Sa kakaibang enerhiya na taglay ng isang puting bato ay parang hinihigop nito ang espiritu o kahit anong lakas taglay ng isang extra ordinaryo na nakakulong sa loob nito. Unti unti nang nagbabago ang kulay at pangangatawan ni Yong dahil sa puting bato na parang dahan dahan siyang pinapatay.
Dalawang araw na ang nakalipas pero laking pagtataka ni Parkins dahil nararamdaman pa rin niya ang paghinga ni Yong kaya umupo siya sa isang lugar na may sampung metro na distansya mula sa puting bato dahil baka pati siya ay higupin nito.
"Kamusta ka na Yong.. alam mo bihira ang mga tulad natin na tumatagal na higit pa sa bente kwatro oras sa loob ng kulungan na yan." Sabi ni Parkins na kahit mahinahon ito magsalita ay dinig na dinig pa rin ni Yong.
Hindi alalm ni Yong kung ano ang naging kasalanan niya sa nilalang na ito kaya kahit hirap siya magsalita ay pinilit pa rin niya maglabas ng kahit konting salita. "Anong.. kasalanan.. ko.." ani Yong na parang kasing bigat ng katawan niya ang bawat salitang binanggit niya at narinig naman ito ni Parkins.
"ahmm.. Wala lang naman, kailangan ko lang ang kapangyarihan mo kaya bilisan mo na ang mamatay. Buti pa ang mga magulang mo wala pang bente kwatro oras ay namatay na kayalang minalas ako ninakaw sa akin ang amulet na ito pero...." sabi ni Parkins habang suot suot niya ang Amulet de Portes.
Si Yong naman ay parang nahinto ang lahat ng sakit at pagdurusa ng kanyang katawan at mga nararamdaan nung narinig niya ang tungkol sa kanyang mga magulang. Nawala lahat ang kanyang planong paghanap sa kanyang pamilya at ang pag-asa na makita ang kanyang mga magulang ay parang binura lahat ng mga salita ni Parkins.
Unti unting umaakyat sa kanyang ulo ang bighati at galit sa walang awang nilalang na patuloy pa rin na nagsasalita kung paano niya pinahirapan at pinaslang ang kanyang mga magulang. Walang iba kundi ang init na bumabalot sa katawan ni Yong ang siyang bukod tangi niyang nararamdaman.
Nakikita ni Yong na parang lumulutang na ang kanyang katawan pero nagtataka ito kung bakit parang wala siyang kontrol sa mga nangyayari. Humaba at naging sing puti ng ulap ang buhok ni Yong at ganoon din kaputi ang mga mata nito. Nagkaroon ito ng parang umiilaw na ugat na korteng buto ng isda, mula sa paa hanggang sa noo. Naging pointed ang mga kuko nito at ganoon din ang tenga na may kahabaan ng konti at parang nabura ang totoong mukha ni Yong at naging isang totoong nilalang at imahe ng isang Elemento.
Ang umiilaw na ugat ni Yong ay naging maitim nung binaliktad niya ang kanyang katawan. Nasa itaas ang kanyang mga paa habang yung isang kamay naman ay nasa kanyang likuran at ang kanan nito ay ang siyang papatungan niya sa sahig.
Sa pagpatong ng kanang kamay ni Yong ay dahan dahan bumaba ang maitim na ugat sa sahig ng puting bato. Kumalat ang parang likido na maitim at hanggang sa naging maitim ang buong puting bato.
Nung napansin ni Parkins ang maitim na ugat ay agad siyang nangamba dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Mukhang alam na ni Parkins kung ano ang susunod na mangyayari kaya agad niya ginamit ang isa pang kapangyarihan ng Amulet at ito ang gumawa ng lagusan papunta sa mundong majika.
Kaya nung winasak ni Yong ang buong puting bato ay hindi na niya naabutan si Parkins at dahil wala na ito at hindi na niya nararamdaman ang presensya nito sa kahit saang sulok ay bumalik na kanyang dating katawan at bigla na lang itong nahimatay.
***
Dahil kay Enrique ay agad naghanda sina Korden at agad sila tumawag ng back-up mula sa Porters Agency at Hunters Association, dalawang grupo ng kakaibang samahan na hindi nalaman ni Enrique at kahit ni General Alvarez o' Parkins.
Sinira ng mga werewolf ang ilang bahagi ng summers camp sa kanilang pag-pasok pero isa-isa naman silang bumabagsak sa naimbentong silver bullet ni Eric Ross. Ang silver bullet na ito ay may gamot na likido sa loob na kusang lumalabas kapag pumasok na ito sa loob ng katawan ng kanyang naging biktima.
BINABASA MO ANG
The Extra Ordinary Teens
FantasySi Mackoy ay matalik na kaibigan nina Edward at Marco na hindi niya alam na may tinatago palang misteryo na sobrang ikinagulat niya. Hindi alam ni Mackoy kung paano harapin ang kanyang mga natuklasan lalo na nung nadiskubri niya na wala pala siyang...