Trusted Son

169 5 0
                                    

Kaunti lang ang nakakaalam kung paano nagsimula ang lahi ng mga vampira sa mundo at isa na si Gasparre dito dahil may naikwento si Draco ang kanyang ama sa kanya tungkol sa mga naikwento rin sa kanya ng kanyang mga magulang noon.

Sa napakalaki at napakalawak na espacio sa ilalim ng mansion ng pamilyang Du-Sang ang apelyido ng ina ni Gasparre bago ito nagpakasal kay Draco, ay may makintab na sahig na napapalibutan ng malalaking poste at kahit sa underground ito ay malamig pa rin ang paligid kaya may fireplace sa apat na sulok ng espacio. Nakaupo sa sahig sina Draco at ang bunso niyang anak na si Gasparre, at sa mga panahon na iyon ay nasa anim na taong gulang pa lang si Gasparre nung ikinuwento sa kanya ng kanyang ama ang tungkol sa kanilang lahi.

"Delfir ang pangalan ng lalaking ito, wala siyang ibang hangad kundi ang makasama ang kanyang iniibig na dilag. Pero dahil hindi kabilang si Delfir sa royal family ay ipinagbabawal ang kanilang relasyon. Ngunit dahil sa sobrang minamahal niya ang prinsesa ay humingi siya ng tulong sa kakilala niyang witch at sinunod naman niya ang lahat ng tagubilin ng witch kabilang na ang pag-inom ng dugo ng prinsesa at ganun din ang ginawa ng prinsesa. Nag-iba ang itsura ng princesa at nagkaroon ito ng pangil, dahil dito itinakwil siya sa palasyo dahil sa kanyang pagkagat sa kanyang sariling ina. Hanggang sa hindi na nila namamalayan na nagiging gumon o addicted na sila sa dugo ng tao at ito ang naging consequence ng sumpa. Pero sa kabila ng pagiging uhaw nila sa dugo ay may naidudulot ito na kakaibang lakas at kapangyarihan sa kanilang katawan at nadiskubri din nila na hanggang may dugo silang naiinom ay mananatili silang buhay kahit ilang taon pa ang magdaan at ikinatuwa nila ito. Dahil dito natupad na ang pinapangarap ni Delfir ang makasama ang kanyang prinsesa habang buhay. Pagkatapos ng tatlong buwan ay nagpakita muli ang witch para bawiin ang sumpa na nagdudulot na ng karahasan at kamatayan sa ciudad pero hindi pumayag si Delfir at pinatay niya ang witch." At sinara ni Draco ang libro na binabasa niya habang nakasandal sa kanya ang kanyang anak na si Gasparre.

"Papa, ibig sabihin ba may gamot sa pagiging vampira natin?" ang tanong ni Gasparre na talagang inaasahan at hinihintay ni Draco.

"Gusto ko ikaw ang maghanap nito, at gusto kong mananatiling lihim sa pamilya natin ang kwentong binahagi ko sayo, maliwanag?" bilin ni Draco sa kanyang pinakamamahal na anak at sumang ayon naman si Gasparre dito.

Kasalukuyan sa China...

Nasa taas ng roof top sa isang gusali sa Beijing ang mag amang sina Marco at Gasparre at minamasdan ang paligid. "Maghanda ka, may nakahalata sa kinaroroonan natin." Sabi ni Gasparre at nakiramdam naman si Marco sa malamig na ihip ng hangin gamit ang kanyang mataas na sense of hearing at nung nagpakita ang kalaban ay bigla na lang nawala si Gasparre, Nagtaka si Marco pero inisip niya na baka bahagi pa rin ito sa kanyang training.

Tulad ni Marco ay mukhang nagteteleport din ang kalabang vampirang ito, sumugod ito at biglang nawala at sumulpot naman muli sa likod ni Marco. Gamit ang itak ay muntik na niya maputulan ang leeg ni Marco pero nagawa niya magteleport kaya hindi ito tumama sa kanya. Sa sunod na pag atake ng kalaban ay muli na naman ito nawala at sumulpot sa itaas ng ulo at nakailag pa rin si Marco pero hindi na ito nagteleport at nag counter ito ng kakaibang pag atake. Walang nakita ang kalaban na kahit na ano mulas sa mga kamay ni Marco pero parang may tumama sa leeg nito at bigla na lang nahulog ang ulo ng kalaban sa simentong sahig ng roof top. Hindi inaasahan ni Marco na magiging kalansay agad ang kalaban niya sa loob lang ng ilang segundo.

"Kung bibigyan mo sila ng pagkakataong sugurin ka, para mo na ring binigyan sila ng pagkakataong na mapatay ka." Sabi ni Gasparre na bigla na lang sumulpot sa kanyang likuran at hindi na sumagot si Marco dahil alam niya na tama ang kanyang ama. "Sa tingin oras na para sa iyong huling pagsasanay." Sa sinabing ito ni Gasparre ay parang mas na excite na si Marco.

Nagteleport ang dalawa sa labas ng isang di kilalang gusali. "Sa loob ng gusaling yan ay makikita mo ang pinuno ng mga masasamang vampira. Kapag napatay mo siya ibig sabihin ay nagtagumpay ka pero kung hindi ay hindi mo na ako makikita." Ang seryosong pagsabi ni Gasparre sa kanyang anak, gusto pa sanang magtanong si Marco pero bigla na itong nawala.

Pumasok si Marco sa loob pero hindi niya akalain na mas matalino kaysa sa kanya ang pinuno, sa pagpasok pa lang niya agad na siya nakunan ng cctv na hindi niya napansin at naghanda na agad ang mga Vampire Warriors ng pinuno. Hindi pa niya nabuksan ang kahit na anong pintuan sa loob ng gusali na iyon ay agad na nagsilabasan ang mga kalaban.

Nasa isang malaki at eleganteng kwarto sa underground makikita ang pinuno, sa kanyang mukha ay walang makikita na kahit na anong bakas ng pagkatanda kahit mahigit na limang daang taong gulang na ito. Sa loob ng kanyang kwarto ay may napakalaking screen at kasalukuyan niyang ini-enjoy ang pinapanoorin niyang labanan sa loob mismo ng kanyang gusali. Sampung Vampira laban sa isang binatang extra ordinaryo. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatumba lahat ni Marco ang sampung kalaban niya at ikinatuwa ito ng pinuno.

Nilabas ng pinuno ang dalawa sa pinakamalakas at makapangyarihan niyang alagad at inutusan niyang hulihin ito ng buhay. Kahit sobrang nahirapan ang dalawa sa pag huli kay Marco ay naging matagumpay pa rin sila at dinala nila si Marco sa isang napakatibay at magical protected na kulungan at hindi pwede magteleport palabas at tulad din sa buong gusali ay magical protected din. Hindi inaasahan ni Marco ang pangyayaring ito pero kahit na nahuli siya alam niyang may dahilan kung bakit pinagkatiwalaan siya ng kanyang ama sa pagsasanay na ito o baka naman katulad niya ay hindi rin inaasahan ng kanyang ama ang pangyayaring ito pero kahit ganoon pa man gagawin niya pa rin ang lahat mapatunayan lang sa kanyang ama na hindi ito nagkamali sa pagturo dito.


The Extra Ordinary TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon