niya ay parang nag-usap ang dalawang Elder na gamit lamang ang kanilang mga mata.

Dahil sa nakita ni Elma ay gumawa siya ng portal gamit ang kanyang staff. Ang portal na ito ay isang shortcut patungo sa lugar kung nasaan si Mackoy sa mga oras na iyon.

"Puntahan mo siya.. ipakita mo at patunayan mo sa kanya na isa kang kakampi at kailangan mo ang tulong niya." Sabi ni Elma at dumiretso naman si Jerome sa portal at pumasok siya dito.

At nung nawala na si Jerome ay parang napa-isip si Elma na parang mas bumigat ang kanyang pag-alala. Napansin naman ito ni Tokiro at tinanong niya agad.

"Sabihin mo sa akin.. Ano yung totoong nakita mo?" sa naging reaksyon ni Elma ay parang may nakita itong hindi maganda.

"Si Virgo, ang anak ng Queen Witch., ay nandito at nag-iipon ng mga mandirigma para sa kanyang planong mamuno sa mundong ito." Sabi ni Elma na ikinagulat naman ni Tokiro.

Dahil sa sinabi ni Elma ay hindi lang pala ang mga Vampira ang kanyang magiging problema na kailangan niyang bigyan ng atensyon. "Anong dapat kong gawin?" sabi niya sa kanyang sarili at alam niya din na hindi pa siya handa sa malakihang digmaan na ito dahil konti pa lang ang naipon niyang well-trained masters.

***

Kung sa labas ay parang isang factory ang disenyo ng gusali na may malawak na vacant area sa perimeter nito na pwedeng maglagay ng sports complex. Sa mga oras na iyon ay walang nagbabantay sa lugar, tahimik at wala ring tao.

Anim silang mga masters na dumaan sa training ni Master Tokiro at ito na ang kanilang pagkakataon upang ilabas ang kanilang mga natututunan. Bukod sa main entrance ay sinubukan din nilang maghanap ng iba pang pwedeng pasukan. Magkasama sina Elisse at Mackoy na pumasok sa main entrance at sa unang mga hakbang nila ay walang sumalubong sa kanila.

Biglang sumara ang pinto ng malakas at mag-isa at agad hinanda nina Elisse at Mackoy ang kanilang mga sarili dahil alam nila na isa itong patibong. Napansin ni Mackoy ang cctv camera at dahil dito alam niya na pinapanood sila.

Sinara ni Mackoy ang kanyang mga mata at sabay sabi "Takpan niyo ang mga tenga niyo.." isa sa mga kapangyarihan ng isang Seraphim ay ang pagwasak gamit ang enerhiya na nakakabingi at triple ang higit sa isang banshee pero gingawa ito ni Mackoy nang hindi man lang siya sumisigaw.

Nasira ang lahat ng camera sa lugar na iyon at dito na nagsimulang lumabas ang mga kakaibang vampira. Hindi naging madali ang kanilang pakikipaglaban dahil sa sobrang dami nito at kahit na malakas si Mackoy gamit ang kanyang espada ay parang napapagod na din siya sa mga vampira na tilay hindi nauubusan sa sobrang dami.

Lahat silang anim ay sumasabak na ngayon sa pakikipaglaban sa mga vampirang na mukhang dumaan din sa training at parang bawat isa sa kanila ay parang may taglay ring kapangyarihan.

Nung dumating na ang dalawa sa pinakamalakas na Vampira ay nahirapan na si Mackoy dahil kahit alam niyang malakas si Elisse ay nag-aalala pa rin siya dito kaya nung may isang vampira na nagkaroon ng pagkakataong umatake sa likod ni Elisse ay agad naman ito sinalo ni Mackoy at nagpakawala ng isang spirit shield at agad siyang nagcounter unch dito at napatay niya ito.

Nakita niya rin mula sa malayo ang isa rin nilang kasama na parang nanghihina na ang katawan at patuloy pa rin sumusulpot ang mga panibagong vampira at nung nakita niya na isang hakbang na lang ng vampira ay mapapatay na nito ang kanilang kasama ay agad siyang tumakbo at lumipad.

Malayo si Mackoy at kung mabilis siya ay ganoon din ang mga vampira at nung sa tingin niya ay hindi na niya masasalba ang kanyang kasama ay huminto si Mackoy at nagulat na lang siya nung biglang may sumulpot na binata at hinampas ang vampira at pinasabog ito sa taas ng ere na gamit ang hawak nitong magic wand.

Nakipaglaban ang binatang ito laban sa mga vampira at agad namukhaan ni Mackoy at naalala kung sino ang witch na ito.

"Jerome.." sabi ni Mackoy at tumingin sa kanya ang lalaking ito sabay kindat.

Nagtaka si Mackoy pero hinayaan na lang niya at kahit wala siyang sinabi natutuwa ito dahil sa alam ni Mackoy na iyon ang oras na kailangan niya ang tulong nito.

"At your service Mackoy, Sa likod mo.." sabi naman ni Jerome at agad pinutol ni Mackoy ang ulo ng vampirang umatake sa kanyang likod gamit ang espada nito.

________

Sandy Andolong bilang si Elma

 Monsour Del Rosarion bilang si Tokiro

Jerome Ponce bilang si Jerome 

The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon